Story 18

711 13 1
                                    

Special Gift of Death

Experience ko toh promise!
It's up to u if u will believe me or not. Sorry in advance kung may mga terms akong magagamit na hindi wasto o tamang gamit sa wikang tagalog. Bisdak po kc sharer nyo. Thanks poh.

I have a special gift na hindi ko talaga matandaan kung saan at pa'nu ako nagkaroon ng "gift" na ito. Opo, "gift" para sakin pero "illness" ang tawag sa mga taong nakakakita tuwing inaaatake na ko. Tandang-tanda ko pa kung kailan 1st atack nitong sakit ko. 19 yrs old ako non, dahil napahinto ako non sa pag aaral I was obliged na magbantay sa dalawang pinsan kong nagka dengue. Halos mag iisang buwan din akong nakatira don sa hospital. Kakaiba yong building ng mga dengue patients kasi bago ka makakarating don kailangan mo munang dumaan sa mga malalaking puno at morgue (di maiiwasang makakasalubong ka talagang ng mga bangkay). To make the story short. Nong makalabas na kami sa hospital, nagpahinga ako sa bahay. Siyempre walang maayos na tulog, super puyat kaya ang lalim ng tulog ko non.
Nanaginip ako, kitang-kita ko ang sarili ko sa panaginip ko na takot na takot sa babaeng nakapulang dress at nakalipad sa ere. Parang may sinasabi siya sa akin at nanlilisik ang kanyang mata. Hanggang sa pagalit na siyang nagsasalita at napagtanto kong kilala ko 'yong babae. Kapatid siya ni mama who passed away 3 months ago. Di ko alam at di ko maintindihan kung anu ang sinasabi niya basta ang alam ko pagalit siya habang may sinasabi sa akin. Di ko alam non na sa mga oras na 'yon nagkakagulo na pala sa bahay dahil mag iisang oras na akong inaatake (sa mga witness sa pangyayaring yon, hinahintulad nila ako sa isang taong may epilepsy, puti nalang ang nakikita sa loob ng mata ko, napakatigas at napakabigat daw ng katawan ko kahit ilang tao na ang humahawak. Di nila alam kung anung scenario ang nakikita ko sa panaginip habang sa totoong pangyayari unang atake ko na yun. Nagising akong napakasakit ng ulo ko, nakahawak ako sa image ng sto.niño at may albularyo pa. Akala namin na stress lang yon kaya di na namin pinacheck sa doctor. Simula noon may mga nararamdaman na kong kakaiba... iba talaga, parang supernaturals... basta hirap eexplain. After 3 months bumalik na naman sakit ko at alam nyo kung anu ang pinakakakilabot? Everytime na aatakehin na ako malalaman ko talaga kasi before ako mag seseizure,makakarinig muna ako ng boses na tumatawag sa pangalan ko na parang nasa kweba nang galing takot na ko pag ganyan na maririnig ko tapos may mga iba't ibang scenes na naman akong makikita. Same sa 1st attack (epileptic gestures) na naman ang nakikita nila sakin. Every month na talagang ganito ako until now. I'm already 29, inaatake parin ako. At anu ang pinakasaklap, walang findings ang iba't ibang doctor na napuntahan namin. Don nalang ako kumapit sa sinabi ng isang doctor na may kunting deperensiya lang 'yong electric sa brain ko during sleeping time. Ewan di ko na masyadong naintindihan explaination niya basta iwas lang daw ako sa stress. Wala akong gamot na mini maintain. Inasa ko nalang kay God lahat, magastos na kasi, ang ending wala namang findings ang mga doctor.
Ito ang mga pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan, simula ng nagkaroon ako ng special gift na toh may mga pagkakataong iba ako sa nakararami.
Nagbabantay ako sa bunso naming kapatid. Dinuduyan ko siya at pinapatulog sa loob ng kwarto ko, dahil maaga pa naka off lights ang nasa sala, room ko lang ang may liwanag. Habang nagbabasa ako ng libro, naririnig kong napakaingay sa sala namin at parang mga batang naglalaro, naghahabulan at panay ang tawanan. Nagalit ako at inaakala ko talagang baka ang isa kong kapatid pinapapasok na naman mga kaibigan niya sa bahay para maglaro. Dahil ayaw kong magising ang bunso namin, pumunta ako sa kanila at kahit may kadiliman sa sala kitang kita kong nagtatakbohan sila para magtago sa ilalim ng kuna (ewan ko anung tawag nyo jan-basta may kalakihan yong kuna ng kapatid ko.) Napunan ang galit ko dahil alam kong marumi don sa ilalim dahil di pa ko nakapaglinis, umiihi kasi bunso namin, kung walang diaper matitipon talaga lahat sa ilalim. Sinipa ko yong mga bata at inaakala kong kapatid. Tumatawa pa sa ilalim at nagsisiksikan. Napasigaw na ko at sinabing "lumabas na kayo dali" di talaga sila lumabas kahit sinabi kong madumi sa ilalim. "Tigas mo talaga Kenneth" sabay on ng light sa sala. Nagulat ako at napaiyak, akalain nyong walang mga bata as in walang wala. Nanginginig ako non sure ako na touch ko talaga ang isa sa mga bata nong sinipa ko kanina.
Marami pa kong kakaibang experience. Alam kong di nyo ko kayang paniwalaan pero nasa sa inyo napo 'yon. I just need your prayers. Di naman ako natatakot mamatay pero takot po talaga ako sa tuwing aatakehin na po ako. Yong boses at mga eksena na nakikita ko. Lalo na parati akong nagigising tuwing 3AM at makakaamoy ng parang may nasusunog. Please pray for me.

Ms. Psyche

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now