Kabanata 29

469 13 2
                                    

(Jaslene's POV)

Hindi ko alam ang sasabihin ko nung sabihin iyon ni Antonio. Sa totoo lang nagulat ako kung paano niya nalaman na dito na kami nakatira.

Alam ko naman na sasabihin ni Eli kay Antonio na hindi na ako sa boading house nakatira pero hindi ko naman sinabi eksakto kay Eli kung saan sa Bel Air ako nakatira.

"Paano mo nalaman na dito na kami nakatira??"

"Hindi naman ganoon kahirap magtanong Jas" aniya. Hindi na ako nakapag salita at naglakad na lang ako papasok ng bahay.

Doon ko nadatnan si Mama at Lola na nanunuod ng telebisyon.

"Saan ka ba nanggaling Jas?? Kanina ka pa hinihintay ni Antonio dito" nagmano ako kay lola at kay mama bago sumagot

"Yung boss ko po kasi nagkaroon ng urgent meeting" pagd-dahilan ko.

Hindi naman masama minsan magsinungaling lalo na kung para sa kanila din naman 'yon.

"Hindi ka na din nakasama sa check up ng mama" bigkas ni papa nang lumabas siya mula sa dining area.

Nakalimutan kong may check up pala ngayon si mama

"Babawi na lang po ako sa susunod. Kumusta po ang check up??" bigkas ko habang umuupo sa couch. Ganoon din ang ginawa ni Antonio.

"Okay naman. May mga bagong gamot na naman na pinabili at sisimulan na daw ang operasyon sa isang linggo"

"Ibig pong sabihin wala sa kritikal na parte ng utak yung tumor?"

"Oo anak, mabuti na nga lang at hindi malala. Pwedeng operahan para mas mabilis matanggal yung tumor"

"Kapag nabayaran na natin ng buo ang pang paopera sisimulan na agad ang operasyon sa susunod na linggo" ani Papa.

Mabuti na lang talaga at nakapag pacheck up agad sila kung hindi baka mas lumala pa ang kondisyon ni Mama.

"Ako na lang po ang s-sagot sa gamot ni Mama. Sabihin niyo po sa akin kung ano yung kail-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Lolo

"Hindi na kailangan apo, si Antonio na ang namili ng maintenance ng mama mo" napatingin naman ako kay Antonio na katabi ko ngayon. Ngumiti siya sa akin ng marahan.

"Antonio.." pagbigkas ko sa pangalan niya. Pahiwatig na hindi niya na kailangan gawin pa 'yon dahil kaya ko namang bilhan ng gamot si Mama.

Nakakahiya lang dahil siya pa talaga ang bumibili ng gamot para kay mama

"Wala ka nang magagawa dahil nakabili na 'ko"

Sabagay. Hindi ko naman pwedeng isauli sa bilihan ng gamot yung mga gamot.

Pero pwede ko siyang bayaran

May pera ako ngayon dahil nga sahod, hindi ko pa nakikita ang bangko ko pero alam kong nandoon na ang sahod ko.

Nakalimutan ko din na idaan yung bayad sa boarding house dahil nga hinatid na ako mismo ni Ben sa tapat ng subdivision.

Siguro bukas ko na lang id-daan kapag naka withdraw na ako. Bukas ko na rin siguro babayaran si Antonio, kapag wala na kami sa harap nila Mama.

"Saktong sakto ang dating mo dahil kakain na tayo. Dito ka na rin kumain Antonio" pagaya ni Lolo kay Antonio.

"Sige po. Kanina ko pa rin po naaamoy ang luto niyo"

Naglakad nga kami papuntang hapag kainan habang inaalalayan ko si Mama. Sakto naman ang upuan dahil pang anim na tao ang upuan sa hapag kainan.

Umupo si lolo sa dulo at si papa naman sa kabilang dulo. Habang katapat ni Mama si lola at katapat ko si Antonio.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon