"Elevator to another world"
Note: Hindi ko kayo pinipilit maniwala gusto ko lang ishare :>
Hi spookify, nauuso na ang paranormal games. Na curious talaga ako nung nasaba ko ung "Call" or "The Telephone game" na napost dito last time so naisip ko na what if kung gawin ko kaya to. Dahil di ako makatulog that time ay nagpasya akong gawin ung isa sa mga paranormal games pero hindi ung 'The telephone game' masyado kaseng madale ung game na yun. Ang triny ko ay ung "Elevator to another world". Sa totoo lang sa hotel ko ito ginawa nagbook pa ko ng 2hrs para magawa ung game hahahaha. After ko makahanap ng hotel na may 10floor, tumambay muna ako sa kwarto nasa 8 floor ako nun. 2:58am bumaba ako sa first floor, siguro naman wala ng gagamit ng elevator ng gantong oras. Saktong 3am pumasok na ako sa elevator at nagdasal. Pinindot ko ung mga floor na nabangit sa nabasa ko. Tulad ng inaasan ko may papasok na matanda sa ika limang floor. Ayon na nga guys may pumasok na matanda. Ang init pakiramdam ko pero ang lameg ng palagid parang binabalot ng lameg ang elevator, tas pinindot ko ung first floor. Nagsalita ung babae pero di ko tiningnan at di sinagot yun kase ang isa sa mechanics ng game. Sabi nya " Saan ka pupunta?" Di ako sumagot. Imbes na pababa ung elevator tumuloy ito hanggang ika 10th floor at bumukas ito saka ako lumabas. Nagsalita ulit ung babae "hindi mo alam ang ginagawa mo" sabay tawa ng nakakatakot. Di ko sya nilingon. Habang naglalakad sa ika sampung palapag kinapa ko ang cellphone ko parang flashlight kase sobrang dilim. Pero nabigo ako di gumagana ung phone ko walang signal at si ko ma touch ung screen. Pumasok ako sa pinto may mga tao don pero parang wala silang pake sakin parang di nila ako nakikita. Parang bumalik ako sa pastlife, pang sinauna ang mga damit nila. So lumabas ako pagkalabas ko iba na ung setting ng lugar kung kanina madilim,ngayon hindi umaga na at nasa harden ako. Maraming bulaklak at ang ganda ng mga tanawin. Tahimik ang lugar, may nakita akong itim na rosas pipitasin ko sana ng may biglang nasalita sa likod ko. "Wag mong pipitasin yan kung hindi, di kana makakauwe" di ko kumibo at diko sya nilingon, hinawakan nya ang kamay ko at sinabing "Bakit ka nandito,baka makita ka nila. Tara ihahatid na kita. Umuwi kana". Sabi nung bata this time nakatingin ako sakanya. Bilogan ang mata nya at maamo ang ang mukha hanggang bewang ko lang sya. Ang ganda ng damet nya at ang tulis ng sapatos nya. " Don ka dumaan sa may puno,dalhin mo tong bato ilagay mo sa puno" sabi nung bata, tumangho ako at binilisan ang paglakad dahil natatakot ako. Nilingon ko sya, nakatingin sya sakin at nag smile. "Wag ka nang babalik dito" sabe ng bata. Nilagay ko ung bato sa tapat ng puno, isang kurap lang nasa ika sampung floor na ulit ako. Agad agad akong sumakay sa elevator at pinindot ung mga floor na dapat pindutin para makabalik sa tunay na mundo. Paglabas ko sa firstfloor nasa bahay ako sa mismong kwarto ko, pota nagulat ako nung may nagsalita " Buti naman nagising kana buong araw kanang tulog" si mama.
Buong araw? 3hrs lang akong nawala panong buong araw? Ang gulo sobra.
"San kaba galeng at ang haba ng tulog mo? Kanina pa kita ginigising bata ka. Nagpagod ka nanaman siguro ano?"
Di ko na sya sinagot nun. Naguguluhan ako sobra, panong nangyari to e 3hrs lang akong nawala.
"Kumain kana anak, alam kong gutom na gutom kana". Sabi ni mama umuo nalang ako.
Gang dito nalang sana mapost.
Ps: totoo sya pero bakit parang panaginip ang gulo sobra.
Pps: may elevator na sa kwarto ko hahahaha joke.Brei
Manila
Seen by Andy Santos at 8:28pm

YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥