Kabanata 16

446 7 0
                                    

(Jaslene's POV)

Ilang araw na rin ang lumipas. At gaya ng nakaraang araw hindi kami masyadong nagpapansinan ni Ben. 

Kung nung nakaraang linggo siya ang hindi namamansin sa akin. Nitong linggo ako naman ang hindi namamansin sa kaniya.

Nagtatangka siyang lumapit sa akin pero umiiwas ako. O kaya kapag kakausapin niya ako. Pupunta ako ng library para tumigil siya sa pagsasalita. 

Sa totoo lang wala naman akong karapatan na magalit o mainis sa kaniya. Ang hindi ko lang maintindihan. Bakit hindi niya sinabi sa akin na nagkabalikan sila ni Jessica?

Matalik niya kaming kaibigan ni Mich tapos hindi niya man lang sinabi sa amin. 

Ngunit hindi ko naman maintindihan sa sarili ko. Na sa tuwing lalapit sa akin si Ben. Tumitibok ng mabilis ang puso ko. 

Buti na lang hindi ako masyadong marupok dahil kung naging marupok ako. Malamang kinausap ko na siya. 

Pero yun lang ba talaga ang kinagagalit ko? 

"Ms. Mendez lutang na naman ang isipan mo!" sigaw ng guro namin. Nasa klase pala ako pero ang isipan ko na kay Ben. 

Napabuntong hininga ako 

"Sorry po Ms." paumanhin ko. Ganito naman palagi ang eksena kapag naalala ko yung nangyari. 

Palagi daw akong tulala at palagi daw naglalakbay yung isipan ko. Hindi ko alam, masyado akong naapektuhan sa nangyare. 

Lalo na kapag nakikita ko si Jessica at Ben na magkasama. Patunay lang iyon na nagkabalikan na nga sila. 

"Dahil nags-space out ka nanaman. Answer my question. What is Atomic Structure?

Napaisip ako. Nabasa ko na ito sa isang libro na binasa ko noong isang araw. 

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagsimulang magsalita

"Atoms are composed of protons, neutrons, and electrons. Protons and neutrons form the nucleus of the atom, with electrons moving around this core. The study of atomic structure involves understanding the composition of atoms, isotopes, and ions." paliwanag ko. 

Napatango ng marahan ang guro namin at hindi na muling nagtanong. Nagpatuloy na lang siya sa pagturo ng pinabagong lesson. 

Ngunit habang nasa klase mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko may kulang dahil hindi kami masyadong nagkakausap ngayon ni Ben. 

Natapos ang klase at recess na namin. Hinanap ng paningin ko si Mich at agad ko naman siyang nakita na palapit sa pwesto ko. 

Ang laki ng ngiti niya. Para bang may dala dalang magandang balita. 

"Bakit ang laki ng ngiti mo?" nagt-taka kong tanong. 

"Inaya kasi tayo ni Antonio!!" Masaya niyang bigkas habang parang kinikilig pa. Napangiti na rin ako dahil iba ang sayang nakikita ko kay Mich ngayon. 

"Eh teka. Saan daw ba tayo pupunta? At anong meron?" tanong ko. 

"Kaarawan niya daw kasi bukas at sakto naman daw dahil walang pasok. Binabalak niya daw na magpunta sa anawangin cove at doon niya ic-celebrate ang kaarawan niya. Diba ang saya saya nun!!

Napangiti ako. Marinig ko pa lamang na sinasabi iyon ni Mich natutuwa na rin ako. Pero impossible namang hindi kasama si Ben. 

"K-kasama ba si B-ben?" nauutal kong tanong. 

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon