KABAONG
HI SPOOKIFY AND READERS SHARE KO LANG YUNG PANAGINIP NG MAMA KO NA NAGPASINDAK SAMIN. I HOPE MA GUSTOHAN NIYO
DECEMBER 28 2013
Tumawag si Nanay (Lola ko sa side ni papa) samin dala ang isang masamang balita. Patay na daw si Tatay (Lolo ko sa side ni papa). Di kami makapaniwala, umiyak na kami ng aking kapatid. Di namin matanggap wala na si tatay. Bumyahe kami agad papuntang bukidnon, di na kami nag aksaya pa ng oras. Pagkadating sa bahay nila Nanay, nandun na, nakaburol na si Tatay. Masakit, sobra. Pero bakas sa mukha ni tatay na tanggap niya ang kanyang pagkamatay. Gabi na nun, sabi ni Mama matutulog na daw siya, inaantok na daw talaga siya. Kaya ayun nakipaglaro muna ako sa mga pinsan ko. 2am na gising na gising parin ako, naka pitong baso na ako ng kape. Habang nagkekwentohan kami magpipinsan, bigla nalang akong tinawag ni mama mula sa kwarto. Agad ko siyang pinuntahan, nakita ko si Mama pawis na pawis namumutla. Bigla akong niyakap ni Mama at umiyak siya, kahit naguguluhan ay pinatahan ko si Mama.
Sinabi niya sakin, napanaginipan niya daw na may tatlong Kabaong siyang nakita, sa isang kabaong kita niya daw na si Tatay ang nasa loob nun. Ngunit di niya maaninag ang nasa dalawa pang kabaong. Sa sobrang takot ni mama tumakbo daw siya palabas ng bahay hanggang sa nagising na siya. Tinago namin ni mama yun. Kaming dalawa lang nakakaalam tungkol sa panaginip niya. Umuwi kami agad sa Cagayan De Oro pagkatapos ng tanghalian. Nailibing na si Tatay nun. Nawala na sa isip namin na Mama yung tungkol sa panaginip niya. Hanggang sa...FEBRUARY 18, 2014
Nabalitaan naming patay na daw yung lola namin sa tuhod sa Gingoog City. Inatake daw sa puso, at dahil kapos kami nung time na yun, di kami nakapunta dun. Bigla kong naalala yung panaginip ni mama, yung sa kabaong. Pero naisip ko din na baka coincidence lang yun.
Ilang buwan ang lumipas..MAY 1, 2015
Si Lola (sa side ni mama)
Patay na daw!
Nasa trabaho si mama nun at dali daling pumunta sa bahay nila Lola. Inatake daw ng High Blood si lola nun habang inaayos niya yung sabon na ginamit niya, patapos na daw siya maligo nun. Walang kasama si lola nung time na yun kaya walang nakatulong agad sakanya. Sabi ng Nila, nung inatake daw si lola, nadulas siya at tumama ang ulo niya sa sementong lababo, bago siya bumagsak sa sahig. Nakatapis pa si Lola nun. Ang nakakit daw kay lola ay yung anak ng nakatira sa likod bahay nila lola. Akala daw nung bata natutulog lang daw si lola pero nakita niya na may dugo sa sahig tas tinawag na niya yung mama niya dun na nakahingi ng saklolo. Di sana papayag si mama na ipa autopsy si Lola pero napilit nila kaya ayun pumayag na at high nga daw ang dahilan. Pwede pa daw sana maisugod sa ospital si lola kung mas maaga siya nakita nung bata o kapitbahay man lang. Pero wala eh, nangyari na.
Grabe iyak nila mama nun. Sobrang maga na mata ni mama sa kakaiyak. Bigla nalang pumasok sa isip ko yung panaginip ni mama.
Baka sign yun!
Agad kong sinabi kay mama at humagulgul na naman siya. Sabi ko, kung siguro nakita ni mama yung laman ng dalawang kabaong siguro mapipigilan pa yung pagkamatay nila lola. Pero tapos na, nangyari na. Di na maibabalik ang nangyari na. Ang mahalaga alam ko na kung sino yung laman ng dalawang kabaong, si Lola Faith at Lola Norma pala.
Hanggang dito nalang, salamat sa pagbabasa. Pasensya na kung medyo maguloDream Catcher
Cagayan De Oro

YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥