TIMBA.
ako nga pala si (Jay) diko tunay na pangalan. kwento ko lang yung nangyari sakin nitong nakaraang lingo.
Siguro pamilyar kayo sa larong ito, yung pupunuin mo yung Timba hangang sa umapaw. para ilublob yung muka sa Timba para malaman kung gaano katagal mo kaya hindi huminga sa Tubig?
May 6,2018 , 9:30 ng Umaga.
Nagising ako dahil narinig ko yung boses ng ate ko kaya dali dali ako bumangon, actually enrollment kasi sa school na papasukan ko kaya dumating yung ate ko para samahan ako . mga 9:50 na nung pumasok ako sa Banyo para maligo, Bukas ilaw, Bukas gripo, hubad damit. tapos kanta kanta hangang mapuno yung timba.
nung umaapaw na yung timba dun kona pinatay yung gripo,
dun narin pumasok sa isip ko laruin yon.
yung unang subok ko umabot lang ng 10/s. tapos yung pangalawa subok ko naman umabot ng mga 12/s. at yung pangatlong subok ko naman ay yung hindi ko malilimutan dahil umabot ng 20 or 25/s. yata yun dahilan para ika lunod ko sa kagaguhan ko... dahil nung pangatlong subok ko parang hindi ko maahon yung ulo ko sa timba dahil parang may kamay na nakahawak sa ulo ko.. tipong nilulunod ka nito, dun kuna winasiwas yung kamay ko para malaman kung may tao sa likod ko pero wala, hangang sa kumatok yung ate ko dahil sobrang tagal kona daw sa banyo. at dun lang ako nakaahon
wala ng ligo ligo suot ng damit tapos labas ng banyo . takang taka yung ate ko bakit daw nag hahabol ako ng hininga.
pero hindi ako makapag salita dahil takot na takot ako...
kaya nung sumunod na araw sinabi ko sakanila kung ano yung nangyari sakin .. kaya ayun naglagay sila ng rosaryo sa gripo tapos bago daw ako maligo mag dasal muna daw ako.
para maiwasan may mag paramdam sa banyo dahil sabi ng Lola ko iba na daw yung nanakit na kaluluwa ito daw kasi yung mga hindi matahimik at my kailangan pang gawin sa mundong ito.-Singer sa Banyo.

YOU ARE READING
SPOOKIFY
Ужасыthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥