Ibat ibang room sa supermarket
2015 nung ma assign ako bilang isang promodiser sa isa sa kilalang supermarket,unang araw ko pa lang nadinig ko na agad na nag kukwento ang isang diser ng experience nya sa storage room/freezer.
Sabi nya pumasok daw sya sa storage room para kumuha ng product na kailangan ng isang customer bultuhan daw kase ang kinuha kaya nagkulang pa yung sa display,palabas na sya nung freezer nung may makita syang tumakbo,akala nya isa sa mga kasamahan nya kaya hindi nya pinansin,pero nung malapit na sya sa pinto bumalik uli yung tumakbo at nakita nyang maliit at maitim(as in itim na parabg anino lang) saka biglang nagsara ang pinto ng freezer habang nasa loob sya,nataranta sya,natakot at kinilabutan bukod sa lamig at sa nakita nyang taong itim,hindi nya din mabuksan ang pinto kaya pinindot nya ang alarm,binuksan ng mga gwardya at ng mga kasamahan nya ang pinto at dun lang saya naka hinga ng maluwag,ngunit muling kinilabutan sa tanong ng mga kasamahan nya,"anung ginagawa mo jan?" "Kailan ka pa jan?" "Paano ka nakapasok jan?,naka lock pa ang pinto." Pinaliwanag nya na nakabukaa na ang freezer kaya sya naka pasok pero laking pagtataka talaga nila dahil naka lock pa ang pinto,ni hindi din daw sya napansin nung guard na naka assign sa storage room at camera(may cctv din kase don)ni isa walang nakapansin na pumasok sya sa loob ng freezer.Sa takot nung diser na yun hindi na sya pumasok kinabukasan at ang balita nag pa assign na sya sa ibang supermarket.
..
Prep room
Ang experience na ito ay akin.
Linggo non kaya madaming tao,expect na na madaming nag oorder ng mix veggies at fruits kaya kailangan tutok ang disers na naka assign sa prutas at gulay (iwas customer complain) hindi na magkandaugaga ang dalawang disers kaya tinulungan namin sila,dalawa kaming tumulong,pinakisuyuan ako ni ate lyn(di nya totoong pangalan) na pumunta sa Prep room para magbalot ng gulay at prutas,agad akong pumunta at nagbalot tahimik na tahimik non mga 2:30 pm kase walang naka break na disers,habang nag babalot ako ng gulay may nakita ako aa gilid ko na nakatayo,di ko agad pinansin dahil baka imahinasyon ko lang tuloy ako sa pagbalot ng biglang nagbagsakan ang nga tupperwears at kutsilyo sa may lababo,nagulat at kinilabutan ako pero dinedma ko lang,pinulot ko ang mga nahulog saka ako bumalik sa ginagawa ko,btw isa lang ang pinto ng prep room at nasa may bandang likod ko pa nasa bandang kanan ko naman ang lababo kung saan ako may nakita at kung saan nahulog yung mga gamit.Maya maya habang ipinagpatuloy ko yung gawain ko may naramdaman akong pumasok at tumakbo,binuksan nya ang gripo sa lababo,tinanung ko sya kung bakit pero walang nasagot basta lang syang nakatayo(kita ko sa gilid ng mata ko),nagtaka ako bukas ang gripo pero bakit nakaharap sya sakin,nilingon ko sya pero bigla sya nawala,kitang kita ko kung paano sy biglang nawala nanlamig ako hindi ako nakagalaw nanlaki ang mata,naiiyak na ako nung biglang may bumulong sa tenga ko."boo" sabay takbo sa may dingding tumagos,yung taong itim nakita ko yung taong itim,dun na ako natauhan at sumisigaw na lumabas,umiiyak,niyakap ako nung isa sa mga babaeng guard kaya nakalma ako saka ko kinuwento ang nangyari,sabi lang nila sakin,"winelkam ka lang nila".Utility room
Ang utility room ay katabi ng cr at ng locker room pagpasok mo ng locker room katapat na katapat nya ang utility room,glass door sya kaya kita mo ang nasa loob kung may tao o wala ,araw ng lunes yun kakadating ko lang since maaga pa nag ayos muna ako at tumambay sa locker room,nanood muna ako sa cp ng teen wolf tamang tama ang isang episode ay matatapos at may oras padin para makapag ayus ako,habang busy ako sa panonood may kumatok ng tatlong beses akala ko sa pinto ng locker room kaya napatingin ako,wala namang tao baka niloloko ako ng kasamahan ko kaya pinagpatuloy ko na lang ang panonood,maya maya may kumatok uli sa pagkakataong yun nadinig ko sya sa utility room napatingin ako,wala namang ilaw kaya nagtaka ako kung ano o sino yun,tumayo ako tinigil ko na panonood at nagsimula ng mag ayos kahit maaga pa.habang nananalamin ako may nakita akong pumasok sa utility pero walang nagbubukas ng ilaw,Kinilabutan nanaman ang lola nyo pero tinitigan ko pa den yung glass door(pag naka harap ka kasi sa salamin,nakaharap ka na din sa glass door ng U.room) nakita ko may guard,hayss naka hinga ako ng maluwag,guard lang pala na nag checheck ng fuse.So nagpatuloy ako sa pag ayos ko,umupo muna ako after ko makapag ayos may 15 mins pa ako bago pumasok,may dumating na nga ka shift ko,binati nila ako sabi nila bakit daw ako nag iisa baka pagpakitaan na naman daw ako,sagut ko " hindi naman ako mag isa andon si kuyang guard sa u.room",pagkasabi ko non nadinig ng supervisor namin kaya tinanung nya ako kung sinong guard yun. "Di ko alam maam nakatalikod sakin ih." Nag umpisa nanaman akong kilabutan nung sumagot sya." Paanong magkaka guard dyan,lahat ng guard na lalaki naka assign sa baba,tsaka hindi pwedeng basta pumasok ang guard dyan ng walang kasamang regular personnel. "
Napa shit na lang ako sa isip ko at nag umpisa na lang sa duty ko,mabilis na kumalat ang balita nung araw na yun at agad akong tinanung nung isa sa mga guard.Kuya guard:shine anong bulto nung guard na nakita ko.
Me: matangkad ,siguro mga 6ft yun tapos may katabaan na maputi.tapos yung uniform nya polo lang hindi yung mahaba ang sleeve.
Kuya guard: nakita mo sya?
Me: sino ba yun?
Kuya guard: yon ang dating C1 dito,sya ang laging naka toka dun sa utility room at dun din sya inatake sa puso.
Me: ( shock akiz) namatay ba sya don?😱
Kuya guard: hindi naman nakailang araw pa sya sa ospital bago sya namatay.Masipag yun walang na absent'an na duty yun kahit galing sa straight duty ontime padin pumapasok kaya ang usap usapan nung mamatay sya hindi nya tanggap kaya nagpapakita pa din sya dito akala nya siguro na duty pa din sya.Eto pa last na alam kong mahaba na.
Comfort room
Ayan common na talaga na may nagpapakita mumu sa cr.12:45 pm nun dumating ako sa store para mag duty superlate na dahil galing ako sa office noon para magpasa ng report.saktong madameng disers ang naka break pa kaya deretso agad ako sa guard at nag report nagpasa na din ng letter na patunay na sa office ako galing,habang nag iintay para ma approve ng bisor ang letter nag cr muna ako,tooth brush,suklay at make up ang inuna ko,tumahimik na sa loob at labas ng cr nun kaya alam kong nag Time in na ang mga disers.Habang nag tooth brush ako may nadinig akong nagpupukpok,tulad dati dedma,yumuko ako sa lababo para ibuga ang iminumog ko nung biglang humangin sa batok ko at biglang lumakas yung pukpok yung tunog nya ay parang kumakatok,tumapat ako sa pinto ng cr at pinakinggan ko,wala naman (Btw yung cR namin ay may 3 cubicle dalawa para sa diser at isa para sa regular employee.)napaisip nanaman ako at natakot pero dinedma ko uli,mas takot ako na mapagalitan nun bisor namin kesa sa multo,baka kase pauwien ako sayang pamasahe at pagod ko.😂😂😂kaya patuloy lang sa ginagawa,make up dito make up don ,ipunupuyod ko na ang buhok ko nun may nakita akong pumasok mabilis na pumasok kaya akala ko jebs na jebs na napangiti ako.(yes may kasama na ako.)pumasok ako sa isa sa mga cubicle na para sa amin parehong bukas yung cubicle ng disers kaya nasabi kong regular employee yung jebs na jebs😂 najingle ako nun madinig ko syang kumakatok katok na parang inaalog yung pinto ng cubicle,sabayan pa ng boses na parang nag hihingalo( sa isip ay grabe si ateng makaire,constipated ata) natawa ako ,muli nyang kinatok yung pinto ng cubicle kung saan sya naroon,"ay maam wala po ako tissue,abutan na lang kita ng tubig(may malaking tabo kase sa cr)tumigil sya sa pagkatok at ako naman lumabas na ng cubicle kumuha ako ng tubig iaabot ko na sana mula sa siwang sa ilalim yung tabo ng tubig ng mapansin ko ang padlock sa pinto ng cubicle ng regular employee.Natakot at kinilabutan ako nun pero mas nanaig sakin ang concern dahil baka nailock sya dun (nawala sa isip ko yung biglang may pumasok kani kanina lang)kaya ang ginawa ko sinilip ko sa ilalim,nanlaki ng mata ko sa nakita ko,duguang paa na naka lutang sa tiles 😱😱 napalaki ang mata ko nun lalo na nun madinig ko syang tumatawa hindi ako maka galaw mula sa pagsilip ko(nag flush pa bigla ang bowl sa tatlong cubicle sabay sabay,namatay buhay ang ilaw at ang exhaust fan bumukas ng todo ang gripo at umalog ang naka sarang pinto ng cubicle,umiiyak ako pero naka silip pa din ako sa ilalim ng cubicle iyak na nauwi sa sigaw,hindi ako maka galaw umaagos ang dugo mula sa kanya papunta sa akin iyako ako ng iyak,hindi ko alam kung gaano ako katagal na ganon nun biglang may humila sakin pataas,si maam liza(supervisor namin) imbis na galit,concern ang nakita ko sa mata nya,may mga kasama syang guards at janitors nakatingin sila lahat sakin dun na nag dilim ang paningin ko at pagka gising ko nasa clinic na ako,pinakwento nila sa akin kung ano ang nangyari,at dun ko din nalaman na matagal na pala nilang binubuksan ang pinto kinakatok nila ako pero di ako sumasagot,nadinig na lang nila ang sigaw at pag iyak ko sa loob ng cr kaya winasak na nila ang pinto.
..
Dun ko na din nalaman na dating apartel ang 2nd floor ng supermarket na yon bago pa naging supermarket yon,usap usapan na may babaeng nag laglag/nag agas ng sanggol nya sa apartel na yun at dun din sya nagbigti sa mismong kwarto nya(cr ng employees ngayon)hindi matahimil ang kaluluwa kaya nagpaparamdam.
..
Pinakiusapan nila ako na manahimik na lang sa mga nangyari sakin dun ,simula nun araw na yon hinding hindi na ako pumasok o bumalik man lang(as a customer) don.
Hanggang dito na lang muna sobrang haba na ,hehe,sana nag enjoy kayo sa pagbabasa ,sorry kung di ako magaling mag kwento.
..
Shine
Laguna
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Hororthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥