Story 30

571 14 0
                                    

WHO IS HE?

Hello po admin sana po mapost tong story ko. Skl tong  creepy thing na nangyari sakin. Pasensya na di ko na alam ang exact date.
So slight description lang sa pinangyarihan. Bali asa left side ng silong ng taas namin ang sala at asa likod naman ang kusina. Sa right side labas ng kusina ang cr. May malapit na piggery doon at pagkatapos bahay na ng grandparents ko which is may terrace hall at sa left side nito ang gripo.
FRIDAY 11 PM
Katatapos ko lang ng group project namin na ako ang gumawa kasabay ng panonood ko ng tv. Disoras na ng gabi pero naisipan kong umihi( sa totoo lang di ako matatakutin at nd din ako naniniwala sa mga mumu skl). Nakasanayan ko ng umihi ng gabi bago kasi matulog so bumaba na ko. Kumuha ako ng timba mula sa cr saka pumunta na sa gripo. Antahimik naman at wala ng katao tao. Patay na rin anumang ilaw kina tatay.
Nagbobomba nako ng tubig nang may mapansin ako sa right side ng terrace. Isang lalaki...
Kalbo or round ang ulo nya. Hindi ko rin sya makilala kase he is as black as shadow. Feeling ko rin wala sya damit. Or baka fitted lang damit nya? He just standing the silently still na nakatalikod saken.
Hindi naman ako mamamalikmata nun kase nagblinkblink din ako."sino kaya tong lalaking to?" tanong ng isip ko. Hindi naman ako natakot that time so naisip kong baka si tatay o yung tito ko lang. Kase kamuka nila to pag nakatalikod. Pero napaisip din ako bakit kaya asa labas pa sila noh disoras na ng gabi. Medyo naki creepyhan nako pero kinumbinsi ko ang sarili kong baka nasaduhan o nagpahangin lang.
Nagpatuloy nako sa pagpunta ng cr pero nd pa sya umaalis. Pero nd nako nagstay at nag cr tas pumunta nako sa taas para matulog katabi ang kapatid ko.
Pagpikit ng mata ko..
May narinig akong balde na parang iniigiban at alam kong nagmumula sya sa gripo namen kasi maririnig naman ang agos ng tubig sa taas namin pag magiigib. So nakumbisi akong si tatay yun. Di kona dinilat mata ko nun kasi feeling ko may something na nakatingin sakin.
Kinaumagahan, naglaba ako kasabay si nanay. Dahil sa kuryosidad ko, nataanong ko sya about sa kagabi.
Sabi nya maaga daw sila natulog kagabi at wala man lang lumabas ni isa sa kanila.
Nagtaka ako kaya kinwento ko ang nangyari. Kumunot ang noo nya. Napangiti at natawa. "baka si lolo * mo yun. Dinadalaw ka at kung bakit ka lumalabas labas ng gabi". Kinilabutan ako nun.
Tas nalaman ko na babang luksa pala nila nung araw na yun. Pero para masiguradong totoo nga yun, tinanong ko ang lolo ko. Pero totoo nga. Tulog na tulog na sila ng gabing yun.
Since then, naniwala akong totoong may mumu. Hindi na rin ako lumalabas labas ng disoras. Natuto nako. Thank you po sa pagbasa .. Sorry napahaba.

Pasto
Pangasinan

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now