Kabanata 22

450 10 0
                                    

(Jaslene's POV)

"A-anong.. B-bakit?" naguguluhan ko siyang tinignan. Pinasadahan ko ang buong kasuotan niya. Naka boxers pa siya at sando lang ang pang itaas niya. At parang kagigising niya lang.

"Dito na ako nakatira. Paano mo nahanap ang lugar na 'to?" nanlaki lalo ang mata ko ng malaman kong sa kaniya na ang lugar na 'to. Saktong sakto sa lugar na ito ang bahay niya. Mapayapa at tahimik. Tanging himig lang ng ibon ang maririnig.

Hindi ako nakapagsalita. Para masyadong naging maliit ang mundo ko dahil kahit saan ako pumunta palagi kong nakikita si Ben.

"A-hh sige. Aalis na ako. Pasenysa na nag-trespass ako" pagpapaumanhin ko. Mabilis naman akong naglakad palayo sa kaniya ngunit agad naman akong pinigilan ng kamay niya. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinarap ako sa kaniya.

"May bagyo ngayon. Hindi ka ba nagbabasa o nanunuod man lang ng balita?" nakangisi niyang tanong.

Ano naman ang mayroon kung may bagyo? Mataas ang sikat ng araw at hindi pa naman naghihimagsik ang bagyo kaya aalis na ako.

"Bitawan mo ako" malamig kong bigkas. Imbis na bitawan ako hinila niya pa ako papasok sa bahay niya.

"Ano ba!? H-hoy hindi na nakakatuwa. Uuwi na ako!" pagpupumilit ko pero tuluyan na nga kaming nakapasok sa bahay niya. Binitawan niya naman agad ako.

"Palabasin mo na ako! Kung hindi sisigaw ako!" pagbabanta ko.

Natawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?!

"Kahit sumigaw ka ng ilang beses. Walang makakarinig sa'yo" aniya.

Bumuntong hininga ako at inisip kung anong dapat kong gawin. Ang makasama siya sa iisang bahay ay torture para sa akin. Mas lalo lang nagiging sariwa sa akin lahat ng nangyari noon.

Wala naman akong magagawa para makalabas dahil mukhang hindi niya naman ako papalabasin.

Ilang minuto pa akong nakatayo. Naglakad lakad ako at tinignan ang kabuuan ng first floor. Walang larawan o kahit ano. Bilang lang ang painting na nakikita ko at bilang lang din ang mga gamit.

Nakasabit sa puting pader ang mga painting na iyon. Puti at kulay kahoy ang makikita mong kulay sa loob ng bahay niya.

Mayroon pang wooden fireplace, couch at maliit na lamesa. Wala nang kahit na anong nakalagay doon. Ito siguro ang sala ng bahay niya.

May nakasabit pa doon sa likuran na pader ng couch na parang shelves. At doon nakalagay ang mga libro niya.

Nagbabasa na ba siya ngayon ng mga libro??

Lumabas siya sa isang pintuan, iyon siguro ang dining area at kitchen niya. Lumabas siya doon ng may dala-dalang baso.

"Inumin mo. Masarap yan" abot niya sa akin ng isang tasa. Naguguluhan ko namang tinitigan iyon. 

tinitigan ko siya sa mga mata niya. "Palabasin mo na ako. Bago pa ako abutan ng ulan

May iba pa namang pintuan na gawa sa salamin ngunit lahat ng 'yon ay nakasara. Tanging ang bintana lang ang nagbibigay hangin sa loob ng bahay. 

Medyo lumalakas na nga ang hangin, naglalaro at nagsasayaw na ang mga punong nakapalibot sa bahay nila. 

Totoo nga siguro yung sinasabi niyang may bagyo.

"Just so you know. Aabutan at aabutan ka pa rin ng ulan, jas.." bigkas niya. Naglakad siya papalapit sa sala at nilapag niya sa lamesa ang tasang hindi ko kinuha. 

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon