Kabanata 3

713 13 0
                                    

(Jaslene's POV)

Ilang araw na ang nakalipas simula nung unang araw ko sa trabaho ko. At ilang araw na rin simula nung nagkausap kami ni antonio. Mabuti na lang at tinantanan niya ako ngayon. Siguro nasaktan siya sa mga sinabi ko. But I have no choice but to tell him the truth.

Sabado ngayon at katatapos lang namin magtrabaho. Nakatayo ako dito sa labas ng building at hinihintay si eli. Sabi niya kasi ay may pupuntahan kami at hindi ko alam kung saan 'yon. Wala rin daw akong karapatan tumanggi dahil linggo naman bukas. Ibig sabihin, day off.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay naramdaman ko naman ang cellphone kong nagvibrate. Paniguradong si antonio nanaman ito.

Ngunit ng makita ko kong unregistered number ang nag flash sa screen ng cellphone ko ay bahagya akong nadismaya. Oo namimiss ko nga siguro si antonio.

"Hello?? Sino to??"

"Ito ba si jaslene mendez??" Tanong ng nasa kabilang linya. Boses lalaki, sino naman kaya 'to??

"Hmm.. speaking"

"Ah sige bye"

Anong trip nun?? At sino naman kaya yun??

Tinignan kong muli ang number at nakita kong hindi nagsisimula sa 09 ang number parang landline number.

Weird

Isang matinis at malakas na boses ang tumawag sa pangalan ko.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?? Parang nagulat ka na ewan" hindi ko siya sinagot. Nagt-takha pa rin ako hanggang ngayon kung sino ang kumausap sakin. Hindi naman iyon wrong number dahil buong pangalan ko ang tinanong niya.

"Wala wala.. Saan ba tayo pupunta??" pagiiba ko ng usapan.

Napangiti siya bago sumagot "Sa club!" nagagalak niyang sigaw. Anong meron at inaya niya akong mag club??

"Bakit?? Anong meron??" wala akong interes sa mga club at inuman na 'yan. Ayoko lang ng umiinom kasi bukod sa hindi naman talaga siya nakakalimot ng problema. Ang baho at ang pait pa nito.

"Birthday ko ngayon!!" hindi ko siya masyadong kilala. At hindi ko rin alam kung ano ang kwento ng buhay niya. Kaya malamang hindi ko rin alam kung ano ang interes at kung kailan ang kaarawan niya.

Mabait si elizabeth, masayahin siya at palaging positive ang iniisip. Salungat sa akin. Kung siya ay mabait, ako ay may pagka mataray. Ayokong nakikipag plastikan. Hindi rin ako masayahin at puro problema ang iniisip ko. Kung paano ko mahahanapan ng solusyon ang mga problema ko.

Gaya nga ng sabi niya ay nagpunta kami sa isang five star hotel dito sa makati. Kung saan may casino, bar at club sa loob. Paniguradong mahal dito pero hindi siya nagalinlangang ilibre ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang sinama niya dito.

Makita ko pa lang ang chandelier sa lobby ay masasabi ko na agad na mahal nga dito. Malamang mahal din ang pag check-in dito sa hotel. Marami rin akong nakikita na nakaayos pang mayaman. May mga naka cocktail dress at may mga naka tux. Ang mga bellboy naman nila ay nakapulang polo at nakaitim na slacks.

Nang matapos makipagusap si eli sa front desk receptionist may lalaking nasa harapan namin ngayon habang nakalahad pa ang kamay

"This way mam??" aniya.

Sumunod naman kami sa kaniya. Nauna akong pumasok sa elevator at sumunod naman sa akin si eli at yung bellboy. Pinindot niya yung floor sa pinakataas.

"Nasa pinakataas ang bar nila dito??" mangha kong sabi kay eli.

"Oo girl, at marami tayong makikilang gwashing lalaki yun" napa facepalm naman ako sa sinabi niya.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon