"BANGUNGOT O TOTOO?"
Nangyari ito sakin nung mga panahong hindi pa napapabless 'tong bahay namin. Ito kasing bahay na tinitirhan namin, bahay pa ng Lola at Lolo ko. Pinabless lang ulit namin siya simula nang mangyari sakin 'yon.
Certified wattpader ako kaya hanggang madaling araw nagbabasa ako. Bakasyon nun, habang nagbabasa ako ng wattpad biglang gusto nang pumikit ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi pa naman ako inaantok nung mga oras na 'yon. Nakita ko pa yung oras sa cellphone ko, 2:46 kung hindi ako nagkakamali. Kahit gusto ko pang tapusin yung story na binabasa ko, natulog pa rin ako kasi gusto na talagang pumikit ng mga mata ko.
Edi ayun, nakatulog ako. Tapos bigla akong may narinig na bumubulong sa tainga ko, hindi ko maintindihan yung sinsabi niya pero ramdam na ramdam ko yung malamig niyang hininga. Naalimpungatan ako dahil sa bulong na yun pero hindi ko madilat yung mga mata ko. Biglang may naramdaman akong humawak ng mahigpit sa dalawang kamay ko, pati na rin sa paa ko. Hinihila niya yung paa ko at kumot ko. Sobrang lamig ng kamay niya at ang higpit ng hawak sakin. Nagpupumiglas ako, hindi ako makakawala. Pinipilit ko yung sarili ko idilat mga mata ko at magsalita pero hindi ko magawa. Pinilit ko ng pinilit hanggang sa nakapagsalita ako ng 'Mama.'
Pagkatapos ko banggitin ang 'Mama.' biglang nawala lahat ng kamay na humahawak at humihila sakin, nadilat ko ang mga mata ko, nakakapagsalita na ako, at hinihingal. Pagtingin ko sa orasan na nasa harap lang ng kama ko saktong 3:00 ang nakalagay dito na oras.
Hindi ko alam kung bangungot ba yun o totoo talagang nangyari sakin 'yon.
Frdll Crz
Rizal
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥