Story 43

450 13 0
                                    

I'm letting you go

Hi, my name is Hera. Etong story na ise-share ko is a real story. Ako at ang boyfriend ko. Bare with me guys, kasi mahaba ito. Pero worth to read. Thank you and godbless.

6 years ago, we were so happy. Actually, engaged na kami. Masaya. Kumbaga perfect couple na kami, wala nang hihilingin pa. But before our wedding, that day is September 29, our anniversary. Tinext ko pa siya nun sabi ko uwi siya maaga kasi may surprise ako sakanya. Sabi nya by 10 pm, nasa condo na siya. So si ako, prepare, luto everything. Time pass by 11, 12, 1am, 2am. 2:30am tinext ko siya ulit, medyo nainis ako kasi sabi nya 10pm eh. Yung mga food tinago ko na sa ref, yung balloons na lang naiwan at banner and letters. Di siya nag-reply.

Exact 3am umuwi siya, ang bango nya. Ang linis nya, ang ganda ng awra nya. Niyakap niya ko, nilambing, nag-i love you pa nga sya sakin nun eh sabay sabing “sorry mahal matagal pero dadating naman ako kahit anong mangyari happy 3rd anniversary” di ko siya pinansin, dumeretso lang ako sa kwarto at nahiga dahil sa sama ng loob. Nakaidlip ako, dahil sa puyat antok at pagod.

6am nagising ako, tinignan ko phone ko at ang daming missed calls from her mom. Tumawag ako sa mom niya, sabi ng mom niya wala na daw si jared. 3am daw, inatake sa puso. Oo may sakit talaga sa puso si jared. Di ako naniwala, kinuwento ko pa sa mom niya na umuwi pa si jared sa condo, niyakap pa ako at nagsorry. Iyak lang narinig ko sa kabilang linya. Pinatay ko yung call. Pumunta ako sa hospital kung nasan si jared, i was really shock kasi kung ano yung suot nya nung umuwi siya sa condo ay ganuon din ang suot nya sa hospital. Naestatwa ako, parang gumuho mundo ko, nanginig ako, tanging luha lang ang lumalabas sa mga mata ko, hindi ako makapagsalita at makapaniwala. Ang sakit. Yun na pala yung huli. Huling yakap at i love you nya sakin na hindi ko man lang pinansin. Sobrang sakit.

Niyakap ko yung katawan nya kahit malamig na. Kinapa ko yung katawan nya knowing na baka mabuhay siya sa haplos ko. Pero may nakapa ako sa bulsa nya, its a ring. Wedding ring. Yung ring na ilalagay nya sa finger ko sa kasal namin. Ang sakit. Pero tinuloy padin namin ang kasal. Kahit wala na siya, hindi ako natakot o nandiri dahil patay na siya kundi mas lalo ko pa siyang minahal dahil oo kahit wala na siya hindi parin nya nakalimutan na puntahan ako, yakapin at magsorry sakin. Like what couples do, i still kissed him in his lips. I don’t know if it was me, pero naramdaman ko nag respond yung lips nya, nagmoved to kiss me back. Parang tumigil yung paligid at pag-ikot ng mundo, bumitaw ako sa pagkakahalik. Nakita ko nakadilat siya, gising. At sinabing “Mahal,Hera, I’m letting you go. Please be happy without me, kayanin mo nandito lang ako nakasubaybay sayo hindi kita pababayaan” naiyak ako, pagdilat ko, umiiyak na ang mga tao sa paligid. Gumalaw na sila, at si jared? Wala na ulit. Sobrang sakit. Iniwan nanaman niya ako.

Every September 29th of the year, napapaginipan ko siya. Hanggang sa panaginip hindi nya nakakalimutang pasayahin ako at ang anak namin. Oo may anak kami, 3 months pregnant ako nung nawala si jared. Hanggang dito na lang, salamat sa pagbabasa.

Jared, mahal. Wag kang mag-alala. Balang araw magkakasama din tayo. Pangako ko iyan sayo. Hanggang sa dulo ng walang hanggan, mahal na mahal kita.

Hera

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now