Bulong
Last year nong nangyari yung karumaldumal na pag patay sa probinsya namin tatlo namatay at isa sugatan tito ko yung nasugatan kasi mga kumpare nya yung tatlong namatay so eto nga bago nangyari yung aksidenting yun nagising ako bandang ala una ng gabi kasi may tumawag kay mama yung tita ko sabi "ting nn ng mama ko may binaril kasama si kuya junjun (tito ko) si tito walts patay" sabi ni tita nakikinig lang ako sa usapan nila then nag kunwari akong bagong gising tas sabi ko "ma anong nangyari?" Ikwenento naman nya di na ako nakatulog nun kasi nga iniisip ko yung tito ko kinaumagahan pumunta kami kung saan nangyari yung krimen hanggang sa nakaramdam na ako ng antok so pinauwi ako ni mama sabi mag pahinga na muna daw ako sinunod ko bilin ni mama umuwi ako tas nanuod saglit ng tv habang nanunuod ako di ako mapakali kasi parang may nakatingin sakin hindi ko first time na magkaroon ng experience na ganito kasi asa lahi na ata namin yung nakakakita ng mga kung ano ano pero kasi talaga ibang iba yung pakiramdam ko para akong naiiyak na naiinitan na ewan pinatay ko na yung tv tsaka pumasok sa kwarto narinig kong bumukas yung pinto sa sala dumating si lolo so napanatag na loob ko ako kasi mag isa non sa bahay nakatulog ako tapos naalimpungatan ako dahil parang may nakatingin na naman sakin tutok na tutok yung electricfan pero pinag pawisan ako so nagising na ako nun kasi narinig ko boses ni mama hinahanap ako tas sagot ni lolo asa kwarto natutulog tiningnan ko kung ano oras na 12:45 na ng tanghali bumangon ako pero laking gulat ko ng bigla nalang may humila pa higa tas parang may humawak sa paa ko tas may sumakay sa bewang ko nakatagilid kasi ako nun tas may yumakap sakin na kamay anlamig tas nag sitayuan balahibo ko naiiyak na ako kasi alam ko that time gising ako hindi ako na ssleep paralysis kasi bumangon pa ako nun naririnig ko yung ringtone ni mama sa cellphone nya tsaka yung rumaragasang tubig sa banyo sobrang natakot ako nun nakakasalita ako ng tulong pero di ako makabigkas ng dalangin parang nabubulol ako nun tas habang trinatry kong magdasal may bumulong sa batok ko halos manigas ako sa bawat pag dampi ng hininga nya sa batok ko unti unting nawawala lakas ko at parang hinihigop palabas kaluluwa ko umiiyak na ako nun nakakabigkas ako ng tulong pero di ako nakakabigkas ng dasal nag dasal ako gamit isip ko at halos manlumo ako kasi di ko mamemorize yung ama namin eh kabisadong kabisado ko yun patuloy parin yung pag bulong pero lumalaban parin ako hanggang sa nabigkas ko nalang "Panginoon ikaw na po bahala sakin" biglang gumaan pakiramdam ko kasabay ng pag tapik ng lolo ko "ayos ka lang ba? Bat ka umiiyak?" Sabi ng lolo ko "oo ayos lang ako wala po to" natulala ako saglit tas narinig ko si mama lumabas na ako ng kwarto at kwenento kay mama yung nangyari sabi ni mama mag dasal daw ako kasi sunod sunod nang ganyan ako.
Yangyang
-unknown
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥