Kabanata 13

506 6 0
                                    

(Flashback noong elementary pa lang si jaslyn)

Nagising ako sa paggising sa akin ni mama. "Anak ito na ang unang araw mo sa eskwelahan. Excited ka na ba?"

Napangiti ako at kasabay nun ang pagyakap ko sa kaniya.

"Oo naman mama!" nagagalak kong bigkas.

Masaya akong hindi na summer pero mas masaya akong pasukan na. Syempre ito na naman yung mga araw na may bago kang makakalaro at makikilala.

"Hindi ka na ba natatakot pumasok sa school?" ngumuso ako ng bahagya.

"Mama hindi na ako bata. Grade 6 na ako at hindi na ako umiiyak sa eskwelahan" pagtatama ko sa kaniya.

Kaya naman bahagyang natawa si mama. Ginulo niya ng bahagya ang buhok ko.

"Malaki ka na nga. Sige na magayos ka na ng sarili mo at bilisan mo lang" lintanya niya sabay labas sa kwarto ko.

Malaki ang kwarto ko sakto ito para lagyan ng mga laruan ko. At hindi manika ang mga nilalaro ko.

Mas gusto kong nilalaro yung pogs, teks at ten twenty. Hindi na ako naglalaro ng manika dahil sabi ni mama kapag lumaki na ako hindi ko na malalaro iyon.

Sangayon naman ako doon dahil mas gusto maglaro ni Ben ng mga larong pang lalaki. Hindi siya naglalaro ng barbie dahil pang babae lang daw iyon.

Pagkatapos kong magayos ng sarili ko. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Tinignan kong bagay ba sa akin ang uniform ng grade 6.

Kumpara kasi sa grade 1-5 ang uniform ng grade6 ay mas kikay o mas pang babae tignan. Mas maganda ito at mukhang pang ibang bansa.

Simpleng puting blusa lang ang pangitaas namin may ribbon iyon na green kulay. Tugma sa kulay ng green namin na skirt. Hindi pinapayagan ng eskwelahan na magsuot kami ng maikling palda kaya naman below the knee ang haba non.

Bagong bago at kumikinang din ang itim kong doll shoes. Pinatahi pa ito ni mama sa isang kilala na pagawaan ng sapatos dito sa San Antonio.

Tinignan ko din ang tali ng mahaba at itim kong buhok. Naka pony iyon gamit ang paborito kong itim na panali sa buhok.

At syempre hindi mawawala ang pabango. Syempre unang araw dapat unang araw pa lang mabango at maayos na akong tignan.

Nang matapos na ako magayos dumiretso ako sa hapag kainan at doon naghihintay sa akin ang mahabang lamesa.

Ang mahabang lamesa na iyon ay kayang umokupa ng sampung tao. Gawa din iyon sa narra kaya naman hindi lang iyon maganda kundi matibay din iyon.

Sa gitnang dulo nakaupo si lolo habang si papa naman sa kabilang dulo. Sa kanan ni papa nakaupo si mama at sa kaliwa na lolo nakaupo si lola.

Bago ako umupo dumiretso muna ako sa upuan ni lolo para magmano.

"Ang ganda ganda naman ng apo ko" pagpuri sa akin ni lolo. Napangiti naman ako at nagpa cute ako ng bahagya na siya namang kinatawa ng lahat.

"Ang ganda ganda na bibong bibo pa" lintanya ni lola. Napangiti ako lalo.

"Magandang umaga po lolo at lola" bati ko sabay nun ang pagmano ko sa kanila.

Ganito palagi ang umaga namin. Ang turo sa akin ni mama dapat daw magbigay ako ng galak sa lolo at lola tuwing umaga. Simpleng pagngiti ko lang daw ay nadadala na rin sila sa emosyon ko.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon