Kabanata 8

494 9 0
                                    

(Jaslene's POV)

Mabilis lumipas ang araw. Umaga bago ako pumasok, dadaanan ko sa hospital si antonio at kakausapin siya kahit na hindi niya ako masasagot. Ang sabi naman ng doctor naririnig niya naman daw kami ngunit 'di niya nga lang talaga masasagot o masasabi yung gusto niyang sabihin.

Nilipat na rin sa ibang hospital si antonio. Malapit na sa makati nang sa ganoon malapit na sa aming malalapit sa kaniya. Sa isang exclusive subdivision sa makati nakatira ang pamilyang magsaysay. Kaya naman hindi na sila mahihirapan pang magpabalik balik sa bahay nila.

Kumuha na rin sila ng taga bantay ni antonio. Dahil kahit na nasa ICU siya hindi pa rin siya mababantayan ng 24hrs sa loob dahil sumisilip o nag c-check up lang naman ang mga nurse at doctors. Kahit na malapit lang daw sa station ng mga nurse ang ICU mas mabuti pa rin daw yung sigurado.

Pagkatapos ng trabaho ko babalik ulit ako ng hospital at kakausapin ko ulit siya. Para akong baliw dahil tinatanong at kinakausap ko ang isang comatose pero sabi ng doctor mabuti daw yun sa pasyente. Yun din ang sinasabi sa akin ni tita, na kausapin ko lang daw siya ng kausapin.

Kaya heto ako. Bago ako pumasok gaya ng nakagawian dumadalaw kami ni eli dito sa hospital. Nakakapagod oo pero ito na lang ang magagawa ko para gumising na si antonio.

"Good morning antonio, miss na miss ka na namin. Gumising ka na ha?? Ilang araw na ang nakalipas pero nakahiga ka pa rin diyan. Sabi mo hahatid at susunduin mo ko?? Gumising ka na diyan para mahatid mo na kami sa trabaho" bigkas ko habang hinahaplos ko ng marahan ang noo niya.

Medyo humilam na ang mga sugat na natamo niya at araw araw may nilalagay na panibagong dextrose sa kaniya.

Nagbukas ang pintuan at niluwa nun si macy. Napabuntong hininga na lang ako.

"Huwag mo na ngang paasahin si kuya. Kuya will never court you again." aniya sabay irap.

Ganito naman palagi ang eksena naming dalawa. Sa tuwing mat-timingan niya ako na nandito talagang hindi siya papayag na hindi niya ko sasabihan ng kung ano ano.

Pero dahil ayokong makipag away at naiintindihan ko naman kung bakit siya may galit sa akin, hinahayaan ko lang siya. Kung ito ang paraan niya para mabawasan ng kahit kaunting galit o pagsisi sa puso niya.

Pagkatapos namin kausapin at dalawin ni eli si antonio. Dumiretso na kami sa pinapasukan namin at gaya ng mga nakalipas na araw. Hindi kami masyadong naguusap ni eli. Pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon.

Pagka papasok kaming dalawa, pagkauwi. Palagi kaming umaasa na gumising na si antonio. Pero sana nga balang araw, ganoon na lang ang madatnan namin pagbisita namin sa kaniya.

Sa opisina, tuliro pa rin ako. Pero hindi naman naaapektuhan nun ang trabaho ko, talagang natutulala lang ako kapag wala akong ginagawa kaya ginagawa ko lahat ng pinapagawa nila sa akin at inuutos. Gaya noon hindi ako umuuwi ng may nakatambak na trabaho sa akin. Mas okay sa akin yung umuwi ako ng late. Mas pabor sa akin yun dahil tulog na lang ang gagawin ko sa boarding house.

Wala na akong panahon para magisip at malungkot. Dahil sa puntong 'to ng buhay ko. Halo halo ang emosyon ko.

Sabado ngayon at ito na raw ang araw kung kailan malalaman kung sino ang magp-present sa bagong CEO.

Hindi na ako naghahangad dahil maraming mas magaling sa akin. Mas maraming magaling magsalita ng ingles at magaling magpresent kaya hindi na ako maghahangad sa ngayon ng promotion.

After ng lunch break ay pinapunta agad kami sa meeting office at tahimik na umupo sa kaniya kaniyang upuan.

Gaya noon. Hindi pa rin ako nakikipag usap at nakikihalubilo.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon