Kabanata 7

546 9 0
                                    

(Jaslene's POV)

Agad kaming tumungo sa hospital kung saan sinugod si antonio. Habang papalapit kami ng papalapit sa hospital pabilis rin ng pabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako para sa kaibigan ko.

Tahimik kami sa buong byahe. Medyo malayo ang hospital sa makati kung saan tinakbo si antonio. Naaksidente daw siya sa may bandang pasay kaya doon na lang rin siya sa pinaka malapit na hospital sinugod. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong nangyare kay antonio. Alam kong hindi naman dahil sa akin pero kinukutuban ako.

Nang makarating na kami sa eksaktong hospital tinanong agad namin sa nurse kung saan yung emergency room. At doon nagtagpuan namin ang pamilya ni antonio. Naghihintay sa waiting area. Umiiyak at hindi malaman kung anong gagawin nila.

Agad naman silang napalingon sa amin. Ang kapatid ni antonio ay galit na lumapit sa akin at naramdaman ko na lang ang mga palad niya na mabilis tumama sa pisngi ko.

"HOW DARE YOU COME HERE!? YOU ARE THE REASON WHY KUYA'S DRINKING, MY KUYA DOESN'T DESERVE THIS. I DONT KNOW WHY THE HELL HE'S STILL INLOVE WITH YOU!!" sigaw niya sa mismong pagmumukha ko. Tinitigan ko siya sa mga mata niya at kitang kita ko sa mga mata niya ang galit, sakit at pagka lungkot.

"LOOK WHAT YOU'VE DONE JASLENE HE'S STILL UNCONSCIOUS AND THERE'S A POSSIBILITY THAT HE'LL BE ON COMA!!" hindi ko alam kung anong mas masakit. Yung sampal ba niya o yung posibilidad na pwedeng ma comatose si antonio. Unti-unti ng nagtutubig ang mata ko

Nanghihina ako. Hindi ko alam na dadating siya sa puntong ganito. Hindi ko alam na umiinom siya gabi gabi matapos nung sinabi ko sa kaniyang hindi kami pwede. Na wala akong feelings para sa kaniya.

Naramdaman ko ang mga kamay ni eli na hinahagod ang balikat ko. Pero mas lalo lang umagos ang luha ko sa pisngi kong ramdam pa rin hanggang ngayon ang palad ni macy.

Bakit nangyare 'to?!

Lumapit si tito't tita kay macy "Hija, calm down. It is not her fault! It's an accident. We can't blame anyone okay??" pilit pinapakalma ni tita at tito si macy ngunit para itong nagaapoy sa galit. Parang walang makakapag pigil sa ginagawa niya.

"It is her fault, mom. Kung hindi siya nagmamatigas kay kuya edi sana hindi na nangyari 'to" aniya sabay turo sa akin "Hindi ko alam kung bakit hinahabol habol ka pa rin ng kuya ko when.." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngumisi "When you're nothing but a boring slash ugly girl"

"That's enough hija. Sorry jas.. She didn't meant what she said" paumanhin ni tito sa akin. Hindi ko sila masagot, hindi ko magawang ipagtanggol yung sarili ko. Patuloy lang sa pagagos ang mga luha ko.

"I mean it jas. You know that I mean it. So from now on, stay away from antonio!" bulyaw niya sabay labas sa waiting area ng emergency room. Bago sundan ni tito at tita si macy nagsorry muna sila sa akin.

Naiwan ako.. naguguluhan. Hindi ko man lang nasabi yung side ko. Hindi man lang nila inalam kung anong nangyare sa amin ni antonio.

Bakit ako yung sinisisi nila?? I just made the right choice. And I need to choose the right choice. Kung sinagot ko siya, kung sinubukan kong muli mas lalo lang ako kamumuhian ng mga magulang ko, ng pamilya ko.

Ang iisipin ni michelle inahas ko siya. Na alam ko namang may pagtingin siya kay antonio pero nagpaligaw ako.

Ang iisipin ng mga kabaryo na tinuhog ko ang matalik na magkaibigan noon.

Hindi ko alam. Gulong gulo ako. Sa palagay ko nga kasalanan ko pero, kasalanan bang isipin ko rin yung reputasyon ko??

Napaupo ako sa mahabang upuan at napahagulgol ako. Ang mga kamay ko ang nag silbing panyo ko.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon