Story 16

826 10 0
                                    

“PARAMDAM” - 5 real-life expriences dito sa lugar namin.

hi guys.before i start, itago niyo po ako sa pangalang, ‘GELA’
-
marami nakong experiences and real life stories na nararanasan at nararamdaman. hindi ako nakakakita madalang. pero ramdam oo.

so, simulan na natin.
1: nung bata ako naalala ko nakikipaglaro ako sa kaibigan ko ng luto-lutuan. alam ko gabi na yon dahil buong araw kaming naglaro. umalis ang nanay ng kalaro ko, at itago niyo nalang sa pangalang, ‘jelay’. kasama ko pa ang kaibigan ko na si ‘zam zam’ at si ‘bilog’. naglalaro kami si tapat ng gate ng kapitbahay namin (katabi lang naman namin yung bahay.) pero mas gusto namin don dahil may liwanag. habang inaayos namin yung laruan ko, bigla nalang may sumulpot sa harap namin na lalaki, tulaktulak yung kariton at may lalaking nakahiga. paa lang nakita namin at mamutla mutla  at naka-taklob ito ng kumot. ordinaryo lang yung itsura ng lalaki tao naman, pero nakakapagtaka naman diba. bigla nalang sumulpot sa harap namin saka lang namin narinig yung ingay nung gulong. ‘di kami natakot. bata pa kami, at ‘di pa namin alam yun. nagtaka kami ngayon lang namin nakita ‘yung itsura nung lalaki so, kinausap nung kaibigan ko na si bilog yung lalaking nagtutulak ng kariton.
"kuya san niyo po siya dadalhin?" sabi ni bilog.
hindi man lang siya sinagot. dire-diretso lang siya. narinig naman namin pag-uusap nila. hanggang sa nakuha nalang ng atensyon namin tignan yung lalaki hanggang makarating dun sa dulo, (hindi naman kalayuan) nawala nalang sila. yung magkatapat na bahay dun samin sa dulo parehong malaki bahay, yung isa sa kaliwa walang nakatira. yung isa naman meron pero konti lang sila. pinaniniwalaan namin na yung bahay dun sa kaliwa, ay may marami ng multo.
2: sunod naman na time naalala ko papasok na ako sa school. mga grade 4 ako nun. late nako, kinakatok nako nung service namin. nung pagdating namin dun sa trycicle, sinabi naman nung driver na, “may nakita akong kamatayan dun, nung sinundo ko siya.” sabay turo sakin. sabi ko naman, “san po galing?” sabi naman niya, dun daw sa bahay nila mang * . kung san nakita namin yung kariton tumigil at nawala. sa kanang bahay.
3: nakita ni mama kapit-bahay namin na nakatayo nung hapon sa pintuan nila. itago sa pangalan na ‘ate cho’ ang pinagtataka lang niya tawag siya ng tawag hindi man lang ito lumingon. nasabi niya panga na ‘anong ginagawa mo dyan?’ wala. hindi lumingon. nung nakita niya yung anak nun at tinanong kung nasan mama niya, sinabi nito nasa trabaho. tapos nagtaka siya kung sino nakita niya. nung gabi, umuwi na yung nanay nila. dun siya kinilabutan. kinaumagahan, kinausap niya ito kung sino daw yung nakita niya tapos sinabi yung damit. sabi naman ni ate cho, baka daw sa ate niyang namatay dahil meron daw ganung damit ate niya.
4: gabi na, nasa trycicle kami ng papa ni jelay at nagkw'kwentuhan. nakakatawa nakakatakot nakakatawa. ganun lang. hanggang sa may napansin ako sa salamin nila sa likod may matanda na nakaputi ‘di ko alam kung nakabarong na ewan. saka naka black pants siya. pagtingin ko sa labas, wala naman. pagtingin ko uli sa salamin.... LUMAPIT NA PAPUNTA SAMIN! Nakita ng kalaro ko kaya takbuhan kami. alam namin na hindi yun guni-guni.
5: ngayon lang, ilang araw lang nakalipas, nung 2 AM. amoy sigarilyo na hindi naman namin maintindihan  ang amoy. hindi marlboro lights dahil hindi ganun amoy ng sigarilyo ni papa, hindi marlboro blue, sa kapitbahay namin. iba ang amoy eh. amoy --- TABAKO! kami ni mama nakaamoy, sino ba namang magsisigarilyo ng ganung oras diba? kinabukasan, sabi ng kapitbahay namin sa gitnang apartment. may kumatok daw sakanila tinatanong pa kung ano oras uwi ni papa 8 ‘yun ng gabi sabi naman ni mama maaga uwi niya saka alam niya naman bahay namin sa bahay nila. siya lang ang nakarinig, yung babae. yung matanda dun sa loob na lalaki ‘di naman niya narinig. ako buong oras gising dahil hindi ako makatulog. ginising ko lang si mama. tapos yung dulong apartment daw maynnakikain sakanila dahil tumutunog yung plato, kutsara baso. nung sabi nung asawa nung sa gitnang apartment, kapre daw yon dahil nakakakita yon. sinabi ni mama lahat sakin yon, hanggang sa- SAN GALING YUNG AMOY SIGARILYO AMO TABAKO?! ayun nalang nasabi ko napa-oo nga pala! nalang si mama. tapos nung gabi na nag-insenso lahat kami. tatlo lang kasi apartment dito at mala-gubat din yung bahay namin malapit sa dagat.
-
maraming salamat sa pagbabasa, sana nagustuhan niyo kahit mahaba.

HANGGANG DITO NALANG,
ANGELA.

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now