"NAINGAYAN ATA SILA SAMIN"
so eto na nga po tawagin nyo nalang ako sa pangalang vieng. ahm nagkayayaan kami ng mga pinsan ko na pumunta ng batanggas yung iba kasi naming mga pinsan taga dun sila sa batanggas. mga malalayo yung mga pinsan ko. yung isa naming pinsan taga cabanatuan pa. then yung iba taga batanggas na so napagplanuhan namen na pumunta sa batanggas para makabonding namen ang iba naming pinsan. so eto na nga gabi nung bumyahe kami papuntang Batangas. dahil mabilis kaming nakarating sa house ng pinsan namen nagpahinga muna kami dahil hindi na namin mapuntahan yung mga pinsan namin na malapit lang doon so napagdesisyunan namin na ipagbukas nalang ang pag gala. so ayun na nakapagpahinga na kami at nagising kami ng maaga dahil sa sobrang ingay ng mga pinsan ko. then kasama ko yung jowakels ko. at doon sa house na tinulugan namin medyo liblib. tapos bigla kong naalala na si kirs (girlfriendko) may third eye pala same sila nung isa kong pinsan. mga first tsaka second day namen doon medyo okay pa. then nagkayayaan na kami ng mga pinsan ko na maglomi. wala kaming makitang masasakyan so naglakad nalang kami dahil malapit lang naman ng konti yung bahay ng pinsan namin. then habang naglalakad kami nagkakatakutan na kanya kanyang kwento ng kakatakutan pero ako diko naman trip yung makinig sa mga kwento nila. at yun na nga nakarating na kame sa bahay na tutulugan namin.
simula nung dumating kami sa batanggas nagiinom kami tuwing gabi pangpatulog lang. hanggang isang gabi hindi kami naginom dahil halos araw araw kami nagiinom. then nung matutulog na kami konting harutan tapos nung napagod na yung mga pinsan ko. si kirs naman nagccp tapos bigla syang napatingin sa paanan namin dahil nakapatay nayung ilaw tapos nung pagflashlight nya sa paanan namin bigla nya akong niyakap then bigla syang umiyak. (ganun kasi sya pag may nakikita) so ako naman kunwari hindi natatakot feeling strong iz me. then nagtakutan na kami siksikan kame sa sulok then mayamaya biglang nahimatay si kirs edi ako naman nagpapanic na tinawag na namin yung tita namin. nagbigay sya ng rosaryo pinahawak nya kay kirs. then ako power hilot sa kamay sa paa sa talampakan. tapos yung pinsan ko may kinuha syang 15 pesos na magkakadikit. inipit nya to sa pagitan ng daliri nya sa paa. tapos may binabanggit sya na diko maintindihan. then nagising na yung gf ko. akala ko okay na sya pero hindi papala. dumilat sya at parang sa isang sulok lang nakatingin na parang wala sa sarili. then mayamaya nagkaroon na sya ng malay tapos kinuwento nya samin yung nakita nya. nakita nya daw duon si mama tapos yung kapatid ko tapos si papa. tapos nakita nya din daw yung mama nya kaya sya napaiyak. tapos sinabihan kami ng tita ko na wag daw kami maingay lalo na tuwing disoras ng gabi. dahil baka daw naiingayan sila samin. kasi pag magkakasama kaming magpipinsan parang kami lang yung tao sa mundo. yung tipong sobrang ingay namen. so kinabukasan naginsenso kami. halos buong bahay pinausukan. simula nung nangyare yun tuwing 3AM nagigising ako na parang may nakatingin o nagmamasid samin. so ayun kinabukasan nagyaya nako umuwi. at simula nung umuwi kami dito sa maynila nakakatulog nako ng maayos.
ps.sana maintindihan nyo yung story ko first time ko lang kasi mag confess eh. tinry ko lang.
QUEZONCITY.
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Horrorthis stories is not mine but i want to share this story from the facebook page 'Spookify' Pls. Read and Vote ;) Enjoy Reading~ ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Vote your favorite parts in the story Thanks for your votes♥