Story 33

501 8 0
                                    

Karma ko

Hi ako si Irish (not my real name) I just wanna share my experience.

Naranasan nyo na bang paglaruan ng ibang nilalang na hindi nyo nakikita?Paano kung sa mismong loob ng cr?

Ganito kasi yun mahilig kasi akong magbiro sa mga kaklase kung Babae pag nagpapasama silang pumunta ng cr. Bali ang cr namin malayo at kailangan mo pang dumaan sa dalawang room bago ka makarating.Ginawa kasi yung building na magkakasama na ang mga cr ng tig-iisa bawat section.Una sa ABM, STEM at yung amin.Nagpasama ako noon sa kaibigan ko sabi ko ""bes samahan mo ako sa cr?. "" pumayag naman sya at sinamahan ako dali-dali na akong pumasok dahil ihing-ihi na ako.Habang nasa loob ako at nagmuni-muni narinig ko na may nagsarado ng pintuan inisip ko na baka kaibigan ko lang may gawa nun ,pumasok rin sa isip ko na ""paano kaya kung lokohin ulit ako ng nagbabantay dito? Baka gawin rin nya sa akin yung ginawa ko Kay ** ."" Tapos biglang yung switch ng ilaw na malapit sa pintuan narinig ko na may nagpatay tapos binuhay ulit tapos pinatay ulit. Sabi ko ""OYY?!"" akala ko titigil na maya-maya narinig ko na naman na binuhay at pinatay naman ang switch ng ilaw sa inis ko sabi ko ""Edi wow!!"" Naiinis ako dahil hindi pa ako tapos umihi nun,gusto ko na ngang silipin kung sino man yung nagloloko sa akin kaso naningdig yung balahibo ko dahil naalala ko na hindi ito yung unang pagkakataon na pinagtripan ako sa cr kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagmuni-muni. Pagbukas ko ng pinaka pinto ng cr namin, nagtaka ako WALANG TAO!. Kinabahan na talaga ako wala na akong balak magtagal gusto ko na ngang tumakbo kaso kailangan ko munang i-map yung sahig bago ako umalis kaya binuhusan ko muna ang dapat buhusan , mga nakakadalawa pa lang akong tabong buhos ng tubig nagbukas na lang ng kusa yung pinto.Sa takot binilisan ko na yung pagma-map at ni-lock ko na nagkataon na ang hirap i-padlock nakailang ulit pa ako sa pagmamadali sabi ko sa isip ko ""bwesit magsarado ka na nanindig na balahibo ko dito! ""

sa awa ng diyos nagsarado din. Lalo akong natakot ng nakita ko yung kaibigan ko wala man lang kakibo-kibo sa pwesto nya.

Pagkalayo-layo namin tinanong ko sya
"" Bes ikaw ba yung nagpatay-buhay ng ilaw?"" Umiling sya at sabi ko ""promise?!"" kinakabahan na ako ""Oo."" Sabi nya .naiiyak na ako ""bakit mo ako iniwan dun sa cr? "" tapos sabi nya : ""nagsabi baga ako sayo na dun muna ako sa labas sinaraduhan ko pa nga yung pinto. "" nagtaka ako ""hindi ko naman narinig eh wala ka namang sinabi sa akin.""

Na-realize ko baka ginantihan lang ako nung nagbabantay sa cr namin sa sobrang kakulitan ko. Haha sorry na po

P's. Totoo pong may nagbabantay talaga sa cr namin hindi lang po ako ang nakakaramdam nun pati na rin po yung may third eye na kaklase namin may white lady daw dun.
Dati kasi yung pinagtatayuan ng mga malalaking puno na ginawa na ngayong senior high building.Mabait naman po yung nagbabantay sa cr namin ayaw lang siguro ng makulit gaya ko .MORAL LESSON : ""WAG MONG GAWIN SA KAPWA MO , KUNG AYAW MONG GAWIN NG MUMU SAYO!""

Yatzz
Quezon

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now