"Gayuma"
Hi spookifiers! First time kolang mag share dito hehe kaya sorry kung magulo man akong magkwento.So ayun kagabi may nabasa akong confession dito na yung title ay "Gayuma o Pag ibig" kaya naisipan kong ishare din yung naexperience kong ganon...
So let's start,Year 2011 ng mamatay ang Tita ko(yung asawa ng Tito ko,bale kapatid sya ng Mama ko)dahil sa sakit nya pero hindi ko na babanggitin yung sakit nya,I was 15 years old that time and yung pinsan kong lalake na anak nya is just 6 years old nung mamatay ang mama nya..So after na malibing ang Tita ko ay nagstay pa sila dito sa Cavite (may sarili silang bahay dito) and yung Tito ko non that time is maayos pa,may maayos na trabaho at lagi nyang inaalagaan yung pinsan ko..But mga ilang taon din silang tumira dito at umuwi rin sila sa lugar nila Tita(di kona babanggitin yung place nila for privacy naren) at nagpapadala nalang ng pera yung Tito ko don.Akala namen hindi na sya mag-aasawa pang muli pero akala lang pala namin kase isang araw may dinala syang babae dito(bisaya)pero umalis din sila kinabukasan,but nung umuwi ulit sya ay iba na ang kasama nyang babae(panget hahaha),tiga capiz yung girl,diba marami daw aswang don? At sabi nya mayaman daw sila,maganda daw sya date at maraming naghahabol na lalake sakanya kaya nagparetoke sya pinapangit nya yung mukha nya(eww maniwala .) tas doctor daw yung papa nya..So ayun nung una okay naman normal lang yung buhay name at tuwing umuuwi
sila galing capiz ay may pasalubong sila samen pagbalek nila,kinakausap ko pa sya non at gusto daw nya akong ampunin(ewww baka gawin nya lang akong alila sakanila)pero ayaw ko kase nung time na yon ay nawiwirduhan na talaga ako sakanya yung tipong lahat ng kapitbahay namen palaging na sakanila at ang dami nyang kaibigan dito samen,eh ang arte ng mga tao dito eh at ang panget nya pa tsk.Isa rin sa mga rason kung bakit nawiwirduhan ako is yung palagi syang may sakit as in palagi,pumupunta sila sa iba't ibang albularyo tas ang sabe nakulam daw sya,tas eto pa may isa silang pinuntahan na albularyo at ang sabi ng albularyo is yung isang pinuntahan daw nilang albularyo nung isang araw ay tinuro daw sya don sa nangkukulam sakanya kaya hindi padin nawawala yung punyetang sakit nya(ang gulo nila diba?Nakakagago)..Kaya ayon simula non ay natakot na kami sakanila kaya lumayo nakami at yung Tito ko?? Andun parin hindi padin sya iniiwan kaya naaawa na sya sa kaeng engan ng babaitang yon.Nabalitaan ko nga non na pareho silang nagkasakit eh dahil daw may nagkukulam sakanilang dalawa nanaman(feel ko nga may kinalaman ang pangit na yon kung bakit nagkaganon ang Tito ko)..kase simula ng nagkasama sila ng babaeng yon ay napalayo na sya samen at sa mismong anak nya,nagbago narin sya,yung dating friendly at madaldal na Tito ko ngayon ibang iba na, hindi na sya namamansen,nagkabaon-baon sa utang at higit sa lahat ay hindi na nya pinapansen,kinakausap at niyayakap ang pinsan ko tuwing umuuwi sila dito,hindi na nya rin ito pinapadalhan ng pero panggastos sa pagaaral nito at napupunta lahat ng sweldo nya sa trabaho sa babaeng yon.. Naaalala kopa dati palagi nya akong binibigyan ng pera, palaging inaasar hahaha at pinapagalitan ako pag naggagabi na naglalaro parin ako sa daan nung bata ako,at yung anak nya?Ayon nalayo na ang loob nya sa tatay nya,hindi nya ito pinapansin o kinakausap man lang at higit sa lahat hindi na nya itinuturing na tayay ito.Nakakalungkot lang isipin nasa murang edad pa lamang nya ay nawala agad ang nanay at iniwan sya ng tatay nya dahil lang don sa babaeng 'ginayuma' sya,simula nong mamatay ang nanay nya nagbago ang lahat yon ang tanging napansin ko ngayon dito sa amin,palakaibigan at madaldal kase yung nanay nya noong nabubuhay pa ito.Pero lahat ng yon ay nagbago simula ng mawala sya.Yung Tito ko ngayon ay hindi ko na alam kung saang lupalop ng pilipinas sya nakatira at wala na kaming balita sakanya dahil narin hindi na nya kami pinapasin at napalayo na ang loob nya sa amin na para bang wala syang mga kapatid,anak,at kapamilyang naiwan dito sa amin. Yon lamang salamat sa pagbabasa at sorry kung magulo yung kwento ko hehehe first time kolang kasi magsend eh.PS.Patay ng pareho ang Lola at lolo ko nung mangyari iyon.
PSS.Naiiyak ako habang tinatype ito,ang saket kase e huhuhu 😞
PSSS.Ginayuma nya lang din yung mga kapitbahay namin dito kaya nya naging friend.
PSSSS.Totoong may kinalaman sya don sa pangungulam sabi ng mama ko but yun lang ang sinabi saken at wala ng iba.Unknown
Cavite
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥