Kabanata 14

443 4 0
                                    

(Flashback noong high school si jaslyn)

Maaga akong nagising ngayong umaga. Naunahan ko pa nga yung pagtunog ng alarm clock. Siguro dahil sa may event ngayon sa high school department. 

"Bumaba na lang daw po kayo pagkatapos niyong magayos" paalala sa akin nung kasambahay. Tumango ako at sinimulan ko na ang pagtatali sa buhok ko. 

Tinaasan ko ang pagtali non dahil mahaba naman na ang buhok ko. At mas bagay tignan kesa mababang tali lang. 

Inayos ko ang uniporme ko at bago ako lumabas. Nag spray muna ako sa katawan ng pabango ko bago tuluyang lumabas. 

Tatlong taon na simula nung magaral ako sa pribadong paaralan dito sa San Antonio para sa High School. At gaya noon parehas kami ng pinapasukan ni Antonio at Ben. 

Unti-unti na rin nagiging malapit sa akin si Antonio. Hindi na siya katulad noon na hindi nagsasalita. Nagsasalita na siya ngayon kahit papaano. 

At kung malala si Ben noong elementarya pa lang kami. Mas malala siya ngayon. Mas maraming lumalapit sa akin na babae tinatanong kung nasaan si Ben at kung ano daw ang ginagawa niya. 

Ganyan ang gawain ni Ben. Kapag tapos na siya sa isang babae. Titigilan na niya at tataguan niya. 

Hindi man lang siya magsasabi ng kahit ano. Kaya yung mga naiiwan niya nagm-mukhang tanga. 

Nang makarating ako sa hapag kainan. Nadatnan kong nandoon si Ben. Kumakain at masayang nakikipag usap kay lolo. 

Nang dumating ako nakuha ko ang atensyon niya. Ngumiti siya sa akin at nagbalik muli sa pagkain. 

Dumiretso ako sa lolo't lola para magmano. 

"Kanina ka pa hinihintay ng sundo mo" panunukso sa akin ni lolo. 

"Lolo! Hindi niya ako sinusundo. Malamang may pabor lang siyang ipapagawa sa akin kaya sya ganyan" tumingin naman sa akin si Ben ng masama habang nakanguso pa. 

Totoo naman eh.

"Hindi ah! Grabe ka talaga sa akin jas. Hindi ba pwedeng sinusundo lang talaga kita?" nagtawanan naman si lolo't lola habang nanunukso pa. 

Ano akala nila sa amin!? Mag syota? Asa!

Binalewala ko siya at umupo na lang ako sa tabi niya. Nagsimula na din akong kumain ng paborito kong almusal. 

"Bakit ka pala nandito Ben?" seryosong bigkas ni papa. 

Nakakatakot makitang seryoso si papa. Parang balak niyang kainin ng buhay si Ben. 

"Gusto ko lang po sunduin si Jas. Si jas po kasi ang pampalakas ko ng loob" bigkas niya sabay kindat sa akin. 

Kumunot naman ang mga noo ko at inirapan siya. Kung madadaan niya yung ibang babae sa pagpapa cute niya. Asa siya.

"Bakit mo naman kailangan ng lakas ng loob aber?" tanong muli ni papa. 

"Kakanta po kasi ako bukas sa eskwelahan. Ako po at yung ilang kasama ko sa chorale ang napili na magperform." paliwanag ni Ben. Napatango na lang si papa at nagsimula muli siyang kumain. 

Oo nga pala. Tutulungan kong magperform si Ben sa entablado bukas. Hindi ko alam kung bakit ako yung napili niya pero isa lang ang sagot niya. 

Ako lang daw kasi yung babaeng madaling pakiusapan at malapit sa kaniya. Kaya hindi daw siya maiilang na makasama ako. 

Totoo naman dahil maging ako kailanman hindi ako nailang sa kaniya. Masaya pa nga ako na kasama siya kahit na may pagka hambong minsan. 

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon