Story 4

1.3K 22 0
                                    

Uyy sumilip ka pa huh?

       Hindi ko maexplain pero alam ko madami akong katulad na once na tumapak ako sa isang bahay para bang ayoko ng umulit. Una to sa bahay ng kaibigan namin ng boyfriend ko or should I say ex-boyfriend. Ewan. So, ayun na nga dinala niya ko dun since ayaw ko pa magpakilala sa parents niya dahil naduduwag nga ako. Unang tapak ko pa lang tumayo na mga balahibo ko pati ata buhok ko sa kilay tumayo. I saw a girl na nakatayo dun sa may kusina. Ramdam ko na ayaw niya na andun kami kaya ang ginawa ko humawak ako sa kamay ng boyfriend ko tapos sabi niya "may problema ba ?" tapos tinignan din ako ng kapatid nung kaibigan namin na para bang sinasabe niya na I better shut my mouth. Naging masaya naman ang pagtambay namin doon. Lagi kaming nasa kwartong magkakaibigan. Hindi ako bumibitaw sa kamay ng boyfriend ko kasi nga lagi kong nararamdaman presensya nung bata sa tabi ko. Then, one time nag-away kami doon. Naiiwan yung isa naming kaibigan doon kasi nanonood siya. Yung pinsan niya nasa kwarto kasama yung kapatid ng tropa namin. Nag-uusap kami ng boyfriend ko sa labas nung marinig ko na sumigaw si frienny namin ng "Kate wag kang tumakbo !" edi nagtaka kami ni boyfie kasi nasa pinto lang kami at nasa tabi namin si Kate. Tapos nagtinginan lang kami ni Boyfie na para bang pinipigilan niya ko magsalita. Nagsalita si Kate, yung batang kapatid nung kaibigan namin na may ari nung bahay na hindi daw siya pumasok kaya napabalikwas si frienny na nanonood sa loob. Pumasok na kami ni boyfie tapos nakita ko na gumalaw yung kurtina na pang-harang sa pinto ng kwarto. Papunta yung way nung paggalaw sa kusina at banyo magkatapatan lang yun tsaka maliit lang yung space. Narinig ko yung boses nung bata na "ang iingay niyo". Yumakap ako kay boyfie sabi ko punta kami sa kanila tapos kinausap kami ni frienny na nakakita daw ba ako kasi namumutla ako sabi ko oo. Then, nalaman namin na meron nga umamin si Tito na meron daw minsan ginagaya pa sila Kate tsaka yung isa pang batang kapatid ni frienny na may-ari nung bahay. Ito pinaka-creepy na nangyare. Magkakaaway na kasi lahat sa gc tapos yung kapatid ni frienny pumasok ng cr tapos sumunod si boyfie di ako makapagpigil kasi wala akong marinig na ingay sa loob kaya binuksan ko. Galit na galit ako nun tapos si boyfie nagalit grabe daw ako mag-isip eh kinakapatid niya daw yun. Tapos humiga na ako kasi overnight ako nun. Umiiyak lang ako kasi pinagsalitaan niya ako. Nagulat ako pumasok siya sa kwarto tapos sabi niya "silip ka pa ulit love ah ? ikaw ahh? HAHAHAHAHA para kang adik ikaw lang love ko". Dinedeny ko kasi di naman talaga ako tumayo nun tapos sabi niya nakita niya mata ko daw yun tapos parang galit  na galit daw ako kaya ang ginawa ko di na ako umangal kasi gets ko na. Nakita ko yung bata nasa likod na niya nakangisi tapos nawala bigla. Kinabukasan dumating yung isa pang couple na kaibigan namin tapos nagkwentuhan kami sabi ko kay boyfiee na hindi talaga ako tumayo kasi umiiyak ako. Tumaas na balahibo ng lahat nagtakbuhan na kami papunta sa sala tapos nadapa ako sabi ko kay boyfie bat niya ko tinisod sabi niya "lah ? bakit ko gagawin yon?" tapos napatingingin ako sa paa ko nun. May bakat ng kamay tapos bigla na lang namantal. Simula nun di na kami gaano tumatambay doon kasi nung nagsleepover kaming magbabarkada dun. Nasa hallway kami ni boyfie natutulog. Hindi kami nakatulog kasi para daw may batang umiiyak na tumatawa sa cr kaya yakap na yakap ako ni boyfie nun kasi nga baka daw hatakin ako papuntang kusina nung bata tapos mawala ako bigla.

JP
Taguig

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now