Kabanata 26

435 12 1
                                    

(Jaslene's POV)

Maaga akong gumising para mag handa sa muling pagpasok ko sa opisina. Hindi na rin sasabay sa akin si Eli dahil may pupuntahan pa daw siya kaya ako ang mag isang b-byahe.

Hindi naman na mahirap para sa akin iyon dahil kahit paano alam ko naman na ang sasakyan ko papunta ng opisina. Kung tutuusin pwede nga siyang lakarin kaso kapag sobrang init nakakatamad.

Sino ba naman ang gugustuhin na papasok ka pa lang ng opisina tagaktak na agad ang pawis mo. Kaya mas gugustuhin ko na mag bayad ng otso pesos na pamasahe.

Ito na rin ang araw kung kailan map-promote daw ako. Nagtext sa akin kagabi ang TL namin at ang sabi niya umakyat daw ako sa opisina ng CEO.

Alam ko naman na nandun si Ben pero kailangan kong magpanggap na parang walang nangyari, na parang hindi kami magkakilala dalawa.

Hindi naman na ako mahihirapan doon dahil pakiramdam ko maging siya ay ayaw ng issue o tsismis.

Kahit saan kasi nakikita ko ang mukha niya nasa tabloid, telebisyon at magazine. Yung ibang kuha niya naka tux siya at yung iba naman parang nagw-work out siya.

Siguro kinukuha siya sa mga ganoon dahil sa edad na 28 ay succesful na siya. Maraming negosyo at maraming bahay. Sa madaling salita, marami nang napatunayan.

Sumakay ako ng jeep at sakto naman dahil wala masyadong pasahero. Bilang lang sa mga daliri ko ang pasahero at gaya ko papasok din sila sa opisina.

Wala ka talagang ibang makikita dito sa Makati kundi mga empleyado. Kadalasan sila ang mga tumatakbo sa pedestrian lane at naghahabol para on time ang pasok.

Dumungaw ako sa bintana at hinahayaan ko lang na iwasiwas ng hangin ang buhok ko. Malayo naman sa akin ang katabi ko at hindi naman ganoon kahaba ang buhok.

Hindi gaya sa probinsya na sariwa ang hangin, dito amoy usok at kung ano ano. Hindi mo matitiis na langhapin yung hangin lalo na kapag nasa kalsada.

Nakakalungkot lang talaga at naging ganito kadumi ang halos lahat ng parte ng Manila. Malinis naman sa Makati pero kapag nasa labas na ako ng Makati doon ko nakikita ang totoong Manila.

Madumi, maraming nanlilimos, maraming naglalakad habang nagy-yosi at hinding hindi mawawala ang mga mandurukot na naghihintay ng madudukutan.

Napabuntong hininga ako sa naisip. Hindi ka talaga makakalabas ng bahay na may dala dalang cellphone.

Bumaba ako sa tapat ng building na pinapasukan ko at agad akong tumungo sa pinakataas na palapag.

Iyon ang nagiisang opisina ng CEO. Sakop lang naman nun ang buong palapag nun. 'Yon ang naririnig ko dahil hindi pa naman ako napapadpad sa opisinang iyon.

Ito pa lang ang unang beses.

Ako na lang ang naiwan sa elevator. Medyo natakot pa ako dahil masyadong malaki ang elevator. Natatakot din ako na bigla na lang mamatay ang lahat ng ilaw at tumigil bigla.

Ngunit laking ginhawa naman nang tumunog na ang elevator. Pahiwatig na nasa opisina na ako ng nagiisang CEO ng kompanya.

Pagkalabas ko doon walang sumalubong sa akin na sekretarya ni Ben. Walang pintuan o kahit ano pagka labas ko pa lang ng elevator opisina niya na agad. Kaya siguro nakahiwalay sa pindutan ang floor ng opisina niya.

Ang nakapagtataka lang wala akong makitang tao.

Siguro wala pa siya.

Nilibot ko ang paningin ko at gaya ng disenyo ng bahay ni Ben sa Nagsasa ganoon din ang itsura ng opisina niya.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon