Doppleganger
Hi po, gusto ko lang pong ishare tong naranasan ko kagabi. Yes, kagabi lang po nangyari ito. Thankyou po in advance. (Medyo mahaba po ito.)
So ayun, kagabi po around 6pm nasa bahay ako, sa kwarto. As usual, nagffacebook lang. Nagulat ako ng may pumasok. Binuksan ko yung pinto ng kwarto para makita kung sino yung pumasok. Si kuya Miko (not his real name) lang pala. Kasama namin sya sa bahay, kapatid sya ng asawa ng ate ko. Si kuya Miko ay sa kabilang kwarto lang sila. So ayun, sinara ko ulit yung pinto ng kwarto namin. Pero maya maya narinig kong bumukas nanaman yung pinto kaya tinignan ko ulit pero sarado naman yung pinto. Rinig na rinig ko yun at alam na alam kong yung pinto namin ang bumukas pero sarado yun oag tingin ko. Pero binaliwala ko lang.
Mga 7:30pm pumunta ako sa bahay ng tita ko, malapit lang sila sa bahay namin. Pag punta ko, nandun yung kaibigan ko. Dun na sya nakatira kasi parang pamilya na namin sya at kinupkop na namin. So ayun, niyaya nya akong magyosi. Bumili kami sa labas, nung nasa tindahan kami, biglang lumakas yung hangin. May ginagawang bahay kasi sa tapat ng tindahan eh, kaya may mga buhangin na nagsilipad nung humangin. Syempre napuwing kaming dalawa. Kinusot kusot ko yung mata ko at pag dilat ko, may nakita akong babaeng naka tshirt lang na mahaba at nakalugay ang buhok na nasa tapat ng gate ng bahay ng tita ko. Tanaw kasi ang bahay ng tita ko sa tindahan na binilihan namin. Tapos, sinabi ko sa kaibigan ko, "be tignan mo yun, may babae." Pero pag turo ko, wala na. Hinayaan ko nalang ulit. Sabi sakin ng kaibigan ko, "san be?" umiling nalang ako.
Nung bumalik kami sa bahay ng tita ko, syempre nagyosi muna kami. Kakwentuhan namin yung tita ko. Biglang tumawag sakin si Marco (asawa ng ate ko) sabi nya nasan daw si ate, sabi ko naman nasa bahay. Sabi nya, puntahan ko daw at ibigay yung cp. Ginawa ko naman, pumunta ako sa bahay namin at binigay ko yung cp kay ate para mag usap sila. Pag tapos nila mag usap, lumabas na ulit ako at bumalik sa bahay ng tita ko."Saan ka galing be?" bungad sakin ng kaibigan ko. Sabi ko na sa bahay ako galing. Sabi nya, "lol, galing ka kayna marco eh." sabi nya. Sabi ko, "gag*! galing nga ako sa bahay, tumawag sakin si marco tapos sabi nya ibigay ko daw kay ate yung cp kaya umuwi ako tapos pag tapos nila mag usap bumalik agad ako dito. hindi ako galing kayna marco." explain ko pa. Pero sabi nya, "ulol, wag ako! tumakbo ka pa nga papunta dun eh tapos nung nasa pinto kana nila marco, tinapon mo yosi mo." sabi nya. Sabi ko, "siraulo ka? tinapon ko na yung yosi ko bago pako makapasok sa bahay namin." This time, sumingit na sa usapan namin yung tita ko. Sabi nya, "wag nyo nang pag usapan yan, kayong dalawa sunugin nyo yang suot nyo ngayon." pagkarinig namin nun, naguluhan kami. Sabi ko, "ano te? sunugin?" (nasanay kasi akong ate ang tawag ko sa tita ko.) tumango lang sya at umupo sa tapat namin ng kaibigan ko (nakahiga kasi sya nun eh.) "nung bumili kayo ng sigarilyo nyo, nakita ko kayo dito sa tapat ng gate, tinatawag kita, aliyah(me, not my real name) pero hindi mo ako nililingon. tinatawag din kita, diana(kaibigan ko, not her real name) tumayo ako nun pero himangin ng malakas kaya napapikit ako tapos pag mulat ko ng mata ko, nawala kayo bigla at maya maya dumating naman kayo." explain ni tita kaya kinilabutan ako. Nung mga oras na yun, hindi ko alam gagawin ko. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung sisigaw ako o iiyak. Natahimik lang kami ni diana. Nagtanong ulit ako sa tita ko, "seryoso ka, te?" sabi ko at sabi nya, "oo, at ikaw aliyah umuwi kana." sabi ko naman mamaya na ng konti kasi natatakot ako eh. "Dopple ganger ba ang tawag dun?" wala sa sariling tanong ko kasi iniisip ko ng paulit ulit yung sinabi ng tita ko. "Gawin nyo nalang yung sinabi ko." sabi ng tita ko kaya kami ni diana, ginawa nalang namin yun. Sa may court, sa tapat lang ng bahay ng tita ko dun namin sinunog yung suot namin nung nangyari yung kababalaghan na yun. Ilang beses humangin ng malakas kaya hindi namin masindihan. Syempre, mga gaga kami kaya ang ginawa namin, tinapon nalang namin sa basurahan. "Haha, niloloko lang tayo ni nanay eh." sabi ni diana(nanay ang tawag nya sa tita ko) "kaya nga hahaha sige na be, uwi nako." sabi ko at tumango lang sya. Umuwi nako at naabutan ko si ate na nagawa ng report nya sa trabaho. Chinarge ko yung cp ko at naghalf bath ako. Pag tapos nun, kakain na ako. Nagsandok na ako ng kanin ko. Sabi ni ate "liya, buksan mo nga muna yung pinto, ang init eh." Sabi nya pero hindi sya tumitingin sakin. Nakafocus lang sya sa report na ginagawa nya. Hindi nako nagsalita at binuksan ko nalang yung pinto. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko yung sarili ko kasama si diana. Tangin* nabitawan ko yung plato na hawak ko at napako ako sa kinatatayuan ko. Umiyak nako nun. Sabi ni ate "anong nangyari sayo? wag ka ng maingay, tulog na sila kuya miko." pero hindi ko sya sinasagot at umiiyak lang ako. Pinikit ko nalang yung mata ko at nagdasal ako ng Ama Namin. Nung pagdilat ko, wala na. Sinara ko yung pinto at umupo ako sa tabi ni ate. "hoy, pulutin mo nga yung natapon na kanin dun." sabi ni ate pero nung nakita nyang umiiyak ako, nagulat sya. "bakit ka umiiyak?" sabi nya. Puro "ayoko na" lang ang lumalabas sa bibig ko. Paulit ulit. Iyak lang ako ng iyak. Yun lang ang natandaan ko at nahimatay nako.
Nagising ako ng mga 1:30am ngayon. Nandito sa bahay ko si ate ellen(tita ko, not her real name), diana at yung ate ko. Sabi ng tita ko, sya na daw ang nagsunog nga damit namin dahil sinabi ni diana na hindi naman namin sinunog iyon at tinapon lang namin sa basurahan. Si diana dun pala nakita ang sarili nya at ako na sa bahay nila. Pero hindi sya nahimatay. Sabi ng tita ko, mag iingat daw kami palagi at dapat daw ginawa na namin yung sinabi nya nung una palang.
Hindi ako naniniwala sa dopple ganger nun, pero ngayon oo naniniwala na ako. To see is to believe kasi ang pinaniniwalaan ko. Yung tapang ko, tumiklop agad nung nakita ko yung sarili ko. Sabi ng tita ko, sinundan daw kami ng dopple ganger namin kaya dapat sinunog na daw namin agad. Delikado daw kasi yun. Hindi ko na tinanong kung bakit dahil natatakot ako.
Ayun lang. Sana magustuhan nyo po ang story ko. Maraming salamat po.
asawa ni taehyung
Taguig

YOU ARE READING
SPOOKIFY
Hororthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥