Manika
Hello spookifyers! I just want to share my experience. First time may mangyare sakin ng ganun kaya takot na takot ako. This happen 2 yrs ago, btw ako si Maxine (not my real name). My lola past away sabi nila dahil daw sa pangkukulam, kinulam daw siya idk what's the real reason pero after nya maospital nakakakita daw si lola ng mga multo. Nung nilibing lola ko kinabukasan pasukan na non eh ang kaso nakauwi kami gabi na di na namin naasikaso gamit namin tsaka masakit ulo naming lahat, gusto man naming pumasok pero di talaga namin kaya, need namin ng pahinga kaya umabsent kaming magkakapatid first day of class non sayang. Then 1 week ago umuwi ako sa mama ko (dun kasi ako nakatira sa side ng papa ko kasi dun ako lumaki) pagkauwi ko diretso agad ako sa bahay ng pinsan ko kung san dun nakatira lola ko nung buhay pa. Diretso agad ako sa kwarto nila para puntahan yung pinsan kong lalake yun kasi pinaka close ko sa lahat, mas matanda yun sakin. Nakiopen ako ng fb sa tablet nya, chat chat ganern. Kasama ko pinsan ko non sa kwarto nila kaming dalawa lang, nakabukas yung pinto pero patay yung ilaw. Okay lang naman sakin kasi di ako natatakot tsaka di kasi ako naniniwala sa multo, Born Again ako. So ako busy ako kakatablet di ko namalayan lumabas pala ng kwarto pinsan ko akala ko andun lang sya nakaupo, ako kasi nakahiga habang nagtatablet so dedma lang sa paligid kasi focus sa tablet. Biglang nag patay bukas patay bukas yung ilaw, di ako tumitingin sa paligid pero sabi ko "uy kuya wag mo ko pagtripan" nagtatablet parin ako non dedma lang talaga sa paligid. Pero nung pati electric fan nag patay bukas patay bukas na din aba tumigil ako sa kakatablet, pag tingin ko wala yung pinsan ko pucha nakaramdam ako ng takot. Pero tuloy pa din yung patay bukas patay bukas ng ilaw at electric fan, ako naman nakatitig lang sa paligid sa nangyayare. Sabay biglang nalaglag yung manika ng pamangkin ko, yung manika na tumatawa pag ginalaw. Nung nalaglag sya biglang tumawa mag isa, ang ginawa ko labas ako ng kwarto nila pakshet iniwan ko talaga yung tablet don sa loob. Paglabas ko tinanong ko yung kapatid ng pinsan ko. "Ate jane (not her real name) asan po si kuya jc? (yung pinsan ko, not his real name)." Tas sabi ni ate jane sakin "lumabas ah?" sabi ko "huh? eh sino yung nag patay bukas patay bukas ng ilaw dun sa kwarto?" sabi nya "baka naman natanggal yung saksakan?" tas nung tinignan ko nakasaksak naman. Then bumalik na yung pinsan ko si kuya jc, sabi ko sakanya "kuya ikaw ba yung nag patay bukas patay bukas ng ilaw sa kwarto?" sabi nya "hindi ah, lumabas ako kakarating ko nga lang" so naniwala naman ako kasi totoo naman. Bumalik kami sa kwarto pagbalik namin nakapatay yung ilaw pero nakabukas yung fan ganun na talaga yun nung una naming pumasok dun, pero nung pag pasok namin binuksan na ni kuya yung ilaw tas nandun padin yung manika sa baba, tas sabi nya bat andun daw yung manika? tas dun ko na kinwento sakanya lahat iyak pa ko ng iyak. Imposibleng mahulog yung manika sa baba kasi double deck yung kama nila, yung taas nun may harang kaya imposible talagang mahulog lang yun, tsaka yung pagkabagsak ng manika parang kala mo may nag hagis galing sa taas ng kama ganun. Tas after ko umiyak ang bigat padin ng pakiramdam ko, sabi ni kuya yan kase di mo kasi binati sa nanay (lola) pag pasok mo. Seryoso kami mag usap nun walang biro biro. May picture kasi si nanay dun sa kwarto nila so ang ginawa ko, binati ko si nanay nag hi ako sakanya tas ayun gumaan na pakiramdam ko.
MV
Quezon CityP.S. di po ito kathang isip, lahat po ng sinabi ko base on my experience lang po, salamat po sa pagbabasa
P.P.S. pag napost to, share ko naman yung about sa lola ko masyado na kasing mahaba pag sinama ko pa dito
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥