Story 40

485 9 0
                                    

Camping

I want you to vividly imagine the story.

Nalaman ni Shey na umuwi ako samin dito sa Kobe, kaya ininvite nya ako kumain sa labas. Ang dami nyang kwento, namiss ko sya ng sobra.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan, nasabi nya sakin na may balak ang tropa namin na magcamping. Uso kasi camping dito pag summer. Sakto naman at natapat sa short vacation ko pero pinag isipan ko pa kung talagang sasama ako, everything reminds me of Bud at sobrang sakit pa rin, pero bandang huli napilit nya din ako. Ang plano nila ay 2 gabi, pero sinabi kong 1 night lang ako dahil kailangan ko na agad bumalik ng Tokyo.

Friday ng hapon kami nagpunta. 5 sasakyan kami, sakin nakasabay si Shey. Sa taas ng bundok yung camping site na pinagpareservan namin. Kahit summer medyo malamig ang simoy ng hangin. Marami silang pwedeng gawin na activities sa camping site kaya ang tagal nila maistay.

Pagkapark namin ng car, nagpunta kami agad sa lobby/office ng camping site, sinabi ng receptionist na sa B side kami which is sa pinakataas pa. Malayo layo din yung aakyatin namin, anyway, ang maganda don malayo kami sa ibang nagkacamping na halos nasa baba lang, maingay kasi kami, para di mapagalitan. Knowing these japanese peeps, ayaw nila ng maingay.

Pinagpawisan ako sa pag akyat, kanya kanya din kasi kami ng bitbit ng mga gamit, medyo mahaba haba din nilakad namin. Naisip ko mag onsen(hotspring) para mabawasan yung lagkit na nararamdaman ko. Past 8pm na non, at nasa baba pa yung onsen, nasa mismong reception ng camping site so kailangan ko na naman bumaba. Nag insists si Mike na samahan ako pero hindi ako pumayag dahil busy sila sa pagluluto at pagseset ng tent.

I'm not expecting na maganda yung onsen nila dahil luma na yung mga facilities nila but boy I was wrong, ang ganda. Meron pang private, nasa 10 siguro yung room ng private onsen, sliding door tapos clear yung door so makikita yung nasa loob but since mausok pag onsen nag momoist sya kaya pag may gumagamit hindi din kita yung nasa loob.

Marami din gumagamit, halos puno. Buti na lang bakante yung pinaka nasa unahan. Mas lalo akong na amaze nung nakita ko yung loob, napawow na lang ako, first time kong makakita ng wooden bathtub, wooden floor din, basta ang ganda very unique, meron pang painting sa gilid tapos may halaman malapit sa bathtub. Dim lang yung light na binuksan ko, ang laki talaga pwede mag tumbling ng 4 na beses.

Sabi ng receptionist kailangan bago mag 9pm tapos na ‘ko dahil magsasara na sila, well di naman ako tumatagal sa onsen ng 1 hour so okay na din.

Pag pasok ko sa loob, una ko agad napansin yung babae na nakatayo sa harap ng salamin, nakatayo lang sya don, marami pang tao sa loob, siguro mga 6 pa kami, yung iba nagpapatuyo na ng hair, yung iba mukhang mag oonsen pa lang pero si ateng nasa harap talaga ng salamin ang nakaagaw ng atensyon ko.

Kasi may mga itim itim yung braso at likod nya, mausok kaya di ko totally makita but I assumed mga tattoos. Bawal mag onsen ang mga may tattoo, first time ko din makakita ng Japanese na may tattoo. Lol

Pumasok na ‘ko sa cubicle ko, ganda talaga sa loob, nakakarelax. Nag stay ako dun ng halos 30 minutes siguro at natapos ako 10 minutes bago mag 9pm. Napatigil ako, nakatayo lang ako sa loob........

You know the feeling of someone standing close behind you? I bet you do
Seeing unexplained shadows from the corner of your eye? Feeling cold as if someone has walked past you? Well baka ang pinagkaiba lang natin, hindi mo sila directly nakikita, pero actually malapit lang sila sayo. You should be thankful

Nung palabas na ‘ko, pagbukas ko ng sliding door...

“Booooooooooooo...”

Sa sobrang gulat ko muntik pa ako matumba. Si ateng nakatayo sa salamin kanina nasa harap na ng door ko at ginulat pa ako. Nakangisi sya, tumatawang umalis at pumasok sa isang cubicle sa bandang dulo.

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now