Kabanata 11

481 5 0
                                    

( I Jaslene's POV)

Marahan ko siyang tinulak. Hindi ko alam kung bakit ganito yung inaasta niya. Nakakahiya dahil nakikita kami ni tita.

"Gusto ko lang masiguro na nasa magandang kalagayan ka" kitang kita sa mga mata niya ang pagalala. Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Maayos naman ako. Bakit ka pa pumasok dito sa hospital?"

"Naiwan mo kasi yung ID mo sa tapat ng hospital. Kaya akala ko naaksidente ka" bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang may hawak ng ID. Mukhang ID ko nga iyon.

Hindi ko man lang naramdaman yung paglaglag ng ID

"B-benjamin? Tama. Ikaw na nga si benjamin!" ani tita habang bakas sa mga mata niya ang galak.

Naguguluhan siyang tumingin kay tita kasunod nun ang pagtingin niya kay Antonio na nakahiga pa rin hanggang ngayon sa kama.

"What happened tita??" nagaalala niyang tanong.

Agad siyang lumapit sa higaan ni Antonio .

"Comatose siya hijo. Naaksidente sya nung nakaraang linggo at masyadong nabugbog ang ulo niya." paliwanag ni tita habang hinihimas himas ang noo ni Antonio. "Nag drive siya ng lasing kaya naaksidente siya"

"Bakit naman naglalasing si Antonio? Hindi naman siya marunong uminom" nagt-takhang tanong ni ben.

Huminga ng malalim si tita bago sumagot

"Maraming nagbago simula nung umalis ka Ben"

Tama. Masyadong maraming nagbago at baka hindi makapaniwala si ben kapag nalaman niya kung ano pa yung ibang nagbago.

Baka mas lalo siyang magulat na may pagtingin sa akin si Antonio. Na malabong mangyare noon.

"Bibili lang ako ng maiinom niyo sa baba. Naubusan na kasi kanina madaming bisita. Maiwan ko muna kayo dito" kasabay nun ang paglabas ni tita sa kwarto.

Naiwan na lang kami ni Antonio, Ben at ako. Wala yung private nurse dito dahil ang shift niya lang naman tuwing madaling araw hanggang umaga.

Wala kang ibang maririnig kundi pagtunog ng makina at pagbuntong hininga ni ben.

Umupo lang ako at umaktong busy ako makipag text sa kung sino.

Napalaro tuloy ako ng snakes

Sa sobrang pagkalibang ko sa paglalaro 'di ko napansing nasa tabi ko na pala si Ben.

"Anong nangyari simula nung umalis ako?" napangisi ako. Hindi ako makapaniwalang ang lakas pa rin talaga ng loob niyang tanungin at kausapin ako.

"Hindi ko po alam, sir." magalang kong bigkas.

Nagigting ang mga mata niya at napapikit ng marahan. Naiinis ba siya?

"Look I'm asking what happened when I left. 'Wag mo naman ako bastusin"

"Hindi po kita binabastos sir"

"Binabastos mo ako. Hindi mo sinasabi sa akin kung ano yung totoo"

Kumunot ang noo ko. Anong totoo?

"Anong totoo?" nagt-taka kong tanong.

"Kung anong totoo sa inyo ni Antonio. Nang matalik kong kaibigan" napatango ako ng bahagya.

"Iyon ba sir? Magkaibigan lang kami ni Antonio sir. Wala na pong iba"

"Really? You want me to believe all your lies?" nakangisi niyang bigkas. Na siyang kinairita ko.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon