Kabanata 24

456 12 1
                                    

(Jaslene's POV)

Hindi ako makatanggi dahil nasa sasakyan niya ako ngayon. Ibig sabihin siya ang masusunod.

"Ibaba mo na lang ako dyan. Magc-commute na lang ako" ngunit imbis na huminto tuloy tuloy lang ang pagm-maneho niya.

"Jas ihahatid na kita, baka kung ano pa yung mangyari sa'yo. Sige ka, mas lalong magagalit sa akin ang mga Mendez niyan" pagbibiro niya.

Alam niyang malaki ang galit ng mga Mendez sa Aguilar dahil nga sa nangyari. At dahil doon, hindi na nagt-tangka ang mga Aguilar na lumapit o pumasok sa bahay namin.

Wala na akong nagawa kundi sumama sa kaniya. Hindi naman siguro siya magtatagal dahil ilang oras na ang binabyahe namin.

Mahigit tatlong oras na kaming nasa byahe at unti-unti na rin umiinit ang pwetan ko.

Hindi na ako magt-taka kung bakit may resort si Ben dahil halata namang magandang maganda na ang estado ng buhay niya.

Ilang oras pa ay nakarating naman agad kami sa Sta. Cruz

"May naghihintay sa atin na ski boat dyan at dadalhin tayo nun papunta sa resort" paliwanag niya sabay baba ng sasakyan.

Agad din naman akong bumaba at sumunod sa kaniya. Nang makasakay na kami ng ski boat niya'y siya pa rin ang nagmaneho nun.

Sumasabay sa ihip ng hangin ang suot suot niya. Mas lalo pang nakapag pagwapo sa kaniya ang suot suot niyang sun glasses

Sinabi ko bang gwapo siya?!

Hindi naman maipagkakaila iyon dahil sa tuwing mapapadaan kami sa maraming tao. Lahat sila napapatingin sa kaniya. Para nga naman kasi siyang model sa Manila.

Ilang minuto lang ay nakikita ko na agad ang nagiisang isla. May mga nakahilera doon na mga flag na sumasabay sa pag ihip ng hangin.

Nakikita ko rin ngayon na madaming tao sa dalampasigan. May mga nags-swimming at kayaking.

Kahit na katatapos lang ng rainy season ay hindi pa rin tumitigil sa pagbisita ang mga turista.

Sa totoo lang ngayon ko lang alam ang island na ito. Hindi ko pa ito nakikita sa commercial o nababanggit man lang sa balita. Siguro isa iyon sa dahilan kung bakit maganda at malinis pa rin ang isla na ito.

Kadalasan kasi kapag naibabalita na sa telebisyon at marami nang nakakaalam, dumudumi yung lugar sa mga walang disiplina na turista.

Nang makababa kami sa dalampasigan agad namang may sumalubong sa amin na dalawang babae. Naka uniporme sila ng polo shirt na floral at nakasuot ng floral na shorts.

"Sir.. Nasa lobby po yung nagwawala"

Agad nakipag usap si Ben sa babaeng isa habang naglakad sila papalayo. Naiwan ako sa isang babae na nakasuot din ng floral na polo shirt.

"Ikaw po yung asawa ni Sir??" Nagagalak na tanong nung babae.

Kumpara sa kausap ni Ben, mas mukhang bata ito at mukhang kasing edad ko lang siya.

Hanggang dito ba naman alam nang mga tao na ikakasal dapat kami noon?? Napakalayo na nito sa San Antonio pero maging sila alam na dapat ikakasal ako kay Ben.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon