Story 42

455 11 0
                                    

ONCE YOU REACH THIS NUMBER, THERE’S NO STOPPING IT

Gabi na non. Nakaupo ako sa sala namin mag-isa lang ako kasi usually tumataas na yung mang mama ko sa taas at ako natitira pa sa sala kasi nood TV ganun. Suddenly, biglang tumawag yung kaklase ko na tawagan ko daw si Patricia (di niya totoong pangalan) kasi may kailangan kaming tapusing project eh di naman daw sumasagot sa kanya kaya ako pinapatawag niya. “Ano ba number niya?” tinanong ko siya tapos sabi niya kumuha daw akong papel para malagay yung number ni Pat, so ginawa ko naman at kumuha akong papel. Nag start na siyang magsambit ng number pero nung huling last 2 number biglang naging choppy yung call at di ko maintindihan yung sinasabi niya pero parang 88 yung dinig ko kaya yun nilagay ko (medyo naweirduhan ako sa nangyare pero inisip ko nalang na baka mahina signal nila) at pinatay na yung call.

So yun yung ginawa ko, nilagay ko yung unang number ni Pat at 88 yung huli. Pagkaring ko palang, sumagot na agad siya kaya napaisip ako bakit kako yung kaklase ko di sinagot tapos ako sinagot agad niya.. “Patricia..? Hello, good evening. Ako na tumawag sayo kasi kelangan na daw natin pagusapan yung sa project...” sabi ko.. pero walang sumasagot, tahimik lamang sa kabilang linya, syempre medyo creepy pero di ko parin pinatay at kelangan namin pagusapan iyon. “Pat? Hello? Anjan ka pa ba?” siguro may isang minuto kaming tahimik, walang nagsasalita.. yung puso ko parang kumakabog na sa kaba kasi baka kako na wrong number ako.. tapos nung magsasalita palang ako biglang may static noise na galing sa linya niya at biglang namatay nalang yung tawag. Syempre takang taka ako pero dahil sa ayoko ng takutin sarili ko, di ko nalang iyon inisip at sinabi sa kaklase ko na ayaw niyang magsalita. So ayon.. bago ako tumaas, parang biglang lumamig yung feeling sa baba.. yung tv biglang lumabo sabi ko baka mahangin lang kaya di ko nalang napansin pero nung biglang naramdaman kong may umupo sa gilid ko kahit wala naman, nagtatakbo na ako sa taas kahit di ko pa napapatay yung tv namin at nagpasama nalang ako sa mama ko para mapatay yung tv.

Nung umaga, tinanong ko si Patricia bakit kako di siya sumasagot sakin kahapon, natakot ako nung sinabi niyang.. “Ha? Baka hindi ako yon.. Hindi naman ako nakapagcellphone kahapon ay nasira yung charger ko.. sensya na kayo..” parang nababaliw na ako nung narinig ko yon. Hindi ako makapaniaala sabi ko pa sakanya eto oh! Pinakita ko yung number tapos sabi niya hindi. daw sakaniya yun at doon ako lalong natakot. Sabi ko hala, na wrong number pa ata ako..

Hindi ko nalang pinansin ang mga nangyari at nagpatuloy sa araw pero masama talaga kutob ko sa mga nangyari.. oo wrong number lang iyon pero hindi talaga maganda ang feel ko doon. Pauwi na kami galing school, nagkayayaaan muna kumain sa isang kainan ng biglang tumunog yung phone ko, may tumatawag. Nagulat ako nung nakitang yung number na natawagan ko yon kagabi!! Syempre natakot ako kaya di ko nalang pinansin. Namumutla na daw ako sabi nung mga kasama ko at para daw akong nakakita ng multo. Ngumiti nalang ako para di nila mahalata na natatakot ako.

Hindi ko inakala na sa maling number na iyon.. magbabago ang buhay ko. Sabi ng mga kaklase ko, kapag daw naguusap kami, lagi daw parang may kasama pa kaming isa, hindi nila alam pero parang meron daw talaga kaming kasama na nakatingin sakanila kaya minsan tatahimik nalang sila at matitinginan tapos nung isang beses daw sleepover namin, bigla bigla nalang daw akong tatayo ng natutulog tapos may titingnan sa harap ko na parang may kausap pero wala naman. Sabi din ng mang mama ko, parang bumigat daw yung kama namin kaya nga tinanong pa niya kung tumataba ba ako at madami ako kumain..

Gabi na nun, naisipan kong itext yung number na natawagan ko kasi parang madami ng kakabalaghan na nangyari sa akin na hindi ko maexplain simula nung natawagan ko siya..

“Hello po.. “

Hindi siya nagreply pero nung gabi ding iyun nagpapicture ako sa kapatid ko kasi nakita ko sa mga movies ganun yung ginagawa pag feel mo na may kasama ka...

Di ako nagkamali, andito siya.. katabi ko..

88
None

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now