"KUYA!"
Tumakbo si Jaki sa mga kuya niya at isa isa naman niyang niyakap ito. Si Vice naman nininerbyos. First time ko manligaw. Pano ko ba babatiin mga kuya niya?
Jaki: Mga kuya, ito nga pala si Vice. Bestfriend ko.
Vice: Hello po. Jose Marie Viceral na lang po. *kinamayan lahat ng kuya*
Jaki: Vice, eto si Kuya Joseph, panganay, Kuya Jeric, pangalawa, at si Kuya Jagger, pangatlo.
Namumukaan sila ni Vice kasi nakita na niya sila sa IG ni Jaki. Tiningnan naman ng mga kuya ni Jaki si Vice mula ulo hanggang paa. Parang nagtataka kung ano ba siya.
Jaki: Mga kuya, bestfriend ko siya. Lalake yan. Manliligaw ko din.
Kuya Jo: Manliligaw? Mag 1 year ka pa lang dito meron na agad?
Vice: Wag ka po magalala Kuya Joseph, malinis po intensyon ko.
Daddy: Ano tong naririnig kong may manliligaw ka na, Jaki? *lumabas ng bahay kasabay ang Mummy*
Jaki: Daddy!! Mummy!! Nandito pala din kayo! *niyakap ang mga magulang niya*
Ohmygad hindi ako nainform meet the family pala ito. Huhuhu. Anong gagawin ko? Dapat maganda ang impression nila sakin. Isip ni Vice.
Vice: Magandang gabi po, Mr and Mrs Gonzaga. Jose Marie Viceral po.
Mummy: Magandang gabi, iho. Nakwento ka na sakin ni Jaki. Ikaw daw ang unang kaibigan niya dito sa Pinas.
Vice: Ah eh tinadhana po yata kami magkasabay sa eroplano.
Daddy: Nagdinner na ba kayo? Pakain pa lang kami. Sabay ka na sa amin Vice.
Vice: Ay hindi na po. Kayo na lang po muna. Family dinner niyo po yan eh.
Jaki: Ano ka ba Vice. Parang pamilya ka na din. Bestfriend nga di ba? Tara na. Sunday naman bukas, wala tayong pasok.
Kuya Je: Oo nga. Halika na Vice.
Vice: Sige po. Salamat po.
Pumasok na silang lahat at nakaupo sa dining table. Katabi ni Vice si Jaki at kaharap ni Vice si Kuya Joseph.
Jaki: Kakarating niyo lang, Dad?
Daddy: Mga 3pm. Natraffic lang galing airport
Jaki: Bakit nga pala kayo umuwi? Di niyo man lang sinabi sa kin.
Kuya Jagger: Surprise kasi. Pag sinabi sayo edi hindi na surprise yun :p
Jaki: Tinatanong lang eh :p
Mummy: Don't mind them Vice. Magakasunod kasi si Jagger at Jaki kaya parang kambal lang sila.
Vice: Nakakatuwa nga po eh.
Mummy: Umuwi kami para magbakasyon. We want to see how you're doing. Mas lalo na simula nung na ospital ka. 1 week kami nandito.
Mummy: Ikaw lang ba nandito sa Pinas, Vice?
Vice: Yung parents ko po nasa LA din. Tapos, yung mga kapatid ko po may sarili ng pamilya. 3 po kaming magkakapatid. 2 Ate.
Daddy: So parehas pala kayong bunso ni Jaki?
Vice: Opo hehe
Daddy: So what do you do for a living?
Jaki: Ay Dad. Artista po siya dito sa Pinas. Sikat na sikat po. Parehas po kami ng show na pinapasukan.
Tumingin si Jaki kay Vice.
Jaki: Sorry ah. Di talaga kasi nanunuod ang pamilya ko ng TFC eh. Kaya pareparehas kami walang alam.
BINABASA MO ANG
Destiny's Flight
FanfictionWhat are the chances of sitting beside someone destined for you? Fate can be tricky sometimes, but i never fails. This is a story about Vice and Jaki who got on "Destiny's Flight".