Karma
Babae? Tama Babae ang nakita ko, babae na umiiyak at nag mamaka awa na wag siyang patayin. Madilim ang paligid, madamo Sa bakanteng lote. Habang sa paglalakad ko Aking narinig na may umiiyak, dali dali kong tinuntun ang lugar na pinanggalingan ng boses. Sumilip ako sa likod ng puno Nagulat ako sa aking nakita! Dalawang lalaki, may hawak na baril at kutsilyo at isang babae na naka luhod umiiyak, nag mamaka awa. Hindi ako maka galaw sa aking kinatatayuan, hindi dahil sa ayaw kong tulungan ang babae kundi dahil sa takot na baka akoy madamay. Habang naka luhod ang babae Tumatawa naman ang mga lalaki, mga mag nanakaw ito Binubuksan nila ang bag ng babae Nang hindi pa makuntento pinilit nila na mag hubad ito Kung hindi siyay papatayin. Kitang kita ko ang pang bababoy nila sa babae, Oo! Ginahasa nila ito at pagkatapos pinaslang.
Isang taon na ang naka lipas may Asawa na ako ngayon at nag iisang babaeng anak na si Tasha.
Simple lang aming buhay, isa akong construction worker at Na sa bahay lang ang aking misis upang ma alagaan ang anak namin. Alas kwatro ng hapon Hanbang nag ta trabaho, aking napansin na may tumakbo sa aking likuran Babae ito. Sa pag aakalang namalik mata ako Hindi ko nalang pinansin.
Maya maya pa nag sigawan ang aking mga kasama, nag kakagulo ang lahat Aking pinuntahan ang lugar kung saan ang kaguluhan. Isa kong ka trabaho hawak hawak sa kamay at paa ng iba pa, tilay sinasaniban ito. Nagulat ako at nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang binigkas ng aking katrabaho, nanlilisik mga mata at may tumutulong dugo aa bibig habang naka titig sakin "Mike! Akala mo makaka ligtas ka Hahaha may mawawala sayo! Ikaw naman ang luluhod at mag mamakaawa!!" Lahat sila nag tinginan sakin, Natakot ako! Hindi ko alam ano ang tinutukoy nito at ano ang aking kinalaman, maya maya nawalan na ng malay ang aking katrabaho at dahil doon pinauwi lahat kami ng maaga. Habang akoy nasa pampublikong sasakayan Aking iniisip kung ano ang nangyayari kung totoo ba at ano ang ibig sabihin ng aking ka trabaho. Sa kalagitnaan ng aking pag iisip napansin kong mali ang lugar ng aking sinasakayan tila pa punta na ito sa bukid, sumigaw ako "Manong nasa saan ho tayo?" Nakita kong tumingin ito sa salamin at Nanindig ang balahibo ko sa aking napansin, itoy kulay asul! Tumutulo ang dugo sa mata at ang salita malalim tilay parang demonyo "Kung saan ka nararapat" Napakapit ako sa sasakyan, tagaktak ang aking pawis, bumibilis ang tibok ng puso Dahil sa naka paligid sakin. Ang mga pasahero nakatingin lahat sakin, naka ngiti, luwa ang mata, natulo ang dugo sa bibig! Hindi ko alam aking gagawin halos maiyak ako Sa takot ko akoy tumalon nalamang at dali daliy tumakbo. Sumisigaw ako Tumatakbo baka sakaling may maka rinig ngunit Hindi ko alam ang lugar na ito, madamo, madilim tilay na sa bukid ako. Habang nag lalakad may narinig ako dalawang babaeng nag uusap, aking tinuntun ito at nakita kong babaeng naka puti may hawak na bata. Parang pamilyar ang batang iyon, dahan dahan akong lumapit at tilay narinig nila ang aking yabag. Lumingon sila pareho, bumilis ang tibok ng puso ko at nagulat sa aking nakita! "Tasha? Anak! Ano gingagawa mo dito? Sino ang iyong ksama?" Ngumiti ang babae sakin luwa ang mata nito, tumayo ang aking balahibo at naiyak "Buhay ang nawala, buhay ang kapalit" Ani ng babae. Nag lakad na sila palayo sa akin habang ako tinatakbo at hinabol sila "Anak! Wag! Kunin mo na ako Wag si tasha paki usap" lumuhod ako at nag mamakaawa, para kay tasha lahata gagawin ko. Dito pumasok sa akin ang nakaraan Siya ang babaeng hindi ko natulungan dahil sa takot.
Maya maya ay nagising ako, maliwanag ang paligid. Nasa aking tabi ang aking asawa at si tasha Dali dali nila akong hinagkan at akoy naiyak. Ikinuwento nila sakin ang lahat ng nangyari, ang pampublikong sinasakyan ko ay nadisgrasya mabuti nalamang at naka ligtas ako.
Ngunit...... ano ito? Tilay manhid ang aking binti? Wala akong maramdaman. Wala Oo wala na Wala na aking mga binti.
Ito na ba ang kapalit sa aking kasalanan? Kahit na nangyari ito Ang mahalaga Buhay si tasha, ang aking mahal na anak.HistoryA
Muntinlupa City
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Terrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥