Kabanata 17

452 6 0
                                    

(Jaslene's POV)

Oras na rin ang nakalipas ng maglaro kami. At hanggang ngayon hindi maalis sa isipan ko na ako ang pipiliin ni Ben kaysa kay Jessica.

Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil ako ang pipiliin niya.

Ngunit paano si Jessica na girlfriend niya?

Napagdesisyonan na naming pumunta sa tent. Nadatnan namin sa pinaka malaking tent na nakahiga na doon ang katulong nila Antonio.

Bawat tent ay may lampara na nagsisilbing ilaw. Wala naman kasing kahit na anong ilaw dito bukod sa liwanag na nagmumula sa bwan.

Trenta minutos na ang nakalipas ng mahiga kami sa tent. Komportable naman iyon ngunit hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko ang itsura ni Ben kanina.

Kitang kita ko doon sa mga mata niya na tunay ang sinabi niya. Ngunit hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko kung paano na si Jessica.

Kung pinili niya ako ibig sabihin hindi naman talaga mahalaga sa kaniya si Jessica.

Kilala ko si Ben. Dahil sa mga sinabi niya sa akin tungkol kay Jessica. Alam kong hindi niya naman talaga sineryoso si Jessica.

Pero bakit nitong mga nakaraang araw silang dalawa ang magkasama?

Napailing ako ng bahagya. Kung iisipin ko silang dalawa talagang hindi ako makakatulog.

Pinikit ko na ang mga mata ko at sinubukang matulog.

Ngunit gaya ng kanina. Ilang minuto na ang nakalilipas. Pabago bago na rin ang posisyon ko sa pagtulog.

Ngunit sadya talagang hindi ako tinatablan ng antok.

Binuksan ko ang mga mata ko. Kung pipilitin ko ang sarili ko hindi talaga ako matutulog.

Siguro panunuorin ko na lang muna ang bwan at nagkikislapang bituin sa labas.

Pagkalabas ko ng tent. Agad ko naman napansin ang dalawa pang tent. Nakapatay na ang ilaw doon. Pahiwatig na tulog na si Antonio at Ben.

Naglakad ako papalapit sa dalampasigan at doon ko nakita ang likod ng isang lalaki.

Kilalang kilala ko ang likod na iyon dahil yun ang nagsisilbing sandalan ko noon kapag pagod na ako. O kaya kapag walang sandalan yung upuan.

Minsan pa nga sinasakay niya ako doon 'pag hindi ko na talaga kayang maglakad.

Naglakad ako papalapit sa kaniya at tumabi sa tabi niya. Bahagya pa siyang nagulat ng makitang umupo ako sa tabi niya.

"Bakit gising ka pa?" tanong niya.

"H-hindi ko alam. Siguro hindi lang talaga ako sanay matulog sa tent. Pero baka mamaya antukin na rin ako" bigkas ko.

Iniwas niya ang paningin niya sa akin at tinignan niya lang ang bwan na kitang kita namin. Tumingala pa siya ng bahagya para makita ang nagkikislapang bituin.

Kitang kita ang mga 'yon dito dahil hindi pa naman polluted ang lugar na ito. Kung sa manila talagang hindi mo makikita ng maramihan ang bituin.

Dito kitang kita mo na nagkalat sila. Hindi mo mabibilang sa mga daliri mo at malamang aabutin ka ng siyam siyam sa pagbilang nun.

Tanging ang ingay lang ng dagat ang namagitan sa amin at ingay ng mga kuliglig. Hindi siya nagsasalita kaya hindi rin ako nagsasalita.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon