SWIMMING
Hi spookify. Di naman masyadong nakakatakot ito. Pero gusto ko lang ishare kasi nababaliw nako kakaisip bakit nangyayari sakin yun. Umpisahan natin nung Grade3 ako. 9 years old ako noon.. nag balak yung Mga kamag anak namin na mag s swimming daw kami syempre pumayag si mama kasi libre naman ng tita ko... 3 days bago kami mag swimming.. okay pa yung tulog ko pero nung Isang gabi nalang at mag s swimming na kami.. nanaginip ako na may nalulunod daw.. Batang babae edi ako wala lang,Kasi excited nako eh. Wala nakong pake basta gusto ko makapag swimming tapos nung nasa kalagitnaan na kami ng kasiyahan. Naisip kong pumunta sa pinakamalalim na part ng pool. Kasi gusto ko maabot yung slide doon. May Daanan naman para makapunta ka doon pero mas pinili ko sa pool talaga at ayun syempre nalunod nga ako... Pinipilit kong Sumigaw pero di masyadong lumalabas ng malakas sa bibig ko dahil lumulubog ako buti nalang at may lalaki na hinila ako papunta sa pinakamababang parte ng pool. Di ko akalain na sakin pala mangyayari yun..
Tapos eto naman nung grade4 ako 11 yrsOld nako.. edi yung mga kapitbahay naman namin yung nag aya na mag s swimming daw kami.. Kaya sumama ulit kami... Kinagabihan bago kami mag swimming nanaginip nanaman ako na may matandang lalaki daw ang Nalulunod Kaya nung kinabukasan nag iingat ingat ako Dun lang ako sa mababaw na bahagi nung dagat tapos nung magbabanlaw nako... nagulat ako kasi pumipito yung lifeguard paglingon ko sa pinipituhan nya doon pala sa bandang malalim tapos may matandang lalaki na nalulunod ... si mama,Ate at ninang ko pa ang nakasagip sa matanda dahil di agad rumespunde yung lifeguard buti at naligtas Yung Lalaki... Kinakabahan na talaga ako nun bakit pag napapanaginipan ko nangyayari...
Eto yung last ngayon lang 2018 March30-31 yung swimming namin. So nanaginip nanaman ako May lalaki daw na nalunod... kinabukasan mga bandang 4 ng hapon maliligo na ulit ako sa dagat tapos duon ako naligo sa medyo malayo sa mga kapitbahay ko . Eh naka longsleve ako nun. Pag balik ko duon sabi ng mga bata sakin na Ate Cee Akala namin ikaw yung nalunod duon oh! (Sabay turo sa malayo) sabi ko naman Huh? Bakit may nalunod ba? Sabi nila meron daw lalaki pala akala kasi nila ako kasi naka ipit Yung buhok ko eh. Naka tirintas ng paikot mahaba kasi buhok ko ayoko ng sagabal kaya Mukha akong lalaki pag malayo... Sabi nila naligtas na ang lalaki buhay na buhay.-Di ko alam bakit ganun nangyayari sakin.
-MGDP
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥