Story 22

610 9 0
                                    

WEDDING GOWN

Hi I'm Mars and I'm 23 years old. Nandito kami ng mga friends ko na sina Tes at Lovely sa mall nagshoshoping kami at naghahanap na rin ng sapatos para sa wedding ko. Yeah ikakasal na ako kay Jake.

Tes: Besh look oh! Wedding gown, ganda nun oh! (sabay turo sa wedding gown)

Lovely: Oh where besh?? Ow tara puntahan natin.

Pumunta kami kung saan naroroon ang wedding gown.

Me: Ow god this is so beautiful! Besh eto na lang kaya ang suotin ko sa wedding ko?

Tes: Owww.. Ahmm pwede naman, tapos ang ganda na nga ng gown ang ganda pa ng bride. BONGGAAAA!!!

Lovely: Pak na pak!!! Naku! Perfect na perfect na ang bride! Hmmmm...

Tes: Sa tingin mo besh, ano bilhin na ba natin?

Me: Ahmmm.. Maganda naman. Actually mas maganda to kesa sa mga nakita kong wedding gown.

Girl: Ma'am, may kailangan po ba kayo or something?

Me: Ahmm.. How much ba tong gown na to?

Girl: Ahmm.. 25,000 pesos lang po ma'am, medyo mahal kasi maganda po ang tela nyan?

Tes: Besh Ok na yan. Ang bongga kaya. Pak na pak ang gown nayan!!!

Lovely: Oo nga besh.

Me: Ok ok kukunin ko na. Pwede bang ipadala na lang sa bahay namin kung pwede lang naman.

Girl: Off course ma'am! Dito po tayo.

May pinapirmahan sakin at pagkatapos ay umalis na kami. Papadala na lang daw nila.

3 Days Later..

Dingdong Dingdong dingdong

Tumigil ako sa ginagawa ko nung marinig ko ang doorbell kaya lumabas ako. Nakita ko naman ang lalaking may dalang kahon na puti at may pinapirmahan sakin. Pumasok nako sa loob at tinignan ang laman. Pagkabukas ko ay biglang humangin ng malakas. Kinilabutan ako ngunit di ko na lang pinansin. At tinignan ko ang laman, yung WEDDING GOWN ko. Kinuha ko yun at niyakap.

Me: Oh my gosh! Ang ganda ganda talaga ng gown ko! This is so perfect!

Pumunta ko sa kwarto at sinukat iyon. Maya maya ay lumakas na naman ang hangin gaya ng kanina. Kinilabutan na naman ako. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang reflection ko. Pero nagulat ako nung hindi ako ang nasa salamin kundi isang duguang babae na may ngisi sa labi, nakakatakot na ngisi at suot nya din ang wedding gown ko at duguan iyon.

Me: WHAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Lovely kasunod si Tea.

Lovely: Besh what happened? Are you Ok? (nag aalala)

Me: Sa salamin may babae!! (natatakot)

Tumingin sila sa salamin at binatukan ako.

Me: Ouch why???!!!

Lovely: Eh may toyo ka! Ikaw lang yung nakita mo! Reflection mo lang yun!

Me: No!! That's not me ok? Babae, duguan, nakawedding gown, nakangisi at nakakatakot! Yun ang nasa salamin kanina.

Nagkatinginan naman sila at tumawa.

Lovely: Alam mo gutom lang yan. Hubarin mo na yang gown at kumain na tayo.

Hinubad ko na ang gown. Tumingin ulit ako sa salamin bago lumabas at nandon na naman sya. At kasabay nun ang paghangin ng malakas. Tumakbo ako sa pinto ngunit nagsara iyon. Sumigaw ulit ako at biglang tumigil ang hangin at nawala ang babae. Tumakbo na ako pababa at nakasalubong sila Tes.

Tes: Oh nagmamadali ka?!

Lovely: Sasabihin mo na naman may babae? Plzzzz gutom lang yan sabi. Tara na.

Bumaba na kami at kumain.

Tes: Nasan nga pala si Jake?

Me: Ayun busy! Alam mo na, maraming ginagawa pag ikakasal. Oh wait guys! Pwede bang samahan nyo ko mamaya kay baklang Betsi (mananahi), ipaparepair ko lang ang gown ko.

Lovely: Bakit, may problema ba?

Tes: Oo nga. Ok lang naman yun ah.

Me: Hindi, gusto ko lang paiklian yung gown ko. Fit naman sakin pero masyadong mahaba kaya papaiksian ko.

Tes: Sige samahan kita, ewan ko lang si Lovely.

Lovely: G na g ako jan. Anong oras ba?

Me: Ngayon, pagkatapos kumain. Ano, game?

Lovely/Tes: Game!!

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami kila baklang Betsi. Habang nasa byahe, naisip namin na mamasyal muna sa park, iniwan muna namin ang gown sa back seat ng car ni Tes. Nung nasa park kami biglang may lumapit sakin na matanda.

Matanda: Hija, may nakasunod sayong babae, duguan, nakagown at nanlilisik ang mga mata. May dalang malas ang wedding gown na binili mo. Buhay ang kasuotang yun, kaya kung ako sayo sunugin mo na ang wedding gown na yun. Dahil kung hindi ay kayo na ang susunod! Susunod na mamamatay! Mag iingat kayo.

Nagulat kami sa sinabi ng matanda.

Tes: Ahmm.. Ale, sorry pero di magandang biro yan he he..

Matanda: Hindi ako nagbibiro, manghuhula ako at nakakakita ng hindi nakikita ng pangkaraniwan na tao. Kaya mag iingat kayo. Sa inyo na lang kung maniniwala kayo. Malapit na sya sa inyo ngayon, pinagmamasdan ka sa sandaling ito. Tandaan nyo lahat ng sinasabi ko mga iha.

Biglang humangin ng napaka lakas at malamig, tumayo ang balahibo ko. At nakita ko sa di kalayuan ang babaeng nakita ko kanina sa salamin ngunit galit na galit itong nakatingin samin.

Matanda: Nanjan na sya. (sabay alis)

Lovely: Besh tara na nga! Wag nga kayong maniniwala dun, nananakot lang yun.

Agad naman kaming umalis at pumunta sa car at nagulat ako dahil nawala ang gown ko sa backseat yun lng po.

-Julianah Marie

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now