Kabanata 20

408 6 0
                                    

Flashback to the wedding..

(Jaslene's POV)

Nagising ako sa isang sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. Pahiwatig iyon na umaga na at ito na ang araw ng kasal ko. 

"Magayos ka na anak at agad kang pumunta sa hapag kainan" ani Mama. 

Tumango ako ng marahan habang kinukusot ko ng marahan ang mga mata ko. 

At bago tuluyang lumabasas si mama. Agad naman akong tumakbo papalapit sa kaniya. Niyakap ko siya mula sa likuran.

"Ma! Ikakasal na ako!" kinikilig at natutuwa kong bigkas. 

Ngiting ngiti ako ng marinig ko ang paghikbi niya. 

"Ma? Bakit ka umiiyak?" malambing kong tanong. 

Hindi niya ako sinagot bagkus humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. 

"Sobrang nalulungkot lang ako dahil ikakasal ka na" aniya habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin. 

Agad naman nagtubig ang mga mata ko. Ang marinig ang bawat hikbi niya'y hindi ko matiis. Para bang mas nasasaktan akong makitang umiiyak ngayon ang mama ko. 

"Pasensya ka na dahil ikaw ang ipinakasal ni papa. Pasensya ka na kung ikaw lang ang anak ko" sa tono niya ay parang sinisisi niya ang sarili niya. 

Parang sinasabi niya na dapat hindi ako ang nagsasakripisyo. 

"Ma.. Okay lang ako dahil mahal na mahal ko ang taong pakakasalan ko. Walang duda iyon dahil magkasintahan naman talaga kami ni Ben" bigkas ko habang patuloy sa pagalo sa kaniya. 

Patuloy ko lang pinapasadahan ng palad ko ang likuran niya. Na mas nakakapag paiyak sa kaniya. 

"Mamimiss ko ang prinsesa ko!" aniya habang humahagulgol. 

Tuluyan naman na akong naiyak dahil maging ako'y nadadamay sa kalungkutan na nararamdaman ngayon ni mama. 

Hindi ko kayang makita na malungkot ang mama ko. Masyado akong nasasaktan sa bawat hikbi niya at bawat patak ng luhang nakikita ko sa mga mata niya. 

Ilang minuto lang ay hinihingal na pumasok si papa sa kwarto ko. Maging siya'y naguguluhan sa nasasaksihan niya ngayon. 

Ako na yakap yakap si mama habang umiiyak ito. 

"Ano ang nangyayari dito?! A-ayaw ka na ba sa kasal anak?" naguguluhang tanong ni papa. Agad naman humiwalay si mama sa pagkakayakap sa akin at tumigil na rin siya sa paghagulgol. 

"Hindi ako uma-ayaw papa.. Sadyang naging malungkot lang si mama" bahagya kong tinignan si mama na nagpupunas ng luha niya. 

"H-hindi ko kasi akalaing talagang babae na ang anak natin at marunong ng humawak ng mga responsibilidad sa buhay" malungkot na bigkas ni mama. 

Bumuntong hininga si papa bago sumagot "Akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo. Sige na Jaslene. Mag-ayos ka na at kanina pa nakahanda ang pagkain" may awtoridad na sabi ni papa. 

Agad niya namang nilapitan si mama at inayang bumaba sa hapag kainan. 

Pagkababa nila'y hindi agad ako nakaligo dahil hinihintay kong mapuno ang bathtub bago ako maligo doon. Pinagmasdan ko muna ang sarili sa salamin na nasa loob nitong paliguan ng kuwarto ko. 

Pinagmasdan ko ang mukha ko. Sakto lang sa pagiging morena ang kulay ng balat ko at wala din akong ibang nakikita na eyebags sa ilalim ng mga mata ko. Patunay lang iyon na hindi ako nagpupuyat at tama lang ang naging tulog ko. 

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon