Kabanata 23

415 12 5
                                    

(Jaslene's POV)

Lumipas ang gabi na ang tanging kasama ko lang sa kubo ay yung anino ko. Buti na lang at may lampara dito at posporo. Iyon ang nagsisilbing ilaw ko sa loob ng kubo na 'to.

Hindi ko pa nga pansin na nung pumasok ako dito, dala dala ko pa rin pala ang tuwalyang ginamit ko. Kaya iyon na rin siguro ang gagamitin kong pang kumot sa malamig na panahon.

Hindi naman na umuulan pero ramdam ko pa rin ang lamig ng hangin. Kahit na sarado ang mga bintana hindi ko alam kung bakit malamig pa rin.

Hindi ko tuloy alam kung ano yung malamig, yung panahon ba o yung pagkatao ko.

Hindi ko alam kung anong oras na pero pakiramdam ko hatinggabi na. Ilang oras na rin kasi akong nandito sa kubo.

Wala rin sa akin ang mga gamit ko kaya hindi ko maitext kay papa na hindi ako makauuwi ngayon.

Kinatok niya naman ako dito sa loob at sinabing kakain na pero nagmatigas ako. Hinarang ko yung sarili ko sa pintuan para hindi siya makapasok

Ayoko kasi munang makita si Ben ngayon.

Dahil alam kong hihingi lang sya ng tawad.

Ilang oras pa nga akong napatitig lang sa kawalan at iniisip ang mga nangyari kanina. Kahit na sabihin kong wala na ang dating Jaslene hindi ko pa rin pala mapipigilan yung sarili ko na sumabog.

Tao pa rin naman ako pero hindi ko inaasahang ngayon ko nasabi lahat ng kinimkim ko sa loob ng sampung taon.

Gaya ko maguguluhan din kayo sa sitwasyon dahil patong patong na ngayon ang problema ko. Una kay mama na may sakit, pangalawa kay Antonio na hindi pa rin gumigising at pangatlo kay Ben na nagbalik na dito sa pilipinas.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wala akong magawa para maipagamot ang mama, hindi kaya ng sahod ko ang pang gamot sa kaniya.

At gustong gusto ko na makita si Antonio, gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng hinanakit ko. Siya yung nakasama ko sa sampung taon at nasanay na rin ako na nandyan siya palagi sa tabi ko.

Isa pa, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Antonio. Bibigyan ko na dapat siya ng chance na manligaw sa akin pero dumating naman si Ben.

At nung dumating siya mas lalong gumulo. Ayoko lang talaga masira ang pagk-kaibigan nilang dalawa nang dahil sakin.

Mabilis lumipas ang oras. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip ng mga bagay bagay.

Nagising na lamang ako ng nasa kama akong malambot at kwarto na may puting kisame. Agad akong napabalikwas dahil hindi naman ganito ang itsura sa loob ng kubo.

Ganoon na lamang ang gulat ko ng nasa tabi ko si Ben. Natutulog ng mahimbing.

Agad akong tumayo sa pagkakahiga at lumayo sa kaniya.

Bakit katabi ko na siya?! Natulog ako ng nasa kubo dapat nagising ako ng nasa kubo.

Nagising siya ng maramdamang umalis ako sa kama. Pupunas puna pa siya ng mata niya bago tumingin sa akin.

Wala siyang suot na iba kundi ang itim niyang boxers shorts. Napalunok ako ng makita ang buong katawan niya.

Hindi kagaya noon, mas naging maskulado ang pangangatawan niya at masasabi kong mas maganda ang hubog ng katawan niya ngayon kaysa noon.

Wala pa ang six pack abs niya noon at hindi rin masyadong pansin ang maskulado niyang katawan. Hindi tulad ngayon na kahit anong suotin niyang damit ay agad nakikita ang magandang hubog ng katawan niya.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon