Kabanata21

475 11 0
                                    

*Present*

(Jaslene's POV)

Nagising ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni papa na nagmumula sa labas ng kwarto ko.

"Jaslene anak? Bumaba ka na at kakain na tayo" bumangon ako sa pagkakahiga at nilibot ko ng marahan ang paningin ko.

Nasa kwarto ako ng bahay ko noon. Akala ko nananaginip lang ako na nakatira na ako sa bahay namin. Totoo pala talaga na umuwi ako dito.

Dahil na rin siguro sa pagod kaya napasarap ang pagtulog ko. Hindi ko namalayan na tanghalian na pala at hindi ko naabutan ang almusal.

Agad naman akong nagayos ng aking sarili bago bumaba sa hapag kainan. Nang bumaba ako sa hapag kainan natagpuan ko doon sina lolo't lola at si papa. Kung ano ang pwestong inuupuan nila noon ganoon pa rin iyon hanggang ngayon.

Umupo ako sa inuupuan ko dati at wala naman akong narinig na pagtutol mula kay lolo. Sa totoo lang si lolo lang naman talaga ang may galit sa akin at inis sa presensya ko.

Hindi niya siguro matanggap na wala na sa mga kamay niya ang kompanyang pinapatakbo niya noon.

Tahimik kaming kumakain at maski isang kaluskos na magmumula sa akin iniingatan ko. Ayokong magbigay ng dahilan para kainisan ako lalo ni lolo.

Dahil kapag nasa hapag kainan, dapat hindi maingay ang pagkuskos ng kutsara sa mga plato. Kahit na babasagin iyon dapat walang lilikhang ingay doon.

Masyado lang talaga silang strikta. At tanda ko pa rin hanggang ngayon ang mga pinagbabawal sa bahay na 'to.

Nang matapos kumain si lolo't lola, agad naman silang nagtungo sa sala at iniwan kami ni papa sa hapag kainan.

Isa pang pansin ko sa bahay namin ngayon, wala na silang katulong. Hindi katulad noon na may taga laba, taga luto at taga linis ng bahay ang mansyon na 'to. May mga katulong pa nga kami noon na habang kumakain kami nakatayo lang sila at nakapalibot sa amin.

Sino na kaya ang naglilinis ng bahay at naghuhugas ng pinggan?

"Kumusta naman sa Manila?" pagtatanong ni papa.

Wala namang pinagbago sa ugali ni papa, ganoon pa din siya kagaya noon. Tahimik at magsasalita lang kung kailan niya gusto. Hindi siya katulad ni lolo noon na kapag may taong bumibisita sa amin siya ang naglilibang at humaharap sa kanila.

Ngunit dati kapag kaming dalawa lang ang magka harap. Puro tawanan lang kaming dalawa dahil sa mga biro niyang nakaka tawa naman talaga.

Kaya naman bahagya kong namiss ang papa.

"Okay naman po doon. Magulo at maraming tao palagi sa kalsada. Tapos ang dami ding sasakyan kaya palaging traffic doon" paliwanag ko.

Sa tuwing papasok kasi ako ng opisina wala akong ibang naamoy kundi usok ng sigarilyo usok na nagmumula sa tambutso. Kaya naman saktong sakto dahil kapag pasok mo sa opisina amoy nakaraan ka na.

"Sino naman ang nagrekomenda sa'yo na manuluyan sa boarding house?"

"Si Antonio po. Tinulungan niya po ako sa paghahanap ng boarding house at trabaho. Mabait naman po yung land lady at mabait din ang roommate ko"

Tumango siya at hindi na muling nagsalita. Nang matapos kaming kumain ay agad naman kaming nagtungo sa kwarto kung saan nandoon si mama, nakahiga at natutulog mapayapa.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masyadong malungkot para sa akin ngayon ang ganitong eksena. Pagkatapos ng sampung taon, hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko matatagpuan ang mama ko.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon