3 AM
Hi... Fan po ako ng mga horror stories kaya gustong gusto ko po ang page niyo. Ako po si Kevin (hindi tunay na pangalan), 17 years old. Taga Bacolod. Senior High School pa lang po ako. At gusto ko lang po i share yung karanasan ko tuwing alas-tres ng madaling araw. Diba po sabi nila kapag bigla ka na lang nagigising tuwing alas tres ng madaling araw, ay may nakatingin sayo? Naniniwala po ba kayo dito? Baka po maniwala kayo sa aking kwento.
2nd Year High School po ako ng una ko itong na experience, masarap yung tulog ko pero may bigla akong naririnig na gumigising sa akin na nagsasabing "Gising... Gising..." Gusto ko pa sanang matulog pero masyadong malakas yung pagising niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang gumising.
Tapos dun na nagsimula ang sunod -sunod na pagising ko tuwing 3am.
May mga pagkakataon na magigising na lang ako dahil may tumatawag sa akin na boses, di kaya nararamdaman ko na may tumatabi sa akin o di kaya may mapapaginipan akong masama. Pinatingin na ng aking nanay ang aking kalagayan kasi nag-aalala siya sa akin pero sabi ng doktor baka daw na si-stress lang ako o inaalala ko masyado ang mga problema ko kaya hindi ako makatulog ng maayos. Marami naman talaga akong problema sa eskwelahan tulad ng failure ako sa 2 subjects ko kaya kailangan kong mag remedial kaya dagdag gastos na naman kaya hindi ko pa magawang sabihin kay nanay kasi ayokong maging pabigat. Tsaka naghahanap din ako ng part time job pero parang minamalas lang ako.Isang araw, pagising ko mga 10 am ng umaga nagtaka ako kung bakit nawawala na yung TV namin. Tinanong ko si nanay at sabi niya ninakaw daw. Yun siguro yung rason kung bakit ako nagising kagabi. Kagabi kasi nagising ako dahil may narinig akong malakas na kalabog. Samantala, naisipan kong ipagtapat kay nanay ang balitang failure ako sa 2 subjects.
"Nay" Wika ko. "May sasabihin po ako." Tiningnan ako ni nanay. " Failure po kasi ako sa 2 subject ko kaya sabi ni maam kailangan po nating magbayad para sa remedial class." Nakita kong namoblema si nanay. "Sorry po." Wika ko. "Okay lang yun anak, gagawan ko ng paraan." sabi niya pero na gui-guilty pa din ako.
*Gabi*
Nagdasal muna ako bago matulog para i guide ako habang natutulog ako at magpasalamat para sa magandang araw ngayon. Tapos nun ay natulog na ako.
"Aaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!" Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ng babae mula sa labas. Tumayo ako sa kama ko para tingnan ang nangyayari sa labas. Baka kasi si mama yun. Paglabas ko sa kwarto ko may narinig akong mga yabag galing sa ilalim. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at may nakita akong babaeng naka puti na tumatakbo papuntang kusina. Sinunod ko naman yung babae hanggang kusina at may nakita akong lalaking naka black t shirt at mask na dala dala yung rice cooker namin Nakita ako ng magnanakaw kaya tumakbo siya papunta sa akin at sinuntok ako. Sinuntok ko din siya at sinipa. Kaya napatakbo siya papalabas ng bahay. Napatingin ako sa babaeng naka puti na nakatayo sa pintuan. Unti unti siyang ngumiti sa akin at bigla na lang naglaho.
*Kinaumagahan*
Nagising ako sa kama ko. Ang sakit din ng mukha ko buhat ng pagsuntok ng magnanakaw kagabi. Tsaka ko na realize na siguro kaya ako palagi nagigising kasi may nagbabalak na magnakaw sa amin. Nagpapasalamat ako sa babaeng yun na nangigising sa akin. Sa mga nagbabasa nito, sana ma realize niyo na hindi lahat ng mga multo ay kababalaghan ang hatid minsan tinutulungan din tayo sa mga problema natin.-Kevin, Bacolod City
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥