Kabanata 32

519 8 2
                                    

(Jaslene's POV)

Tanghali na nang magising kami. Naggising lang talaga ako sa sigaw ni Eli nang dahil sa sakit ng ulo niya.

Nagkaroon siya ng hangover na tinatawag at ito daw ang unang beses niyang makaramdam ng hangover.

"Grabeng sakit pala talaga sa ulo. Grabe" hindi siya makapaniwala sa nararamdaman niya ngayon. Samantalang ako na kulang sa tulog at maraming nainom kagabi hindi man lang tinamaan.

Mas nagising pa ako sa mga pinagsasabi ni Ben. Hanggang sa pagakyat ko sa kwarto namin dala-dala ko pa rin yung mga sinasabi niya. Para bang kusang nagr-replay iyon sa utak ko, yung pagiyak niya yung paghikbi niya. Hanggang ngayon sariwa pa rin 'yon sa aking isipan.

Siguro mga apat na oras lang ang tulog ko. Matapos kasi nang usapan na iyon hindi agad ako nakatulog, nakatitig lang ako sa kisame ng mga isang oras hanggang sa maramdaman ko ang antok.

Imbis na magpaantok ako sa dalampasigan mas nagising pa ako.

"Ikaw?? Wala kang hangover??" pagt-tanong niya sa akin habang nakahiga pa rin siya sa kama niya.

Tumawag na siya sa baba at nagpadala ng pagkain dito sa kwarto. Para daw kasing hindi niya muna kayang maglakad dahil nga sa sakit ng ulo niya.

"Wala. Hindi naman ako masyadong tinamaan" pagsagot ko.

"Hindi ka talaga tinamaan??" pagt-tanong niya muli.

"Hindi nga"

"Kung hindi ka tinamaan bakit ka kumanta ng someday??" agad naman kumunot ang noo ko.

Akala ko hangover ang pinaguusapan namin??

"Bakit naman napunta doon ang usapan"

"Masyado kayong halata dalawa. Alam mo, ang sabi nila when there's still hate there's still love" mas lalong kumunot ang noo ko.

"Hindi totoo 'yon!"

Sakit at inis na lang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi na galit dahil nakaramdam ako ng awa.

Siguro unti unti na ngang bumabalik yung dating ako.

"Believe me, totoo 'yon! Yung pakiramdam na naiinis ka kasi nandyan siya pero at the same time hindi mo maalis yung mata mo sa gwapo niyang mukha" hindi ko siya pinansin at umirap na lang ako sa kawalan.

Hindi naman namin kita ang isa't isa dahil nakatingin kami pareho sa kisame. Habang niraramdam niya yung hangover niya.

"Yung feeling na kumukulo yung dugo mo pero at the same time sumasabay doon yung bilis ng tibok ng puso mo"

Ano siya?? Love guru?!

"Ano bang pinagsasabi mo dyan. Wala nga! Wag ako okay" medyo naiinis na ako dahil pinagpipilitan niyang may nararamdaman pa ako kay Ben kahit wala naman na talaga.

Aba dapat lang na wala na dahil para kong inumpog ang ulo ko sa pader.

"Talaga bang wala na?? Kahit na ang lagkit ng tingin mo sa katawan niya?? Kahit na naiilang ka sa tuwing kaharap mo siya?? Yung sa tuwing titingin siya sa direksyon mo iiwas ka"

Hindi ako makasagot dahil totoo naman lahat ng sinasabi niya.

"Pero hindi ibig sabihin nun mahal ko pa siya. Magkaiba yung mahal sa naiilang"

"Okay sabi mo eh" aniya.

Rinig ko sa boses niya na hindi siya kuntento.

"Wala na nga!" naiinis kong bigkas.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon