Kabanata 12

469 5 0
                                    

(Jaslene's POV)

Agad akong nagtungo sa kwarto para magimpake ng gamit kong dadalhin.

"B-bakit ka nagiimpake jas!?" naguguluhang tanong ni eli

"Uuwi ako ng San Antonio. Eli? Pwede bang isearch mo online kung anong oras ang trip papuntang San Antonio Zambales" bigkas ko habang patuloy pa rin sa paghahakot.

Hindi ko makakayang matulog dito at maghintay na sumikat na lang ang araw. Kaya aalis na agad ako para kinabukasan nandun na ako sa zambales.

Agad nagtipa si eli sa phone niya kahit na naguguluhan siya. At agad niya namang nahanap yung list ng trip papuntang San Antonio.

"Merong trip ng 11:00pm. 'Yon ang last trip nila ngayong gabi" tumingid agad ako sa malaking orasan na nakasabit sa pader. Ten o'clock pa lang. Ibig sabihin makakahabol pa ako sa bus terminal.

Kahit na nakatayo ako sa aisle okay na sa akin 'yon basta makapunta agad ako sa zambales.

Sampung taon ko sila hindi nakausap kaya naman kinakailangan ko talagang umuwi agad para makita si mama.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako na tumawag siya o malulungkot ako sa balita. Kung magagalit ba ako dahil bakit ngayon niya lang sinabi sa akin na may sakit ang mama.

Ako lang ang nagiisang anak kaya hindi ko alam. Responsibilidad ko sila. Lalo na ngayong hindi na nila kayang gawin yung mga nagagawa nila noong bata bata pa sila

Nang ayos ko ng ayusin ang mga damit ko sa isang travelling bag. Agad ko naman kinuha yung phone ko at nagtipa.

To: Team Leader

Mam uuwi po ako ng San Antonio. Kailangan na kailangan lang po talaga ako ng magulang ko. Mga 2weeks po sana ako don.

Hindi ko na hinintay ang reply. Agad kong binulsa ang phone ko at siniguro ko munang tama lang ang mga nadala ko.

"Uuwi ka talaga ng ganitong oras jas? Anong oras na" nginitian ko siya ng marahan.

"Okay lang ako Eli. May sakit si mama kaya kinakailangan ko munang umuwi sa San Antonio para malaman niyang nandito pa rin ako na anak niya"

"Sigurado ka bang magiging okay ka lang? Paano ka makakapunta ng bus terminal? Alam mo ba?" sunod sunod niyang tanong.

Doon ako napaisip ng bahagya. Oo nga. Hindi ko kabisado ang manila at hindi ko rin alam kung saan ang bus terminal dito sa manila.

"Sige na ihahatid na kita. Mamaya maligaw ka pa" laking pasalamat ko na lang talaga na nandito si Eli.

Gaya nga ng sabi niya hinatid niya ako sa pinaka malapit na bus terminal. Pagkadating namin doon ay agad kaming kumuha ng ticket papuntang zambales.

Mabuti na lang marami pang bakanteng upuan. Wala naman kasing dahilan para umuwi sa mga probinsya ngayon dahil hindi naman holiday o ano.

"Eli okay na ako dito. Nandito naman na ako sa bus terminal at may ticket na rin ako. Pwede ka ng umuwi" gabi na rin delikado para sa kaniyang bumyahe magisa.

"Okay ka na ba dito?" unti-unti akong tumango at niyakap siya.

Mabuti na lang talaga nakilala ko si Eli.

Bumitaw ako sa yakap at binigyan siya ng ngiti "Magiingat ka ha"

Ilang minuto lang nung umalis si Eli sumenyas na rin sa amin ang conductor na pwede na daw sumakay.

Wala namang nakaassign na upuan pero mas pipiliin kong umupo sa likod ng driver at sa tabi ng bintana.

Hindi rin first class ang bus na napili ko dahil mas mahal siya kumpara dito sa ordinary bus lang.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon