Unan
Magandang gabi mga Ka-Spookify 😀
Gusto ko tong ishare to'ng kwento na'to na hindi para manakot kundi para malaman ng lahat ng may mga bagay bagay talaga na nagpaparamdam na hindi natin nakikita.Itago niyo na lang ako sa pangalang Onin! Kasulukuyang BSHRM student ng CVSU **** Campus! Self supporting and Part-time Model At Raketiro. Kung ako tatanungin niyo, bata pa lang ako, naniniwala na sa mga bagay bagay dito sa mundo.Kasi sobrang weird ng childhood ko .
Uumpisahan ko ang aking karanasan nung MARCH 2010. Walang pagsidlan ng saya ang lahat ng Fourth High School sa mga panahon na yun dahil maglalakad na kami sa sa wakas sa entablado para tanggapin ang mga diploma na matagal naming hinintay at syempre may halong lungkot dahil hindi na namin makakasama yung isa't isa dahil yung iba sa Manila mag aaral, yung iba naman kinukuha na ng mga ate nila para magtrabaho. At ako naman ay magpapatuloy sa pag aaral sa kolehiyo para makamtam ko ang mga panagarap ko. ( Naks, may pangarap )
Tawanan! Harutan! Tsismisan! Hanggang hindi na namin namalayan na gabi na pala. Nagyayaan na ng uwian yung iba. Konti na lang kami natira, Hanggang dalawa na lang kami na naiwan. Ayaw ko umuwi din ng maaga dahil umiiwas sa gawaing bahay ( Uy! Ikaw! Oo , Ikaw na nagbabasa . Aminin mo, Gawain mo din yun 😂✌🏻️). Ang kasama ko na naiwan ay ang bestfriend ko. Hindi maikakailang na laking mayaman siya! Intsik kasi. Close ko yun,Sobra! Sa lahat ng classmates ko siya lang ang palagi kong kasama sa lahat ng bagay. Sunod din kasi siya sa lahat ng luho niya at Unico hijo kasi.
Hindi rin naman sa pagyayabang habulin din kami ng mga chicks (Literal)😂Kasi nag momodelo kami ng mga panahon na yun.Niyaya niya ako sa bahay nila ulit para mag sleepover. Agad agad ko tinext yung mga parents ko para makapagpaalam na hindi ako makakauwi dahil may okasyon ila Xian . Agad naman nagreply at pumayag naman agad dahil magkakakilala naman yung parents ni Xian at yung mga parents ko.
Tinawagan agad ni Xian yung parents niya para ipagpaalam na kasama niya ako at dun ako matutulog. Since close kami ni Xian. Never kong narinig na nagkwento siya about sa family niya. Yes, Kilala ko sila pero hindi ganon kalubos na kakilala. Ayun na nga! Tulad ng inaasahan ko,Wala dun ang parents niya dahil busy sa Business nila sa Makati. Mabuti nga yun eh para makakain ako ng madami. Haha! Kasama ko sa bahay ay sina Nanay Belen at Nanay Nora mga kasambahay nila. At si Mang Kanor na driver nila At ang pinamakulit na kapatid ni Xian na si Gretchen.
Pagpasok mo pa lang sa bahay. Mahihiya kana sa pumasok dahil sa sobrang linis at organized lahat ng gamit na makikita mo loob ng bahay. Apat na palapag siya . Moderno ang tema ng bahay nila. May dalawang kwarto sa baba at limang kwarto sa pangalawa at pangatlong palapag at hindi pa ako nakakapunta sa pang apat na palapag dahil mahigpit na pinagbabawal na bawal pumunta dun unless na lang kung bahagi ka ng pamilya nila pero that time hindi kona inisip yun dahil syempre para may privacy naman sila. Kaya hindi ko ineexpect yung magyayari sa akin nung gabing iyun.
2:00 am ng madaling araw sa wakas ay dinalaw din ako ng antok. Kaming dalawa na lang ang gising . Sa may 2nd floor kami ( Theatre room) Pinanuod pa namin that time yung movie ni Ben Wishaw ( Perfume: The Story of Murderer) 2 hours kasi mahigit yun hanggang inaantok na kami dalawa. Bumaba na kami ng 1st floor para dun ako matulog kasi choosy ako sa tutulugan ayaw ko ng may kasama sa kama. Pagkahatid sa akin . Umakyat na rin siya. At tahimik na ang paligid. At ako ay humiga na.
Bandang 2:47am na umaga. Naamlimpungatan ako bigla kasi napadami ang inom ko ng Iced tea. Ayun sasabog na ang pantog ko. Madilim ang paligid, wala akong makita. Mas lalo akong nagising nung tumama yung hinlalaki ko sa paa sa may mesa. Urgh! Ang sakit. Dahil sa sobrang sakit nawala ang antok ko.Lumabas ako ng kwarto at biglang kong naisipan na gusto kong kumain. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa Dirty Kitchen. Habang naghahanap ako ng makakain may narinig akong mga yapak na papalapit sa akin. Paglingon ko meron nga . May isang matandang lalaki . Matangkad at maputi. Kaso hindi ko maanigan ang mukha dahil sa sobrang liwanag ng sumalubong sa akin. Medyo malusog naman ang pangangatawan at may dala- dalang puting unan na siguro tulad ko ay naalimpungatan din yata . Pagdating niya sa kinaroruonan ko . Agad ko siyang binati ng Good morning at binati niya din ako pabalik. Habang nagkwntuhan kami, Nagtitimpla naman siya ng kape. Nakaupo ako sa dulo na mahabang upuan habang kumakain ng Tikoy. (Pasensiya na po kasi hindi ko masyadong matandaan ang ibang mga detalye na napagkwentuhan namin) Tumagal din ng ilang minuto ang kwentuhan namin hanggang dinalaw na rin ako ng antok. Sabi ko kay Lolo . Dito na lang po ako matutulog kasi tinatamad na akong umakyat at total naman malapit na mag-umaga para diretso na sa almusal. Sumangayon din namn siya at tumango na lang.At biglang niyang napansin na wala pala ako dalang unan kaya sakto na may dala siyang unan at binigay niya sa akin.Napansin kung bakit ang ang gaan ng kamay niya at sobrang lamig ng unan.Iniisip ko na lang baka sobrang lakas nung aircon ni Lolo at syaka malaming talaga ang panahon. Lumipas ang ilang minuto na
hanggang hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Onin! Onin! Onin! Hindi ko pa kaya imulat yung mga mata ko gawa nung ilaw sa kusina. Pagmulat ko, Si Nanay Belen yung una kong nakita habang nagluluto naman ng almusal si Nanay Nora . Ganun na lang yung pagtataka nung nakita ko ang reaksyon ng mga mukha nila nung nakita nila ang unan. Syempre hindi ko alam kung bakit dahil wala pa ako sa ulirat kumbaga. Agad nila ako tinanong kung saan ko nakuha yung unan. Nung sasabihin ko na ganun parin yung mga gulat sa mga mukha nila pero biglang naudlot nang tawagin ako ni Xian. Dalidali naman akong lumapit sa kanya.
Habang may pribado kaming pinag uusapan ni Xian. May naring na lang kaming ' Almusal na' nanggagaling sa kusina ang tinig.Agad naman kaming bumaba ni Xian! Bumungad ka agad ang mga masasayang mga parents ni Xian. Dun ko na lang ulit nakita sila. Makikita mo sa mga mukha nila na ang saya ng aura ng lahat, Malakas na tawanan at puno ng kwentuhan ang aming kasalo sa hapag kainan.Nang bigla kong naisingit itanong kung nasaan si Lolo? Biglang tumahimik ang paligid at makikita mo sa kanilang mga mukha ang pagkagulat Naramdaman ko na lang ang pagtadyak ni Xian sa akin. Kasi siguro baka akala nila umakyat ako sa 4th Floor. Nang tinanong nila kung sinong matandang lalaki ang nakita ko then tinanong nila ako kung ano ang description ng matanda then sumagot ako ng maputi,medyo matangkad at may katawan po siya then medyo may edad na at hindi ko na po matandaan ang mukha niya kasi hindi ko po maaninag masyado gawa po nung ilaw na nangagaling sa kusina. Binigyan niya po kasi ako ng unan nung nakahiga na ako na ako kusina. Pero ang gaan ng pakiramdan ko sa kanya na parang matagal na kaming magkakilala. Then hanggang nakatulog na po ako. Tumawa yung Mama ni Xian. Sabi niya ang galing ko daw gumawa ng kwento pwede daw akong writer sa mga pelikula. Then sabi ko naman na totoo yung mga sinabi ko ano ba naman ang makukuha ko kung nag iimbento ako ng kwento sabi ko. Tumakbo ako sa kusina para kunin yung unan na binigay sakin then pagdating ko sa kusina nandun yung unan na nasa lapag. Pag kuha ko ng unan dun ka na lang napansin na may pangalan na nakalagay na "" WE LOVE YOU LOLO TEODORO"" ! Agad ko na namang dinala yung unan sa loob ng bahay habang papalapit pa lang ako nakikita ko na yung mga naglalakihan nilang mga mata. Then biglang umiyak yung Daddy ni Xian. Ako naman wala akong kamalay malay sa mga nangyayare . Hanggang sinimulan niya yung kwento,
March 12, 2000, Nang nilooban at ninakawan yung bahay nila na hindi pa nakikilalang mga suspek ,At si Lolo Teodoro lang ang tao sa mga oras na yun. Nakatamo si Lolo Teodoro ng 65 na stab wounds ang tinamo niya at isang putok ng baril sa sentido. Hindi nila matanggap yung nangyari na karumal dumal na krimen. Hanggang kalaunan ay nahuli din yung mga suspek . At mga suspek ay kakilala ng pamilya gawa sila ang mga tauhan na gumawa ng bahay. Habang nakikinig ako, napahagulgol na lang ako sa takot habang hawak ko yung unan na bigla ko na lang binitiwan. Hindi ko lubos isipin na may nag abot sa akin ng unan na matagal ng patay. Nakakapanindig balahibo pa kasi nagkausap pa kami ni Lolo Teodoro sana nawa po sumalangit ang inyong kaluluwa.Agad kaming nagtirik ng kandila at nag alay ng dasal kasi 10th Death Aniverssary pala ni Lolo Teodoro kaya siguro nagparamdam sa akin. Habang nag aalay ako ng dasal di ko mawari na may malamig na hangin na nakayakap sa akin that time.
PS: Dun sa kusina at sa mismong upuan kung saan ako natulog ay dun mismo na walang awang pinagsasaksak si Lolo Teodoro at dun natagpuan yung walang buhay niyang katawan.
Onin
Imus, Cavite
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥