Los Angeles, California
"Mum, Dad I'll be fine dont worry!" paalala ni Jaki sa kanyang magulang. Papasok na siya sa departure area kasi tapos na siya magcheck in."Basta anak, if you need anything, don't hesitate to call us okay?" bilin ni MummyG na mukhang pang iiyak.
First time kasing mawawalay ang kanilang nagiisang babaeng anak sa kanila. Apat silang magkakapatid. Si Jaki pa ang bunso. Kaya naman ganun na lang ang pagaalala ng kanyang magulang.
"Mum, don't worry. Tatawag ako sa inyo every day if i can. Saka nandun naman si Yaya Ising para alagaan ako eh." sagot ni Jaki.
"Basta iha, take care ha. Ingat sa mga boys. Sa gandang mong yan, tiyak madami pipila sa yo. Pati nga artista baka pumila eh." biro ng kanyang Daddy.
"To talaga si Daddy o. Kaya feeling maganda si bunso eh." sabat ng kanyang Kuya Joseph, ang panganay. "Basta bunso ah, pag may nanligaw sayo, dadaan muna sa min" dagdag nito.
"Kuya, uuwi ako sa Pinas para tuparin ang pangarap ko as a dancer. Pag may lovelife na dumating, bonus na yun." Sagot ni Jaki.
Sikretong hiling ni Jaki na magkalovelife sya pero di nya ito sinasabi kahit kanino. 24 na sya pero hanggang ngayon wala pa syang naging karelasyon. Naiinggit sya sa mga kaibigan nyang may mga nobyo na. Pero tinabi nya ito sa likod ng utak nya dahil gusto nya munang i-establish ang career nya.
"Sige na parentals and sibs, I'm going in. GROUP HUG!" sigaw ni Jaki. Pagkabitaw ay agad ng pumasok si Jaki bago pa sya maiyak. Kumaway sya ng huling pagkakataon sa kanyang pamilya at naglakad na papunta sa gate.
I'm scared but I can do this. Paulit ulit na iniisip ni Jaki sa kanyang sarili. Di man nya aminin, natatakot sya. Kasi first time mga yang lilipad magisa. Pag dating sa gate, boarding na pala kaya deretso na sya sa eroplano.
Hinahanap nya yung upuan nya at ngumiti ito nung nakita na nya. May katabi syang lalaki? Lalaki ba to? Bakit ang haba ng hair nya? Baka bakla. Iniisip ni Jaki. Pero binale wala nya ito at umupo na lang. People have their right to choose so bakit ko sya ijujudge kung yan ang trip nya, sabi nya sa sarili nya.
Ilang minuto lang at nagreready na ang mga flught attendant for take off.
"Ladies and gentleman, this is the pilot speaking. Welcome aboard Destiny Airways, flying to Manila, Philippines. The flight will take an estimated time of 14 hours." "Cabin crew prepare for take off."
Napansin naman ng katabi ni Jaki na parang ang higpit ng hawak nito sa kanyang arm rest.
Kabado siguro to, sabi ni Vice sa sarili nya. Makausap nga.
"Hello, miss? Are you okay? Napansin ko kasi ang higpit ng hawak mo eh" tanong ni Vice.
"A-ah I'm fine, thanks for asking. I'm just nervous kasi first time kong lilipad magisa eh" sagot ni Jaki.
"Ah ganun ba. Chill ka lang. Safe naman tong airplane." "So are you from LA or tourist ka lang?" Naisipan itanong ni Vice at daldalin na lang si Jaki para mawala ang nerbyos nito.
"I'm from LA. Born and raised. Pero ako lang naman sa aming magkakapatid. Kasi lumipat ang parents ko saka mga kuya ko before I was born." sagot ni Jaki, habang nakangiti. "Ikaw? Are you from LA as well?" binalik ni Jaki ang tanong kay Vice.
"Ay hindi. I'm just here for a tour and vacation na din. 1 week lang ako nandito." "So you're going to Philippines for vacation?" Tanong ni Vice
"No I'm actually planning to stay there because I want to pursuee my dream to become a dancer. Gusto ko din naman ma-experience tumira sa Pinas. Miss ko na mga pagkain dun na minsan ko lang matikman." sabi ni Jaki.
Graduate si Jaki ng Yale University, major in Dance. Magaling itong sumayaw at laging nananalo sa mga dance contest. Bukod sa galing sumayaw, maganda din si Jaki. Especially ang kanyang smile. Her smile instantly lights up a room. Kung gano kaganda ang itsura ni Jaki ganun din kaganda ang kanyang ugali. Kaya nagtataka ang mga kaibigan nya at pamilya nya kung bakit hanggang ngayon, single pa sya.
Nagclick naman agad si Vice at Jaki. Parang instant bestfriends. Gumaang na din ang pakirmdam ni Jaki at relaxed na ito. Nagkwekwentuhan lang sila tungkol sa kanilang mga buhay. Pero hindi sinabi ni Vice na artista sya sa Pinas. Dahil parang di din alam ni Jaki. Pinakilala nya ang sarili nya as Jose Marie Viceral.
Nanuod pa sila ng movie gamit ang isang earphone. Magkabila sila. Ang saya lang nila at di nila namalayan na nasa Pinas na pala sila.
Magkasama ang dalawa hanggang baggage claim. Inalalayan ni Vice si Jaki sa kanyang mga maleta at sabay na tumungo sa exit.
"May susundo ba sayo?" Tanong ni Vice
"Oo meron. Mga cousins ko" sagot ni Jaki
"O sige, I'll go ahead first. Ay pahingi pala ng number mo. " sabi ni Vice. Binigay naman ni Jaki yung number nya at hiningi nya yung kay Vice. Binigay din ni Vice.
"O sige bye! I'll see you around" paalam ni Jaki sabay beso.
Lumabas na si Vice at nagulat naman si Jaki na may mga security na lumapit at parang pinoprotektahan si Vice. May mga sumisigaw din ng pangalan na "VICE!" at kumaway naman dun si Jose Marie. Naguluhan si Jaki at muling nabalik sa pagiisip ng makita nya yung mga pinsan nyang kumakaway sa direksyon nya.
"JAKI! Hi couz!" Bati ng mga pinsan nya sa kanya.
"Kamusta na kayo??" Tanong ni Jaki.
"Ok lang naman kami. May tanong nga pala kami couz... bakit mo kasabay si Vice?" tanong nila.
Naguluhan si Jaki. "Sino si Vice?"
"Yung kasama mo kanina! Tinulungan ka pa nga magbuhat ng maleta eh"
"Hindi Vice pangalan niya. Si Jose Marie yun"
"Jose Marie Viceral di ba?? Si Vice nga!!"
"Pano nyo sya kilala?" Nakakunot na tanong ni Jaki kasi gulong gulo na sya.
"Sikat na artista kaya sya dito!!" Excited na sinabi ng mga pinsan nya.
"Weh?? Bakit di nya sinabi sa kin kanina? Saka bakit nasa economy class lang siya?" Madaming tanong ni Jaki.
"Humble kasi siya. Yun nga ang magandang katangian niya eh. Kahit ganun na sya kasikat, di pa rin nya ito pinagmamalaki." Sagot ng isang pinsan.
Shet. Sabi ni Jaki sa isip nya. She feels bad for not recognizing him. It must have hurt his pride. Pero di naman kasi nanunuod ng Filipino Channel si Jaki kaya wala syang masyadong kilalang artista.
Habang pauwi na sila sa bahay ni Jaki, iniisip ni Jaki kung itetext ba nya si Vice para magsorry.
Ano namang sasabihin ko pagnagsorry ako? Huhuh wag na lang kaya. Maybe he already forgot about me since busy syang tao at madaming ginagawa yun for sure. Wag na nga. At itinabi ang kanyang phone. At nakipagusap na lang sa mga pinsan nya
----------------------------------------------
Ang di alam ni Jaki, nasa isip lang sya ni Vice. Di sya makapaniwala na ganun kagaang ang loob niya kay Jaki kahit kakakilala lang nya ito.
Mas lalo pang gumaang ang loob ni Vice kahit di alam ni Jaki na artista sya. Dahil doon, alam nyang hindi plastic si Jaki. Kinatuwa to ni Vice dahil gusto nya magkaroon ng isang totoong kaibigan yung hindi kaibigan sya dahil artista sya.
I want to be her friend. Kaya naman itinext ni Vice si Jaki nung gabing yun.
To: Jaki Gonzaga
Hi Jaki, si Jose Marie to. Did you reach home safely? 😊*bzzzz* Naramdaman ni Jaki nag vibrate ang phone nya. Agad naman nya tong tinignan.
From: Jose Marie Viceral
OMG. He texted me. Should I reply? But I feel so bad. I'm embarrassed 😫 sabi ni Jaki sa sarili nya.
Magrereply ba si Jaki?
/////////////////////////////////////
A/N: Hi guys! Eto na nga. Nainspire ako magsulat. Vote and comment ang mga reactions and feelings nyo for the next chapter! Salamat mga sibzxz
BINABASA MO ANG
Destiny's Flight
FanfictionWhat are the chances of sitting beside someone destined for you? Fate can be tricky sometimes, but i never fails. This is a story about Vice and Jaki who got on "Destiny's Flight".