Kabanata 18

461 8 0
                                    

(Jaslene's POV)

Buwan na ang lumipas matapos ang kaarawan ni Antonio. Pinaabot namin ang pasasalamat namin sa magulang niya ng tumawag siya kay Antonio.

Ganoon din sa kapatid niya na medyo may kasungitan. Ganoon daw talaga yung babaeng kapatid niya. Hindi daw mahilig makipag kaibigan.

Dahil bwan na nga ang lumipas. Naging maganda na ang pagsasama naming dalawa ni Ben.

Palagi niya akong sinusundo at hinahatid sa bahay. Siya na rin ang bumibili ng pagkain ko. At kung saan ako magpunta dapat kasama siya.

Mas pabor naman ako doon dahil kapag kasama ko siya. Masaya at panatag ang kalooban ko.

Sinabi niya na rin sa mga magulang at sa lolo't lola ko na liligawan niya daw ako. At syempre agad naman silang pumayag.

Pwera lang kay papa dahil talagang malamig pa rin ang pagtrato niya kay Ben. Palagi niya akong pinapaalalahanan na magiingat daw ako at siguraduhin ko daw talaga kung si Ben na ba talaga ang tinitibok ng puso ko.

Wala naman ng nagawa si papa nang sabihin ko sa kaniyang. Mas lumalalim ang pagtingin ko kay Ben. Hindi kagaya noon na gusto ko lang siya.

Pakiramdam ko mas higit pa doon.

Dahil nga ilang buwan na ang lumipas. Mabilis namang dumating ang kaarawan ko. Ito ang taon kung kailan ang debut ko.

Espesyal iyon para sa mga kababaihang kagaya ko kaya naman abala sila mama't papa sa pagaayos sa nalalapit na kaarawan ko.

Balak daw kasi nilang ganapin ang kaarawan ko sa CASA San Miguel malapit lang dito sa mansyon.

Nakapunta na ako doon noong bata pa lang ako ng may ikasal na pamilya namin at doon ang venue. Maganda doon at walang kaduda duda na dinadayo iyon.

Sila na rin ang namili sa theme ng venue. At design ng cakes. Sila na rin daw ang bahala sa invitation na ibibigay sa malalapit lang sa pamilya namin.

ang lahat ng kasama sa 18 roses, 18 candles at 18 treasure ko. Nahirapan pa akong mamili noong una dahil bilang lang sa daliri ang pwede kong isama na kaibigan. Dahil halos lahat ng kasama sa cotillon puro kamag-anak ko na.

Syempre kasama sa 18 resos ko si Ben at siya ang pang 16 ko. Ang pang 17 na isasayaw ko syempre ang lolo ko at ang huling sayaw naman ay kay papa.

Papasok na ako ngayon sa classroom namin para ipaalam kay Mich ang nalalapit na debut ko.

"Mich!" tawag ko sa kaniya. Agad ko namang nakuha ang atensyon niya at nang kawayan ko siya na lumapit sa akin agad naman siyang lumapit.

"Bakit?"

Iniabot ko sa kaniya ang sobre na pula. Doon nakalagay ang imbitasyon ko para sa kaniya. Nang buksan niya iyon agad siyang nagulat at natuwa.

"Wow! Hindi mo naman sinabi na mag d-debut ka na pala!" aniya.

Pili lang ang binigyan ko ng imbitasyon dahil nga pili lang ang dapat kasama sa debut ko. Gustuhin ko man na isama lahat ng kaklase ko hindi maaari dahil hindi naman pwede.

Sabi kasi ng lolo halos kasosyo nila sa business ang mga kasama at iilan pang malalapit na pamilya sa amin kaya naman hindi pwedeng makapasok ang hindi naman talaga malapit sa akin.

"Imbitasyon pa lang, bongga na!" namamanghang bigkas ni Mich habang binabasa ang nakasulat sa imbitasyon.

Ilang segundo lang nakkita ko naman agad ang pagkalungkot ng ekspresyon ni Mich. Na agad nakapag alala sa akin.

NOBELA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon