Kabanata 27

485 17 5
                                    

(Jaslene's POV)

Gaya nga ng sabi ni papa hinintay ko sila sa tapat ng SM Makati. Hindi na daw kasi sila nag bus dahil mas mahihirapan si mama sa byahe. Idagdag pa ang mga damit na dala dala nila.

Nagarkila sila ng Van na magpupunta sa kanila dito sa Van. Malaki ang inarkila nilang van na sasakto sa mga dala nila.

May van na itim na pumarada sa harapan namin. Ito na siguro ang sinasakyan nila.

"Anak! Dito ka na sumakay sa harap" ani Papa sabay bukas ng pintuan sa passenger seat.

Hindi na ako lumingon pa dahil alam kong makikita ko si Lolo sa likuran. Bagay na iniiwasan ko dahil hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin yung mga sinabi ko sa kaniya.

"Saan kayo kumuha ng bahay??" pagtatanong ko kay Papa.

"Doon daw sa Bel Air." napatango ako ng marahan.

Isa iyon sa mga exclusive subdivision dito sa Makati at hindi basta basta makapapasok doon ang mga hindi residente.

Ang sabi din daw kasi maraming artista at business men ang nakatira doon kaya hinihigpitan talaga ang seguridad.

Nang makapasok na nga kami sa Bel Air ay may sumalubong sa amin na babae. Siya daw yung nagayos ng papeles para sa mabilisang pagtira nila.

Sumakay pa siya sa Van para ituro sa driver kung na saan yung bahay.

"Kahit po hindi pa fully paid yung bahay pwede nang tirhan?" pagtatanong ko doon sa babae.

Medyo nakakapang hinala kasi hindi naman masyadong malaki at mahal yung bahay pero sino ba naman ang may-ari na papayagang titira agad doon kahit hindi pa fully paid yung bahay.

"Yes mam. Hindi naman po mahigpit yung may-ari ng bahay at naiintindihan naman po nung may-ari yung sitwasyon. Basta po tuloy tuloy yung bayad sa bangko" napatango ako.

Sana lahat ng may-ari at nagpaparenta ng bahay ganoon.

"Wala na pong problema sa bahay dahil Fully furnished na rin po iyon. Nag migrate na kasi yung may-ari sa ibang bansa kaya hindi na niya k-kailanganin yung mga gamit"

Swerte nila dahil minsan na lang sila makahanap ng bahay na tao na lang ang kulang. Idagdag pa na mabait yung may-ari at naiintindihan yung sitwasyon ni mama.

Mabuti na lang talaga at nakahanap agad sila ng matutuluyan dahil mas okay talaga na dito na magpatingin si Mama. Mas okay rin na dito na lang din sa Makati para hindi na lalayo pa sa bahay nila.

Ilang minuto lang ay huminto na kami sa isang palapag ngunit malawak na bahay. Pagkababa namin sa sasakyan agad bumungad sa amin ang tahimik at malinis na lugar ng Bel Air.

Unti-unting binaba ni papa at Manong driver yung mga dala dala nilang damit.

"Isang floor lang po yung house pero saktong sakto na po sa inyo ang 60 square meter na sakop ng bahay. The house has 3 bed rooms 2 comfort room. A sala, dining area and kitchen"

"Mayroon din pong malawak na bakuran at isang car parking lot sa harapan ng bahay" binuksan nung babae yung maliit na gate.

Ang disenyo ng bahay sa labas ay parang inspired sa mga bahay sa camella homes. Hindi nga lang kagaya ng mga bahay sa camella homes na may second floor. Ang itsura ng bahay sa labas ay parang bungalow style.

Simple lang at hindi kasing ganda ng mga bahay na nadaanan namin kanina. Sa street ng bahay nilang 'to hindi naman gaano masyadong magagandang ang bahay. Hindi katulad ng mga bahay doon sa kabilang street talagang nakakamangha sa laki.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon