Kabanata 6

598 7 0
                                    

(Jaslene's POV)

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung magkausap kami nila mich. At simula nun Nilinaw ko na muli kay antonio ang lahat lahat. Na wala pa rin akong naramdaman at hindi ko itataya ang gusto niyang mangyari lalo na't alam kong may masasaktan kami, lalo na kaibigan ko pa.

Dahil kung ang kinakabahala ko noon ay ang iisipin ng mga kabaryo sa aming dalawa ni antonio, baka mas lumala iyon lalo na't kalat sa baryo namin ang pagibig ni michelle kay antonio noon.

Paano ba naman dumating pa talaga sa puntong si michelle mismo ang nagharana kay antonio sa bahay nila.

(FLASHBACK)

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo mich?? Malalaman ng buong San Antonio ang kabaliwan mo!!" talagang hindi niya ko pinapansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad papuntang bahay ng mga antonio.

"Ano ka ba mich?! Huwag mo na ituloy ito. Sasabihin ko na lang kay ben na sabihin niya kay antonio kung ano man yang nararamdaman mo!!" singhal ko ngunit parang wala pa rin siyang pakielam.

Naiinis na ako hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya. Dahil sa ginagawa niya magagalit pa sa kaniya ang mga magulang niya at panigurado malalaman rin to ng ama ko.

Lagot nanaman ako nito panigurado.

Hindi nako nakapag pigil at hinila ko na ang braso ni mich para humarap siya sa akin.

"Mich makinig ka naman sa akin. Kapag nalaman ito ng mga magulang mo talagang malilintikan ka!!" malamig niya akong tinignan at inayos niya lang ang mahaba at itim niyang buhok.

"Jas.. Kalma ka lang okay?? Wala ang mga magulang ko at sisiguraduhin kong hindi nila ito malalaman. Gusto ko lang naman mapansin na niya ako" mahinhin niyang sabi.

"Mapansin?! Jusko naman, kung gusto mo lang mapansin ka niya dapat noon mo pa sinabi!! Alam mo namang matalik na kaibigan si ben at antonio. Kayang kaya kong ipasabi kay ben ang gusto mong iparating kay antonio" ngunit imbis na sumang ayon, umiling siya at ngumiti sa akin.

"Gusto ko na ako mismo ang magsabi sa kaniya ng tunay na nararamdaman ko.." aniya at nagsimula muli maglakad.

Napatampal na lang ako sa noo ko, mukhang hindi ko na nga siya mapipigilan sa gusto niyang mangyari.

Ang totoo ay malayo ang bahay ni antonio sa bahay nila mich ngunit si mich ay talagang mapilit. Kaya kahit hating gabi na kinatok niya pa rin ako sa loob ng bahay namin at sinabi na tinamaan siya kay antonio.

Kakasimula pa lang ng pasukan at doon niya lang nakilala si antonio pero tinamaan at parang hulog na agad siya kay antonio. Unang taon pa lang namin bilang high school students at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ni mich at nagpapakabaliw siya ngayon ng dahil lang kay antonio.

Nang makarating kami ng tuluyan sa bahay nila antonio ay tuluyan ng nilabas ni michelle ang gitara niya at umubo ng kaunti para maayos ang vocals niya.

Napailing na lang ako at naiinis ko siyang tinignan.

Talaga lang michelle?! Sa sobrang daming nagkakagusto sa'yo si antonio lang pala ang magpapatibok ng puso mo at magpapawala ng pagiging maria clara mo??

Inistrum niya ang gitara at saktong sakto lang ang tunog ng gitarang iyon para marinig nila antonio mula sa bahay nila ang pagtugtog nito.

Hindi ko alam kung anong tutugtugin niya dahil hindi pamilyar sa akin. Parang ngayon ko pa lang 'to narinig.

"Tuwing kita'y nakikita

Ako'y natutunaw

Parang ice cream na bilad

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon