Duguang Babae
(Note: I won't use our real names for purposes thanks)So ayun nga po, ikukwento ko sa inyo yung pinaka-nakakatakot na experience naming magtotropa. Anim kami non magkakasama, ako, si Jane, si Ari, si Andrea, Trixie tsaka si Ky. Napagplanuhan namin pumunta sa bahay nila Trixie dahil gagawa kami ng props namin na gagamitin sa Masskara Festival namin. Eh late na rin kami nakapunta kasi nagpractice pa.
So ayun na nga, nasa bahay na kami nila Trixie ayan sige gawa-gawa kaming props. Naubusan kami ng folder, kaya napagdesisyunan ni Jane at Trixie na bumili. Siguro mga past 7:30 na yun.
Doon na nagsimula yung katakot-takot na nangyari kay Jane. So sa may kanto pa sila bumili. Nung December, may namatay doon. Duguan siya as in tapos yung sinasakyan nun, yuping-yupi kasi car accident. (Ps. January nangyari samen yung nakakatakot). So ayun nga, naglalakad daw si Jane at Trixie ng biglang nag-iba yung ambiance ng paligid nila. Syempre nagkatakutan silang dalawa. Bago palang tumakbo si Trixie, may nakita ng babaeng duguan si Jane na nakatayo sa may kanto ng street nila Trixie. So ayun nga, nung tumakbo si Trixie at naiwan si Jane, yung babaeng duguan nakatingin na kay Jane, medyo masama yung tingin.
Naunang bumalik si Trixie kay Jane pero nakasunod naman si Jane. Nagtataka kami bakit nung pagbalik ni Jane, balisang-balisa siya. Nung una ayaw niyang ikwento sa amin yung nakita niya, pero syempre natatakot na rin kami kaya kinumbinsi namin siya dahil biglang lumamig paligid namin as in magkakaroon ka nalang ng chills. Tapos yun na nga, kinuwento niya na yung nakita niya.
Kwento niya pa sa amin, sa twing titingin siya sa muka namin, yung muka ng babae yung nakikita niya. So ayun imbes na magtakutan kami, nag-ingay ako kasi may dala akong speaker kasi baka di namin matapos yung props.
Mga 8 na nito at pinakain kami ng mama ni Trixie. Si Jane nakaramdam ng call-of-nature. Syempre natatakot pa rin siya, sa unang punta niya ng CR, nakasunod yung babaeng nakita niya. Kaya nagmadali siya. Umihi lang siya non, tas iniwan nanaman siya ni Trixie dahil matatakutin ang gaga. Sa second na balik niya, si Ari naman sinama niya kasi masakit tiyan niya. Sobrang takot na siya nun kasi yung babaeng nakita niya, nakadungaw sa may bintana ng cr, nakadaiti. Nagmadali na kaming gumawa ng props nag-aya na talagang umuwi kasi lahat kami natatakot na. mga past 9 kami nakauwi.
Habang nakasakay kaming tricycle, si Jane, umiiyak. Sabi niya sa amin nakasunod daw yung babae sa amin. Una naming inihatid si Andrea. Habang nagbhbukas ng gate si Andrea, yung babaeng duguan nandoon sa tabi niya pero kay Jane nakatingin. Edi ayun iyak na siya ng iyak. Sumunod naman akong inihatid. Ganun din nangyari, nasa gate ako nagbubukas ng gate pero ang mas nakakatakot, nasa harap ko raw mismo yung babae pero di saken nakatingin, kay Jane pa rin. Pangatlong inihatid si Jane, nakita niya yung babaeng naka-upo sa may upuan sa labas ng bahay nila.
Pinaglaruan pa raw siya nung matutulog na siya. Bigla raw namatay yung electric fan niya. Halos di siya nakatulog ng gabing yun. The next day, may pasok, late nanaman kami pinauwi, ang nakakagulat, nakita ni Jane yung babae na nakatayo sa tapat ng Guidance Room ng school namin na malapit sa classroom namin.
Ipinatawas niya yung sarili niya at nakita doon sa tawas yung babae. Gusto niyang ipasara yung 3rd Eye niya kaso hindi marunong yung albularyong pinagtawasan niya. So ayun nga kahit nagpatawas siya, minsan nakikita niya pa rin yung bloody woman. At nakakakita na rin siyang ibang mumu.
Aly
2018
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Terrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥