Kabanata 5

822 7 0
                                    

Gaya nga ng sabi ni antonio pinunta niya ako sa isang fine dining restaurant. At pagkarating namin sa parking lot. Nakita ko na agad ang naggagandahang mga kotse. May lamborghini, porsche, chevrolet at BMW. Kotse pa lang pang malakasan na paano pa kaya 'pag nasa loob na kami ng restaurant.

Bago ako bumaba ay nagulat ako ng nasa tabi ng napintuan si antonio at pinagbuksan ako ng pinto.

Ang bilis ah.

Inilihad niya sakin yung kaliwang kamay niya at pinatong ko ng marahan ang kanang kamay ko doon. Malambot ang kamay niya, halatang hindi siya gumagalaw sa bahay o 'di marunong ng gawaing bahay.

Pagkapasok namin sa loob ay naunang pumasok si antonio sa magarang elevator papunta sa pinakataas nitong building at doon bumungad agad sa amin ang isang waiter na may malawak na ngiti.

"Good evening madame and sir.. Table for two??" umiling ng bahagya si antonio.

"Reservation for magsaysay." malalim niyang sabi.

Inilahad nung waiter ang kanang kamay niya at ngumiti ng mas malawak pa "this way sir"

Pagkapasok pa namin sa isang pintuan ay bumungad na sa amin ang mga taong masayang kumakain at nagu-usap. Ang mga lalaki ay nakasuot ng tuxedo habang naka formal dress naman ang mga babae. Simbolo ng karangyaan sa buhay.

Akala ko ay doon kami makikisalo kasama sila ngunit pumasok pa muli kami sa isang pintuan at doon bumungad sa amin ang isang lamesa na nakabalot sa pulang tela, dalawang tiffany chairs at sa gitna ng lamesa nakapatong ang vase na may mamahaling bulaklak. Ibig sabihin nireserve at para kaming VIP sa kwartong ito.

May isang malaking chandelier doon at may binatana sa tapat ng lamesa. Kaya naman kitang kita mo ang city lights. At hindi lang iyon. May red carpet at mini speakers pa roon na may nakaka relax na tugtog. Para ka talagang espesyal na tao dahil sa espesyal na kainan na ito.

Espesyal din malamang ang presyo ng kwartong ito lalo na ang mga pagkain nila.

Lumapit kami sa lamesa at hinila ni antonio ang kaliwang upuan para sa akin. Yes, ganito siya. Super gentleman at iingatan ka talaga niya lalo na kung malapit ka sa kaniya.

Nang makaupo kami pareho ay hindi na niya ako pinapili ng oorderin. Basta na lamang may dinala yung waiter na pagkain namin. Hindi ako pamilyar pero isa itong steak na sobrang lambot.

Habang kumakain ay binabalik tanaw namin ang mga nangyare noong mga bata pa lang kami.

"Naalala mo ba nung may nangaway sa akin tapos nandun ka??" tanong niya ng natatawa.

"Oo naman! Tapos pinagtanggol kita at nung akala nilang babatuhin ko sila ng bato nagsitakbuhan sila. Kung makikita mo lang iyong mga itsura nila para silang takot na takot" natatawa kong bigkas.

Napailing siya habang tumatawa "Sino ba naman ang hindi matatakot sa malaking bato na hawak mo?? Paano mo iyon nabuhat ha?? Ikaw ba si super girl??" pangaasar niya.

Malakas ako at ayokong ayoko talagang may nakikita akong inaapi o umiiyak sa harapan ko. Kahit gaano pa katigas ang puso ko, lumalambot ito lalo na 'pag may isang taong umiiyak sa harapan ko. Ayoko lang talagang may nakikita akong nahihirapan at nasasaktan.

"Syempre ako pa ba??" mayabang kong bigkas habang pinapakita pa ang muscles sa braso ko.

Mga tatlong oras rin kami kumain at nagkwentuhan. Nabusog ako sa steak pero may dessert na cake kaya wala akong choice kung hindi kainin iyon. Nakakahiya naman kung 'di ko uubusin iyon hindi ba.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon