Story 39

508 10 0
                                    

Weird Procession

Hello! I just wanna share something that I experienced when I was young. This is not ghostly, but rather weird and confusing story.

I can still remember the time when me and our family were hanging inside our vacation house (somewhere in Pangasinan). Then biglang nag-black out. Walang umimik nor nagreact sa black out that time. Then after that, nagtaka ako kasi may bigla nalang umilaw sa may di kalayuan ng bahay namin, then papalapit sila. I mean, isang prusisyon at ang ilaw na iyon ay mga kandila na hawak-hawak nila. Nagulat ako when my mom told me na yumuko. So sinunod ko nalang siya. Nakicreepihan na ako that time kasi yung mga nagpuprusisyon ay mga nakabelo ng puti, at nakadamit ng kulay yellow na bestida. Tapos may hawak-hawal silang mga pulang malalaking kandila habang nagchachant ng di ko maintindihan na salita. Mas lalo akong natakot nang sabihin ni mama sa akin na wag gagawa ng ingay at huwag rin titingin direkta sa kanilang mga mukha, dahil kung nagkataon na may lumingon raw sa akin habang nakatitig, eh may mangyayaring masama. Yung prusisyon, ay puro mga matatandang babae, base na rin sa mga boses nila. Hanggang sa nakaalis na sila ng tuluyan na di ko alam kung saan sila nagpunta, ay saktong pagbalik ng ilaw.

Kinaumagahan, nagtanong ako about sa kaganapan na iyon pero iniwasan lang nila ako. And until now, it's still a mystery for me. And ONCE ko lang siya naranasan. Nung mga sumunod na nabisita ako, wala nang ganun. Like, ano iyon? Ako lang ba ang nakakaalam at nakasaksi na may pangyayaring ganon?

Ps. Shout-out kay Aaron na kaibigan ko na naranasan rin kaba sa prusisyong iyon.

Nux
Quirino

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now