"Sanib"
Hello po,ako si Joy(di totoong pangalan) kasalukuyang grade 11.Nangyari ito noong grade 9 ako.Actually di naman ako yung nakaranas pero naroon ako nung nangyari ito.
Every fourth quarter,lagi kaming binibigyan ng activity.So ang pinagawang activity samin ni sir ay Musical Theater.
Bandang 12 ng hapon ng nagrehearse na kami dahil kinabukasan na ng pagpresent.May nakita akong mga senior high na nanonood sa amin.Pero yung talagang nakakuha ng attention ko ay si ate Kim.Di ko alam pero kakaiba yung paraan ng pagtitig niya,creepy.Lumabas na silang lahat sa center ng pinagrerehearsan namin at tumambay sa bleachers.Maya-maya habang kumakanta kami ay nakarinig kami ng mga sigawan.Pinatawag si sir at sumunod kami.Nung papalapit na ako sa nagkukumpulang mga tao,nakaramdam ako ng kaba kaya hinawakan ko yung St.Benedict na nakasabit sa kwintas ko.Yung iba kong kaklase ay nakiosyoso.Naisipan kong lumapit at laking gulat ko ng makita ko si ate Kim.Nagpupumiglas at nanlilisik ang mata.Sa sobrang takot ay umatras ako at nagdasal.Pinauwi na rin agad kami ng guard.
Kinabukasan,narinig ko sa mga usapan na si ate Kim daw ay ilang beses ng sinasaniban.May nagkakagusto daw sa kanyang engkanto at gusto nitong dalhin si ate Kim.
(ikwekwento ko rin yung nangyari kay ate Kim)
Habang nagrerehears kami,mag-isang nakaupo si ate Kim sa isang bleacher habang yung mga classmates niya ay nasa isa namang bleacher.Napansin daw nila na tulala si ate Kim kaya tinawag nila ito pero parang wala lang daw itong naririnig.Maya-maya ay biglang umiyak si ate Kim,kinabahan ang kanyang mga kaklase dahil alam na nila kung anong mangyayari,tinawag parin siya pero maya maya ay bigla itong nahimatay.Sinubukan nilang lapitan,ng mapansin nilang nagwawala na siya ay agad nila itong hinawakan sa mga braso at mga paa habang nagpupumiglas.Ang mga mata rin nito'y nanlilisik na halos di na makita yung itim sa mata.Sabi rin nila may nagyaya daw kay ate Kim na lalaking engkanto kaya ito umiyak.Joy

YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥