COMATOSE
Hello spookifiers.Ako nga pala si Hannah,avid reader sa page na to kaya gusto ko rin magshare ng kwento ko.
April 2013 nang magkasakit ang lola Gemma ko.Ipinaalam namin ito kina tita Ana at Tita Mel na nasa maynila na nakatira at agad naman silang umuwi dito sa Cebu.Isinama ni Tita Mel ang 5 years old niyang bunsong anak na si Aya.
Na confine si lola sa ospital at ayon sa doctor ay may kidney problem siya.Hinang-hina na sya at kapansin-pansin ang sobrang pagpayat niya.Kailangan daw i-dialysis at kung hindi,ay di na daw magtatagal ang buhay niya.Hindi pumayag ang mga anak at asawa ni lola na ipa dialysis sya.Bukod kasi sa walang pambayad ay hindi rin siguradong gagaling pa ito sa kanyang sakit.Kaya napagdesisyonan nilang iuwi na lang si lola Gemma sa bahay at doon na lang alagaan.
Mag iisang buwan ng magpaalam si tita Mel at tita Ana dahil pinapauwi na sila ng kanilang asawa at mga anak.Si mama naman,tumigil muna sa kanyang trabaho para maalagaan si lola.Nakahiga na lang ito sa banig.Kapag kakain siya ay ipapa-upo lang at nakasandal ang likod sa pader at susubuan ng pagkain o kayay pa inumin ng gatas.Naawa ko sa tuwing nakikita kong ganun ang lola ko,alam kong nahihirapan na sya pero gusto pa niyang gumaling.Mga ilang buwan na ganoon ang kalagayan niya.
Pero di pa man nakakabawi ay isang problema na naman ang dumating.Yung bunsong anak kasi ni tita Mel na si Aya nakagat ng daga at nakalat na ang impeksyon na naging dahilan na siya ay ma-comatose.
September 2013 ng maconfine ulit si lola Gemma.Nahirapan kasi siyang huminga at nagkaroon ng mga pasa ang balat niya.Si mama at isa ko pang tita ang nagbabantay noon kay lola sa ICU.Hinang hina na si lola noon pero nakakapagsalita pa naman.Isang araw nagtaka sila mama dahil may hinahanap si lola na batang babae.Lola: Asan na 'yong batang babae kanina?
Tita Rose: Sinong pong bata ma? Eh wala naman pong bata na makakapasok dito sa ICU.
Lola: May bata dito kanina lang naglalaro pa nga.
Mama: Eh ma kami lang naman po nandito.hindi po pwede pumasok bata dito.Nagha-hallucinate lang siguro si lola dahil sa mga gamot na tinurok at pina-inom sa kanya.Pero napaisip sila at naalala ang pinsan kong si Aya.
Tita Rose: Hindi kaya si Aya yung bata na nakita ni mama?
Mama: Huh? Pa'no naman mangyayari yun eh nasa maynila yon at di ba nga na-comatose yung bata?
Tita Rose: Pag nakacoma kasi ang tao,katawan lang niya ang tulog pero maaring lumabas ang kaluluwa niya.Baka kako dumalaw kay mama.
Mabait kasing bata yong pinsan ko na yun.Malambing at maalalahanin na kahit 5 years old pa lang ito.Noong nandito nga yun,lumapit siya kay lola tapos naglambing.Sabi niya,"lola kumain ka na para mabilis kang gumaling."Tapos sasabihin niya,"Lola,inom ka na po ng gamot niyo",sabay abot ng tubig.
Malubha na daw ang sakit ni lola at sinabihan sila ng doktor na iuwi na lang ang pasyente sa bahay at ibigay na lang kahit anong hingin nito.Alam nila mama ibig sabihin non,kaya inuwi na lang nila si lola sa bahay.Dumating naman ang ibang kapatid nila mama na sa cebu lang din nakatira.Si Tita Mel naman ay hindi makakauwi kasi nga nasa ospital pa si Aya.
Sa bahay nila lola.Nakabantay pa rin sila mama sa tabi ni lola.Eh ako dun natulog sa kwarto ng bahay ni lola.Yung mga Tito ko nasa labas lang ng bahay.Madaling araw non naalimpungatan ako dahil narinig kong nag-uusap sila mama at mga kapatid niya sa sala. Pinag-usapan nila ay yung punerarya dito sa amin.Tapos sabi ni Tita Rose na tawagan daw yung kapatid ni lola para ipaalam daw.Si lola natutulog lang sa higaan niya.Bumangon na ako non at umupo sa bangko na nasa sala lang din.Nagtataka pa rin ako no'n kasi nga bagong gising pa lang ako non kaya nakinig lang muna ako.Tiningan ko yung cellphone ko,nag text pala si Tita Mel.Tinatanong niya kung kumusta na daw si lola Gemma.Kagigising lang daw ni Aya.Dalawang buwan itong naka-coma.Natuwa naman ako at kaagad ko itong sinabi kina Tita Rose.Masaya sila dahil sa wakas ligtas na si Aya.Delikado kasi kung matagalan siya sa pagka-coma.
Naalala naman nila mama yong nangyari sa ospital at nakwento nila ito sa mga kapatid.Sila din ay naisip na baka nga si Aya nga yong batang nakita ni lola sa ospital.Baka sinabihan ni lola ang bata na bumalik na ito sa katawan niya."Replyan mo,wala na si mama", utos ni Tita Rose.Ako naman nashock sa narinig ko.Tiningnan ko siya nakita ko di na nga sya gumagalaw.Lumapit ako at hinawakan ko ang kamay niya pero wala na itong lakas at hindi na siya humihinga.Naiyak lang ako pero tulo lang ang luha ko.Hawak ko pa rin ang kamay niya at hinaplos ko ang buhok niya.Patay na si lola.
Kung kailan gising na si Aya,namatay naman si lola.Co-incidence lang ba talaga ang nangyari?O maari talagang magkita ang kaluluwa ng nacoma at ng taong kamamatay lng??
Hanggang dito nalang po at maraming salamat sa pagbabasa.Godbless.-H.A
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥